Minsan sa ating nakaraan, tayong lahat ay naging
JEJE. Hindi ko exactly alam
kung paano ko i-eexplain ang pagiging JEJE. Pero dahil sa pagiging determinado
ko na bigyan ng definition and pagiging JEJE, ito ang na-formulate ko:
JEJE- a dyhybrid
combination of over-artistically interrelated traits: jologs, peace sign,
smiley (^_^) , JAPAN, ITALY,
BOOKS BEFORE BOYS BECAUSE BOYS BRING BABIES, and gm na may signature sign like
this:
~~$Amm_917
d(^_^)b ~~
Kagaya nga ng
sinabi ko, minsan sa buhay ng isang tao mararanasan mo talaga ang pagiging
JEJE. I mean, sa ngayon siguro ikinakahiya mo ang pagiging jologs mo nung high school
ka or grade school. Itatakwil mo ang jeje mong pagkatao habang tumatanda ka. Pero
isa tong definite phase sa ating buhay.
Naisip kong gumawa
ng series of stories about sa jejevolution ng mga kakilala kong mga tao. Ito ang unang istorya...
************************
Nung grade school ako, usong-uso ang
sulatan ng letters at ibibigay mo ito sa friends mo. Akala mo naman napaka layo
ng pagbibigyan ng sulat, na samakatuwid...pwedeng katabi mo lang sa upuan. Ang drama
ng bigayan ng letters ay akala mo overseas. Minsan nagsusulatan kami ng “take
care” o kaya “see you soon” na sa totoo lang, kinabukasan magkikita na naman
kayo.
Syempre, pagandahan pa yan ng stationary na gagamitin.
Magastos at pabonggahan talaga! Minsan, dapat iba’t ibang design pa ng
stationary per person na susulatan mo. Yung iba, parang intermediate pad lang,
yung iba scented, yung iba naman napaka bakla ng design, yung sa iba naman may
envelope pa na mas mahaba ang nakasulat sa envelope kesa sa letter mismo sa
loob.
Noong grade six kami ng batchmates ko, ang pagsusulat
ng letters sa isa’t isa ay parang facebook wall ko ngayon...napupuno ng SPAM.
(kasalanan ni JANINA MERCADO >:P)
Ang mga susunod na ipapakita ko ay snapshots ng actual
jejeletters from my jejeloving jejefriends, jeto nah!
*******************
Ito ay isang page na pinilas ni Jennifer Layug sa
botany notebook niya nung grade school pa kami. Sa pagkakatanda ko, ito yung
time na magkasama kami sa “Cleaners” assignment sa class. Habang nagsusulat
kami ng lecture, hindi niya ata nagustuhan either yung itsura ng sulat niya or
yung drawing niya nung seed =)) kaya pinunit niya yung page na yan ng notebook
niya. Actually, yung basura niya na yan ay mas maganda pa rin sa mukhang basura
kong notebook =)) Natural sa grade schooler na i-document lahat para hindi
makalimutan, pero makakalimutan pa rin talaga...nag-hirap ka lang. May special dedication pa si Phen
sakin...plus dated pa yung pagpunit niyang krimen.
“Sam, tago mo ‘to
ah. Unang punit ko ‘to eh!!!”
At syempre, natural
din sa isang grade schooler ang magpauto kagaya ng kinasapitan ko...tinago ko
nga! Kakahanap ko lang kagabi kasama nung ibang nililibag na letters na binigay
sakin ng classmates ko dati =))
************************
Iyan naman ang
Christmas card na binigay sakin ni Janina Mercado nung 2nd year
kami. Hindi ko maalala kung kanino ko binigay yung card na ginawa ko, pero
malamang pangit din yon kagaya nitong kay Janina =))
Uso rin noon ang
pagkakaroon ng unique style ng card na gagawin mo. Naalala ko, yung ginawa ko
hindi unique kasi ang pagiging unique ay naging hindi na unique (ang gulo :|)
=))
Kapag binuksan mo
ang letter niya, meron pang mga papel na takip na kailangan mong i-flip bago
makita ang message. PInahirapan pa ako! Tapos sa sides naman, makikita mo ang
boxing gloves ni Pacquiao...ay!!! Christmas stockings pala yon =)) sa right
side naman ng card, makikita mo ang Christmas tree na parang binaliktad na
turnilyo =))
Pero thankful ako
na sakin yan binigay ni Janina kasi may extraterrestrial akong mabibida sa inyo
=))
***********************
Itong susunod na
card...hindi naman talaga JEJE pero gusto ko lang i-share. Bigay sakin to ni
Michelle Santos!!!!!!! *kiligs* WAHAHAHA papatayin niya ako nito! lagot na! Na-touch
ako dahil nag-effort pa siya na gawan akong ng sand art na star hihihi hindi
niya kasi ginagawa on naturally.
Binigay niya sakin
yan nung 16th birthday ko...with matching book pa yan na “Witch of
Portobello” by Paulo Coelho <3
***********************
Okay, itong next
letter rfrom Kathleen Salivio. Natawa lang ako dito kasi mali spelling ng name ko wahahahahaha
“SAMATHA” =))
end of story.
***********************
Wala akong naintindihan sa letter na yan!!! mindfuck
letter from Michelle Santos =)) Binigyan niya ako ng coded letter...without the
codes :| (hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano message niya sakin na
yan)
Naalala ko, tawag niya sakin noon ”King Aragorn” kasi
favorite ko LOTR. Then ang tawag ko sa kanya ”Master Fowl” dahil naman sa
Artemis Fowl na fave niya. Kami lang dalawa lagi sabay mag-lunch nung grade 6. Parang
mga outcast and antisocial =))
JEJE move din yung pag-gawa ng letter na ikaw lang nag-imbento ng sariling
codes =)) itong kay Michelle, feel ko nakuha niya lang yan sa ibang tao. Kaya
hindi siya considered sa legit JEJE.
***********************
Ito naman from
Carmela Pile. According to my statistics, siya ang may pinaka madaming letters
na binigay sakin sa buong buhay ko. Gusto ko ibigay rin ang award na MOST GAY
STATIONARY sa kanya! congratulations! hahahaha
***********************
‘nuff said. Legit
JEJE tong si Katrina Navarro =))
right, K3NA? =))
***********************
WAHAHAHAHA! Bigay
to sakin ni Alyssa Santos nugn 6th grade! natatawa ako. First time
ko siya naging classmate non. Hindi ko pa siya kilala tapos bigla niya ako
binigyan ng letter =)) Araw-araw niya akong kinukulit na mag-pen back
ako...ewan ko lang if ginawa ko nga. Yun lang dialogue namin buong grade six
:))
Alyssa: “Pen back,
Sam. oke thankz”
Me: ah sige >:)
***********************
Itong si Janel
Salivio...miss ko na (:<) favorite ko siyang asarin! hindi ako mabubuhay pag
hindi ko siya inaasar :(( super fun niya i-bully kasi mabait :))
Meron din siyang legit JEJE na nakaraan :))
Iba’t iba ang alam niyang pakulo sa mga letters. Feel ko, siya ang master imbentor ng
jejeletterz with proness powers. Meron pa siyang gimik na “Smile muna”
bago buksan ang letter.
Mahilig din siya sa TCCIC, ITALY, DUBAI, ROME, PARIS,
at yung sa sulat niya na dapat JAPAN...JAPA lang nalagay =))
***********************
Ikee Gonzales! we
have been close ever since...forever. But now, ewan ko nalang. HMP.
Anyway, laging
weird and striking color yung mga ginagamit niyang pens. Meron siyang letter
sakin na parang reflector vest ng traffic officer and kulay. Even though gusto
ko yung color orange...masakit naman talaga sa mata basahin :| nakakainis =))
Tapos super effort din yang si Ikee. Biruin mo, naisipan niya pa gumamit ng legal
bond paper at mongol 2 pencil para sa letter!? :|
Naalala ko,
binigyan niya ako ng letter na ang laman ay about sa regalo niyang chopstick
sakin wahahaha defensive! =)) binigyan niya ako ng chopstick. isa lang. hindi
complete yung pair pangkain kaya hindi mo magagamit. Honestly, nawala ko yung
gift niya na yon =)) Ang huli kong tanda, ginamit ko yon as magical wand
(feeling Harry Potter) =))
YEAH BOY :P
***********************
Ito naman kay
Catherine Bautista galing. Natawa ako kasi nilagyan niya pa ng shade na gold
yung sa letter niya...konti ko ng di nabasa nakasulat =)) akala ko, hindi para
sakin nung una =))
***********************
At diyan nagtatapos
ang post na ito. Abangan ang susunod na kabanata ng jejedays 101 :>
I have a feeling,
yung letters na binigay ko sa kanila...napaka GAY and laging may drawing...o
kaya masyadong maikli...masyadong mahaba...basta.