Well, ipakikilala ko muna sainyo ang bida sa post na to. Si Ate Irene ay matagal ng naninilbihan sa aming iskwelahan nung high school ako. Matagal na rin namin syang nakapiling kaya hindi mo maiiwasan na mamiss sya sapagkat naging bahagi sya ng buhay namin sa CdSP. Kapansin pansin talaga ai Ate Irene dahil sa kanyang natatanging ganda at dahil sa kanyang salubong na kilay...
Nagsimula ang "handsome bonus" na trip namin after ng aming retreat sa Capuchin. Sial Ikee at MIchelle ang madalas kong kasama kumain. Halos wala kaming pinapalampas na break time, mahalaga man kasi sa amin ang mga oras na kami ay sama-sama. Bilang na rin kasi ang oras namin dito sa CdSP, kaya sinusulit na namin. May pagkakataon na pare-parehas kami ng kinakain, katulad ng spaghetti ni Ate Ibz; Minsan naman ay talagang iba iba kami ng trip...Nagtataka nga ako dahil isa lang sa aming tatlo ang tumataba, haha! ang bad ko. bati na kami!
Kapag may na kuha kaming pagkain, lagi naming tinatanong kay ate Irene kung "wala bang handsome bonus?", aba'y xempre! wala. Mahirap na talaga ang buhay ngayon...ala ng libre o kaya discount. Wala ng hansome Bonus, meron ka pang libreng simangot! wahaha. nakakaloka talaga. Hindi dun natapos ang mga hirit naming tatlo! may mga sumunod pa. Wala kaming pakialam kahit sungitan pa kami nun, mas nakakatuwa nga weh...itsura kasi! wooo!
May naka-post sa canteen na "Quapao Available", doon malapit sa cashier o kaya bayaran ng pagkain (probinsyana term). Palaging may nakapost na ganun kaya naman minsan naloloko man kami. Minsan wala naman talagang quapao, pero yun parin inoorder namin. Kapag sinabing wala ngang quapao, inirarason namin na may nakalagay na "quapao available" , sabay turo sa sign. Yun lang ang kailangan mong gawin upang masira ang araw ni ate Irene, isama mo na rin yung smiling face nya. hahaha!
Nang minsan na pumunta ako sa CdSP ng Sunday. May nakalimutan ata akong libro tapos may quiz kinabukasan. Diko masyadong maalala pero ang alam ko lang, 1st year high school palang ako nun. Nagmano ako kay Ms. Santos noong pauwi nako...spotted si Ate Irene na sinundo ng boypren nya! nakita namin ni Miziz. Hindi na nga akong nag-react masyado, ngumiti nalang ako. Nagulat ako nung napabulong si Ms. na, "ginagawang dating place ang iskwelahan." haha. grabeh.
Maypagka-masungit nga si Ate Irene, pero minsan nakaktuwa rin naman. Pano kasi palagi syang "meron." hahaha! kaya siguro ganoon. Pagkatapos ng interview ni Ikee with ate Ibiang noongika-17 ng Marso, Sa aming iskwelahan, 8:30 ng gabi, si Ate Irene naman ang sumunod. Ipinipilit ni Ikee ang kanyang sarili na maki-tulog kila Ate Irene sa tagal ng meeting ng tito nya. Nag-suggest pa nga si Ikee at tabi sila, xempre...pinatulan naman ni Ate Irene ang gimik ni Ikee. haha, itinakwil si Ikee. Iyon man ang isa sa mga araw na nakita kong masaya at puno ng kalokohan si Ikee. Isa pa kasi yung parating "meron." haha! lagot ako.
Si Ate Irene ay nagsimula sa pagiging taga-linis lamang. Na-promote kinalaunan...naging taga-abot ng pagkain...taga-luto...at ngayon Reyna na ng canteen! xempre, may sideline man yang si Ate Irene, nakuha pa syang extra sa Amateur Film na Valor. Kuwari pa syang hindi natuwa, pero deep inside sobrang tuwa sya! pano ko nasabi yon? Pano namna kasi, nung napalabas na ang Valor at nakita nya ang scene na kasama sya, aba'y ang ngiting ngiti sabay turo sakanyang sarili!!! (nakita ko kasi malapit lang table nya sa amin). Ang lakas ng palakpak nya, sapat na para madinig ko at malamang sa kanya nga galing yon.
Noong, Premiere Night ng Valor, naka-gayak si Ate Irene ng bonggang bongga! akala mo sya lang ang rarampa! hahaha. Hinihingi pa nga namin ang kanyang PInk Bunny Headband para remebrance , akso ayaw nya ibigay. Nasungitan na kami ni Ikee, napagdamutan pa! san ka pa? Noong patapos na ang school year namin, tinanong namin kung mamimiss nya kami...
Inamin nya rin, at xempre natuwa naman kami. Minsan lang kasi lumambot ang puso nun weh. At sincere talaga ang pagkakasabi nya.
Ngayon araw na ito, 6-3-2009, muli kong nasilayan ang CdSP...Huling punta ko na ito bago ako pumasok. Nakita ko si Ate Irene, at tinawag nya ako noong paalis na kami. Sabi nya, "Sam! ang sexy mo!" (pawang katotohan ang mga sinabi ; walang labis, walang kulang...tanong mo pa kay Michelle). at ang sinabi ko, "oo, naman!" Iyon ang huli naming pagkakausap. At ang nangyari ngayong araw ay ang nagbigay inspirasyon sakin para isulat ang blog post na to.
Si Ate Irene ngayon ay blooming, hindi na gaanong masungit samin, at higit sa lahat....
REBONDED!
*masaya ako at inspired ngayon araw, bati na kami, may reunion kami kanina, at masaya ang araw ko sapagkat muli ko silang nakasama. :)
-S.Reyes
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment