Friday, February 26, 2010

Chowking Dilemma

Minsan nalang ulit kami ni Janina magkasabay ng dinner. Kasi lagi siyang may kakaibang activity na inaabot na ng gabi. Sobrang namimiss ko na tuwing sabay kami kumakain kasi laging may nangyayaring nakakatawa o kaya kababalaghan naming dalawa. Sa sobrang dami ng nangyaring kalokohan tuwing sabay kaming kumakain, itong isang pangyayari sa Chowking ay isa sa mga pinaka nakakatawa.

Gabi na, at kailangan na namin kumain ng dinner. Wala pa rin si Charis at wala rin kaming pakialam basta gutom na kami---at iyon lang ang na sa isip namin. Nakakalimutan talaga namin ang mundo pag kami'y gutom. Sabi nga ng marami, para kaming lalaki kung kumain ni Janina...mabilis at madami pero sexy parin! ;) hahaha. (oh ayan Janina ah!)

Nahihirapan kami magdecide kung san kami lagi kakain kaya ang ginagawa namin ay "pompyang" o "take turns" kami sa pag-pili. Syempre, ang pompyang ay applicable lang pag higit kami sa dalawa. Alangan naman, mag-pompyang na kami lang...oh di pareparehas tayong nagmukhang tanga nyan :))

Well, doon nga kami sa Chowking kumain. Request ni Janina, kasi gusto niya nga ng Chowfan. Adik siya! Pumasok na kami sa Chowking at pumila ng maayos. Actually, matino na nga kami ngayon eh...pumipila na kami bilang mga normal na tao. Hindi mga abnormal na sisingit nalang basta basta.

Noong nakapila na kami, sa haba ng pila ... sumali na sa eksena ang isang babaeng Ordertaker na naka-orange na uniform pero hindi siya si Jollibee kasi walang antenna at pakpak. Pero pasok siya sa kategoryang rosey-cheeks at sarat na ilong. Si Janina ay nauna sakin sa pila kaya siya malamang ang unang kukuhanan ng order. Ganito ang palitan nila ng salita:

Jollibee, Este Ordertaker: What po order nyo mam?

Janina: Isang Chowfan na siomai ang toppings.

Ordertaker: Ano po ang drinks?

Janina: "Janina"




Ordertaker: Drinks po mam...hihihi (pa-cute na tawa)

Janina: ah, eh--wala.


tapos tumawa parin ako ng tumawa. Plus inuulit-ulit ko pa yung,"Ano po drinks nyo? ---'Janina' " . Kaya talagang maiinis ka.

Ngayon naman ay magbabayad na kami sa cashier. Ganito naman ang nangyari:

Cashier: Ano po name nila? serve nalang po.

Janina: "Janina"


ako na ang sumunod at ganun dun ang tinanong sakin. Pero "Sam" ang sagot ko.
Habang papalapit ako sa table namin ni Janina, nakikita ko siyang natatawa sa sarili...at nag-ffreak out nako dahil doon. ang weird kasi. Pinalapit na ako at pinagmadali dahil meron daw siyang sasabihin.

Janina: Sam tingnan mo to.

Sam: oh? ano yan? resibo?

Janina: basahin mo.

Sam: table 17..."Jeniba"

:)))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))

grabeh! sobrang tawa ako dun sa "Jeniba"!
hindi na talaga ako makahinga sa kakatawa. Tapos tinatawag ko pa siyang "Jeniba". Never ng natama ang pangalan nya tuwing mag-oorder. Nang minsan ng Burger King kami sa NLEX after DLSU exams, "Dalina" naman ang name na nabigay sa kanya. Pero wala paring tatalo dun sa Jeniba. :))

baka ayaw nyong maniwala, eto ang ebidensya:

*sinulat ko itong blog na ito dahil wala si Janina dito sa dorm ngayon. Miss ko na siya ng sobra kahit kanina lang siyang hapon umalis at bukas ang balik nya ng umaga. Ganun talaga ang buhay. Sana marami pang susunod na masasayang istorya tuwing kami ay kakain na.

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment