So, wala na talaga ako magawa sa buhay. This summer is so boring and made me more excited to be in College. Three days na rin akong may sakit, suffering from Acute-upper respiratory tract infection (sipon). Ang sakit talaga ng ulo ko...actually lalong naging abnormal ang sleeping habit ko dahil sa aking sakit. Daytime sleepiness...tapos widely awake ako sa nighttime. Ala nakong makatext pag gabi o kaya madaling araw kasi bagong buhay na si Michelle. Nakakamiss actually. Ala ngang kinalaman ang aking introduction sa topic nitong post na to. Gusto ko lang naman i-share ang aking nararamdaman at humanap ng karamay sa sipon na I'm trying to endure. Ang gusto ko lang naman ipahiwatig ay: Sinulat ko tong post na to na may sakit ako. Ayan nasabi ko na, medyo gumaaan na rin ang aking pakiramdam. Mahirap gumawa ng blog pag may sakit, hindi ka makapag-isip ng mabuti at napapagod ka pa sa kakahintay kung kelan ka sisinghot. Asar Talaga.
Well, matagal na itong "cleaning Marathon" nangyari. Napanaginipan ko lang ito kagabi/kaninang umaga. Miss ko na rin ang bida sa blog na ito, si Mela. Lalo na yung walang kamatayan nyang pag-reremind na matulog ako ng maaga at huwag na mag-blog. Umpisahan na natin ang istorya. Naging half na ng buong post ang introduction, pambihira.
So, friday ito nangyari...I can hardly remember the details. Basta friday. Kasi nga Friday cleaner si Mela. Early dismissal noon, pinaiwan ni Sir Spencer ang mga officers for some reminders and chuva. Si Mela ay hindi pa nakakauwi, as well as Ikee. Ayan, kinausap kami ni Sir spencer about sa attendance at class funds namin. wala namang mxado naging problema sa class funds, nagkaron nga lang ng konting conflict sa Attendance namin. Panu kasi walang kwenta talaga yung secretary namin. Puro pagpupuyat at pag-gawa ng blogs ang inaatupag. Napaka negligent. Ang bitter ko na sa sarili ko. Tumakas na ang ibang Friday cleaners kasi, hallush, tinatamad na silang mag-linis at ang bukod tanging naiwan ay wala ng iba kundi si Mela Melz.
Masipag syang tao kaya nag-linis siya kahit mag-isa. Nag-volunteer akong tumulong at ginaya naman ako ni Ikee. Wala kasi syang magawa dahil ala pa ang sundo nya. Sabay kami ni Ikee tumaas. Natuwa ako sa tiyan nya kaya sinuntok ko. haha. Aba! tinulak ba naman ako ng napaka lakas. ang ganti ko naman ay isang blow ulit sa tiyan, loko, tumalbog kamay ko. hahaha. Tapos, ginawa nya din yun sakinuntil makarating na kami sa 4th floor. Tinigilan ko na nga siyang harutin kasi baka iwan nya ako. Ang pambihirang Ikee ay hinablot ba naman ang kamay ko at tinulak ako sa wall at tumakbo sa room. Hindi naman ako nakikipag unahan sa kanya. Nakakainis talaga. Ang harot , grabeh. Naglinis na kami habang naglalaro ng taguan ang mga third year.
Tahimik na rin at less harutan. Nagbuhat si Ikee ng napaka daming chairs na patung-patong...grabeh, macho. hahaha. dahil sadyang mabait ako, tinulungan ko siya. WAAA! umalis sya at ako lang ang pinagbuhat. Ayun, nag-wawalis si Mela habang pinahihirapan ako ni Ikee. Naisip kong gumanti kaya kinurot ko tiyan niya habang may inaabot siyang upuan. Nagulat sa at nabagsak yung monobloc sa ulo ko!
Tapos, sinuntok ni Ikee ang tiyan ko na tumakbo paalis. hinabol ko si Ikee, may gusto kasi akong sabihin sa kanya. HIndi ko nasabi ang gusto kong sabihin kasi nawalan ako ng pagkakataon sabihin ang nararapat kong sabihin. Nag-takbuhan kami pababa...Naku, nakalimutan ko na iniwan na namin si Mela...Naabutan ko si Ikee sa may staircase na malapit sa faculty. Napaupo kami sandali at nag-decide na kaming umuwi. An sama namin. Naiwan si Mela sa itaas. Naku po.
*sorry kay Mela, dahil iniwan namin siya ni Ikee.
*Huwag kayong mangurot ng tiyan ng iba.
*Matakot sa dilaw na monobloc.
*HUwag tumakbo at taksan ang kaklase na nag-lilinis...magkakasakit at gagawa ng ganitong blog pag hindi ka tumulong mag-walis.
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment