Friday, April 10, 2009

Mang Carlos--Stardriver--CODE NAME: BB10-B10

Itong blog na ito ay para sa natatanging "Driver" na tumatak sa buhay ko.

Si Mang Carlos ay _?_ taon na naglilingkod sa aming pamilya. Hindi pa ako lumalabas sa mundo, siya na ang nakatakdang driver ko. Una, siya ang Driver ng Mommy ko...Ang mom ko pa naman ang pinaka mahileg sa mga lakad. Well, until sa last day ni Mom sa mundo, Si Mang carlos parin ang naghatid sakanya ng bonggang bongga (aww, sad :c). He remained loyal to our family kahit wala na si Mommy. Ala na kayong makikitang ganyan sa mundo. Binansagan siyang "Stardriver" dahil sikat si Mommy, at naging sikat na rin siya dahil doon. Kilala sa Pulilan si Dra. Nena Reyes pati na rin ang kanyang driver na si Carlos San Pedro.

Si Mang Carlos ay hindi lang isang ordinaryong driver sa Bulacan. Siya rin ay isang magsasaka na naglilinkod sa pamilyang Valenzuela, Mendoza, Santiago, at Reyes. Siya rin ay masipag at matyagang maghintay kahit gaano katagal. Usually, lagi kong siyang pinaghihintay...mahileg pa kasi akong makipag bonding sa classmates ko bago umalis ng school. Kapalit ng serbisyo nya sa amin ng mahabang panahon, pinag-aral ni Mommy ang kanyang anak na si Ryan. Naging scholar si Ryan sa Singapore, manang -mana sa kanyang ama! Ngayon ay may-asawa at anak na, naiwan si Mang Carlos at Ka-Doray (ang kanyang asawa, bilang na...bilang na ang ngipin nilang dalawa). Proud si Mang Carlos sa kanyang anak at naghihintay na lang siya umuwi si Ryan dito sa Pilipinas. Hindi lang sa pagigingdriver kilala si Mang Carlos, siya ay mas kilala sa pagiging isang mabuting ama.

Madaling mapansin si Mang Carlos, hindi ka mahihirapan hanapin siya. Sumbrero at tsinelas ang trademark niya. Tuwing pasko, may regalo akong sumbrero sakanya. Yung iba ay pinapamigay nya, at nasasaktan naman ako. Hindi masustansya ang hileg nyang pagkain. Hindi man siya umiinom ng kahit na ano maliban sa: KAPE. Oo, tama. Kape lang ang nagbibigay ng ibayong lakas sa kanya. Lagi nya sakin sinasabi na kumakain siya n Kape, hindi iniinom. Pag binibili ko sya sa Jollibee pag may gimik kami, inuuwi nya lamang ito kay ka-Doray at maghihntay na ihatid nya ako sa bahay ng makainom ng pinaka-mamahal nyang kape.

Hileg nya rin ang magbasa ng dyaryo bago ako ihatid sa umaga pag-pasok sa iskul. May kahinaan sya sa panrinig kaya kailangan lakasan mo ang iyong boses pag nagsasalita. Mahal na mahal sya ng aming pamilya. Kaso, lagi syang minamalas sa mga hayop na may apat-na paa. Naaalala ko na ilang aso narin ang napatay nya, nakadali pa ng kambing sa tagaytay. Nasira man ang bumper ng mga kotse namin, ayos lang. Meron naman nabigay kasiyahan sa amin. Pag kami ay nadidisgrasya dahil sa kanya, lagi namin pinagtatawanan na lang nila ate ang nangyari. Nang minsan mapadpad kami sa Guimaras, ay! Guiguinto pala, kila Christine Joy Santos, hinatiran siya sa labas ng coke. Hindi siya umiinom ng coke kaya naisipan nya na lang na ibuhos ito sa kanal. Tamang-tama lang, nakita ni Christine Joy ang pangyayari. Hiyang-hiya ako sa naganap na pangyayari. Binigyan pa tuloy siya ng espesyal na kape. grabeh.

Hanggang Bulacan lang ang kabisado ni Mang Carlos, pag dating ng maynila, magkakaloko-loko na. Nang minsan ay nagpahitid kami sa Megamall upang mag-shopping. Kasama ko si Ate Lilia at Mommy, batang-bata pa ako noong nagyari ito. Hindi ko talaga makalimutan. OK, so nagpahatid kami sa Megamall. Nakatulog kaming lahat sa sasakyan at si Mang carlos lamang ang gising. Pag mulat ng aming mga mata, aba! nasa garahe na kami ng aming bahay. Instead na magalit, pinagtawanan na lang namin ang pangyayari.

Thirteen years na siyang sundo-hatid sa kin sa iskwelahan. Kabisado na ni Mang Carlos ang aking routine at pag-uugali. Alam nya na laging may stopover sa kanto bago ako pumasok sa school sapagkat nag-aayos pa ako ng buhok o kaya kumain ng cereals. Pinag-tatanggol nya ako minsan pag-late ako nakakauwi dahil baka ako pagalitan ng husto. Pag dumadalaw ako sa grave ni Mom, nag-dadala man siya ng kaunting bulaklak at kandila, bago siya magdasal. ang bukambibig nya ay laging sina Dra. Nena, Ryan, at "Samantha".

Nalulungkot sya sa mga huling araw na ng aking klase. Mamimiss nya raw ang mga gimik, hatid-sundo sa kin, at yung mga pinag-samahan namin ni Mang carlos. Lagi kaming nag-aasaran at lagi man ako nag-sshare sakanya ng mga pangarap ko sa buhay. Iniimbitahan ko nga sya sa dumalo sa aking graduation para kako makita nyang mag-tapos yung batang hinahatid nya nung nursery. Eto ang dialogue namin, na nag-palambot sa aking puso:

MC: Matutuwa ang Mommy mo dahil magtatapos ka na, sayang at hindi ka nya naabutan.

S:Oo nga po weh, kaya nga ako malungkot. kaya dapat, pumunta kayo. Gusto ko ikaw maghahatid sakin. okei ba?

MC: Hoo, di bali na wala ako don. Hindi ako dadalo, wala naman akong mabibigay sayo.

S: Galit na tayo pag hindi kayo pupunta sa graduation. nalulungkot na nga ako, gusto nyo pang mamiss ko kayo?

...

Sa totoo lang, nalaman ko kay Tita rosie at kila Robo Cop na proud sakin si Mang carlos. Masaya sya para sa akin at parehas kaming natuwa ng makuha ko yung gusto kong award nung graduation.

Mamiss ko talaga si Mang carlos ng sobra. Hindi ko kaya sabihin kung gaano ko siya pinasasalamatan kasi higit pa sa salamat ang nararapat sakanya. KUng simpleng "thank You!" lang, it doesn't seem enough. Mamimiss ko ang mga banat nyang jokes.

Salamat Mang Carlos sa lahat, pag-doctor na ko, gagamutin kita katulad ng pangako ko sayo. sorry po, kung minsan ay naiirita ako sa mga pang-aasar mo...alam mo namang pikon ako . Mamimiss ko kayo, mag-aaral na po ako ng mabuti. Mahal ko po kayo kahit nauubos na ang buhok sa ulo niyo.

*EVE--paborito ni Mang Carlos/ dahilan: bibbo daw kasi.
*Ikee--mamimiss ni mang carlos service crew mo. thanks sa picture nyo, ganda ng smile mo sa picture.
*Michelle--mamimiss ka ni Mang carlos, ang tawag sakanya ay "bata sa olympia".
*JANINA--ang laging inaasar ni mang carlos. Pinaka kilala ni Mang Carlos sa aking mga prendz.

-S.Reyes

2 comments:

  1. AWW! Lintek. Mamimiss ko talaga ng sobra si MC! Ohh. Magkikita-kita pa rin naman. Paki-sabi nga pala kay MC na salamat sa pghatid nya samin last wednesday. Kakahiya. HAHAHA.

    Pagnegosyante na ko. Dadalan ko sya ng marameng kape!

    ReplyDelete
  2. aww, makakarating yan butler...
    salamat sa patuloy na pagbabasa ng blog.

    ReplyDelete