Tuesday, December 22, 2009

Patungong Langit...Street XD


Since wala kaming pasok last Wednesday kasi Manila day, nag set kami ng kanya kanyang lakad. Invite ko sana manuod si Ikee ng Transformers kaso natatakot akong ayain sya. Baka kasi mapagalitan sya dahil sakin. Oh see, may good side naman talaga ako noh.

I asked Ikee, kung pwede ako mag stay muna the whole day sa place nya kasi maiiwan ako nila Janina sa Pacific suites all alone. Si Janina, may lakad with ate Erika while Charis had a study group to be conducted somewhere near UST. Syempre kasama nya si Gerald. Ayown.

Pumayag naman si Ikee tapos masaya nako. Pinaka unang lumayas si Janina noong umaga. Kami naman ni Charis ay tamad pang bumagon. Kumain kami ng cup cakes for breakfast and we both felt unsatisfied with it. So I decided to ask Charis to eat breakfast together at Time Café.

Kumain nga kami doon ng Grilled Beef. Super Heavy Breakfast. Well, we both deserve to have break. Hirap kaya ng pinagdaanan namin. Studies lang wapak na kami. Tama lang yung long sleep at better food for us.

Nagplano man kami ni Charis kumain ng cake some other time. Tapos naisipan kong dalan si Ikee para mamaya ng jumbo cookies. I asked her first kung gusto nya, I shouldn’t have na lang… oo naman lagi yun sa pagkain weh. Peace.

Nag plano man kami ni Charis uminom ng Milo Shake later at night. Talagang gusto naming sulitin yung 1 day break namin. Back to studying nerds na naman kami nyan pagkatapos.

So, ako unang naligo…tapos si Charis humiga na naman. Napaka tamad nya talaga. Pinipilit ko na nga syang maligo ayaw parin..ang baho tuloy. Nalaman ko na lang nung pagka uwi ko, 1pm pa pala sya nakaligo. Loka loka talaga.

Nakabihis nako and ready to go na. Super lakas ng ulan at nagdadalawang isip nakong pumunta…Naalala ko na lang na I’d rather go to Ikee’s place damped wet than waste my day doing nothing. At inaasahan nya rin yung cookies ko. Hahaha

Nagkamali ako ng pinasukang street papuntang Lacson, kaya medyo mahaba pa ang linakad ko…daladala ko pa naman mga book ko at itong net book ko. Super todo mega over lakas ang ulan. Lumusong nako sa baha. Buti na lang naka-crocs ako. Tapos yung pants ko, soaked na talaga. Feel ko nga babaliktad na yung payong ko! Shockables talaga.

Ayon, nakarating naman ako ng safe at…basang basa. When I peeped through Ikee’s place, I saw her in her pajamas. Haha. Ang cute nga weh! Parang lutang na lutang at hindi pa naliligo ang loka loka.

I couldn’t step in ‘coz basa ako. Nakakahiya naman kung magtutubi pako doon. Ikee lended me her hav’s (havaianas) tapos nakapasok nako. I greeted lola Nelda and handed Ikee my pasalubong.

Umupo ako sa bed near the dinning table, nabasa ko sya kaya nag palit ako ng pants. Lola Nelda assisted me and took my pants to let it dry. So, at home nako…super shorts na suot ko. Maikli pa dun sa suot ni ikee. Hahaha.

Hindi makaligo si Ikee kasi may ginagawa pa yung mga workers nila…ayun, nagtiis muna ako na mabaho siya. Wahahahaha! Yew.

Nakaligo man si Ikee, tapos sabay kaming kumain ng lunch. She kept asking me questions to have conversation. Lutang ako, kay I quite showed disinterest. Siguro, gusto nya ako malibang kaya kinakausap nya ako.

Na-realized ko na may nagbago na pala sakin. Before, I was to make the small talks and kept the conversation going. But now, ako na madalas nagtatapos. Nanibago lang ako kay Ikee kasi, kinakausap na nya ako ng kusa. Dati, I thought that wouldn’t happen.

Kinakamusta nya naman ako and about my new set of friends…studies ko…and she seem concerned with my “cutting” of classes. She would tell me, “sira ka talaga!” grabeh, naninibago ako.

Tumawag nga pala si Mrs. Gonzales kay Ikee. Tapos kinausap man ako. Grabeh, nahihiya ako tapos hindi ako makapagsalita. She told me to stay for a night in Ikee’s place para masamahan si Ikee. Then I declined. Wala kasi akong dalang gamit! Saying! Joke…dahil kasi nahihiya ako. Toink. Ang gulo ko.

Tinatanung man ni Lola Nelda yung mga iba kong kasma sa condo. Tapos super interview. Sinabi nya nga paborito nya daw ako tapos ako lang kilala nyang friend ni Ikee. Syempre, flattered ako ng bongga!

Ayun, ang dami ding tanong sakin ni Lola Nelda. Kinuha nya nga number ko nung late afternoon when I was about to leave.

Nag-read ako ng books while Ikee was studying. Gumawa man ako home works to do something productive and again, don’t waste the day.

Nag-internet si Ikee, tapos nanuod ako. Haha. But I wasn’t sure if I could hack their internet kaya nanuod muna ako. So, nag-ym si Ikee. Nag-chat sya with Dane and Pat, who happens to be a “Reyes” too. Naki-epal naman ako, tapos I said hello to both of them online. Tapos , sinisiraan ako ni Ikee sakanila, ang bully niya talaga. Tapos she kept warning me not to get close to her. As in super conscious ako tuloy sa distance. Bawal kami magdikit…kasi daw mainit! Pambihirang mood swings o!

Kanina mabait, ngayon nagging masungit. Rawr. Wag nyo sya papakainin ng cookies. I got bored watching her….I mean watching her configure the Eleap home work thingy nya…

So, I tried to hack their internet so I could enjoy too. Gifted with amazing knowledge in hacking, I hacked their internet and I was able to have access in it. Nagulat si ikee dahil nakita nya online na rin ako sa ym. Tapos wireless pako. Wahahaha! Naloka yung tao sa kakatanong kung pano ko nagawa. I explained, pero hindi nya naman mag-gets. Pinahirapan lang ako. Tapos bumait ulit sya, kasi interested sya sa nagawa ko.

Ayon, kumain naman kami ng pancit for merienda. After non, nag watch na lang kami ni Lola Nelda nung drama rama sa hapon sa GMA yung kay Maxene Magalona…while Ikee was busy printing her home works.

Tapos, nag join man sya samin. Super interview na naman si Lola Nelda. And she reminded me about the LSC days…aww. So much for the drama, nag review na si Ikee nung Theology nya…tapos nagpaturo pa sya sakin ng something about that. Naging masungit na ulit sya tapos I was worrying how could I go home ‘coz it’s raining men! Ooops, raining.

Malapit na rin mag 5pm kaya I should get ready going home. Lola Nelda was still insisting me to stay for a night with Ikee. And of course, I declined. A day was enough, a night was too much.

Since masungit na ulit si Ikee, hindi ko na siya kinausap. Pero she would ask me something naman pag tahimik nako. Weird nya talaga. If I would answer, sasabihin nya, maingay ako. Hirap naman o.

Tapos, sinumpong na talaga, sabi ba naman eh:
“nakadalawang meals kana nga weh, umalis ka na.”

--dude, exact words yan. Hindi ko makalimutan. Pero hindi ako tinablan, I stayed for a little longer. Haha. Distraction ata ako sa pag rreview nya ng theology. Akala ko, I’m a big help…kasi I give her answers. Instant answers.

Ayun, dry na ang pants ko. It was still raining. I packed up. Lola Nelda helped me and walked me home while Ikee stayed at her place studying.

No exchanged of dialogues before I went home, no smiles, no—nothing. Just a simple wave goodbye from me and a turned off back from her. Rewind.
Binalik ko muna yung hav’s nya tapos kinuha ko pa yung payong ko before yung moment emo effect. Take note, umuulan pa! dagdag sa drama! Wahahaha

Upon reaching the Asturias street, Ikee phoned Lola Nelda asking for her Theology quiz pad…she thought nasama sa gamit ko. Tapos, nag-check pako ng gamit sa middle na street, umuulan pa pero ginawa ko yun simply for her. Tapos, nag call ulit sya. Nakita na nya pala. Wala na syang sinabing iba kundi,

“sam.thanks. goodbye, ingat ka!”

Oha, happy ending parin ang drama!

Syempre, hindi naman ito mababasa ni Ikee kaya malakas ang loob kong isulat ito. Umabot kaya itong post na to ng four pages sa Word Document.

Tapos noong araw din na yon nangyari yung sleep talking ko saying, “ikee…”


-S.Reyes

Baby Yellow Jackets

On my previous post, Softball—Monday—3:00-5:00, I finished the post going home singing the cheers. But that wasn’t the end of my day. Upon arriving home, Charis, Janina, and Ate Aira was all present. Kumpleto talaga ang Pacific barkada.

Janina was lying down on her bed in the middle of the room while Charis was reading her Filipino book for some advance reading. I arrived very exhausted due to the happenings in my PE course.

Janina asked me what significant thing happened to me awhile ago. I answered that I enjoyed the cheering lessons with the Yellow Jackets.

So, she remembered the cheers as I answered her question. She shared pa nga her experience too. Then, nagkasundo na kami. Nag-patalbugan na kami ng mga alam naming cheers. Until nagkaaminan na parehas naming gusto maging member ng YJ’s.

Sabi ko sakanya, mag-audition kami! Kasi parehas naman kaming game. Ewan ko na lang kay Charis. Ang Trip nya ata eh yung maging Tiger Mascot. Hahaha.

So, in chorus na kaming nag-ccheer na UST cheers and yells. Nakakahiya nga kay ate Aira kasi ang feeling talaga namin! Hahaha

Nagbagsak nga pala yung shower curtain naming tapos hindi na makabit ulit. Basta mahirap. Ginawa naming yung props ni Janina para may grand entrance si Charis sa aming mini-cheering squad. Nilagay naming yun a top ng bed ko , covering Charis’ bed.

Yung tipong Theatre Arts curtain and drama! Haha, tapos, yellow pa yung shower curtain…PERFECT!

So, nag-banyo na si ate Aira, it’s time for the rehersals. We called our cheering squad, Baby Yellow Jackets.

Actually, two lang kami ni Jan a Baby YJ’s…si Charis yung Tiger Mascot. Ang kanyang gagawin lang ay ang mag sabi ng, “rawr! Rah! Rah! Rah!”

We had several tries kasi we kept laughing. Nahuhulog man kasi kay Charis yung shower curtains kaya nakakatawa. Tapos, ang lakas pa ng boses naming, dinig hanggang kabilang kanto! Whoa.

Meron pa nga kaming intro bago mag cheer at i-reveal si Charis the Tiger Mascot.

We cheered, Go! USTe!, Ganaremos, tapos censored UST hymn (hindi kasi naming alam yung lyrics) kaya actions na lang.

Grabeh, ang saya talaga! Tapos pagod na pagod pa kami. Whew!
At least, we’re ready for the auditions kahit nakakahiya ang mga pinaggagawa naming.

Natigil nga lang kami nung lumabas na si ate Aira sa banyo…mukha na kasi kaming walanghiya pag nag-cheer pa kami sa harapan nya. Wahahahah!

But I noticed ate Aira was smiling when she got out from the CR…most probably because of our rehersals. Natawa siguro sya…tapos hirap pa nyang pigilin.

Vamos! Tigres! El Champion!

Akala nyo plain cheers lang…hindi noh!
Pati actions pinatulan na namin.


-S.Reyes

Somniloquy

Sadyang nasa mood ako mag blog ngayon. Sinusulit ko na rin yung time na makakagawa ako. Sarap man kasi i-share ang nangyayari sa buhay ko kasi ako ay isang interesting na tao. Grabeh anng feeling ko talaga. Ahahahaha. Joke lang po.

Meron man kasing tao ng comment sa blog site ko na www.17kings.blogspot.com...ang nakalagay:

“too busy to write? miss you, Sam…”

Oh ayan, may nakamiss na pala sa mga sinusulat ko. Pasesnya na wah. Miss na rin kita. Sorry kung masungit ako kanina sa simbahan…ala ako sa mood. Sad me… Gusto ko mag-moment. Hahaha

Masarap ang tulog ko kagabi. Naging normal ang buhay ko dahil doon. Hirap kasi ako pag may pasok. Ang aga tapos nagpupuyat pa ko sa gabi para lang sa pag-aaral. Ganyan ako. Nagbago nako ngayon. Isa lang yan sa maraming pagbabago sakin.

May ilang gabi na nasaksihan naming si Charis na nagsasalita habang tulog. Hindi naman daw sya nananaginip ng masama ani ni Charis.

Sa pagkakaalam ko, hindi ito night terrors o panic disorder…ito ay tinatawag na Somniloquy. Sleep Talking.

Minsan nasaksihan ni Janina si charis na kumakanta ng “dapitan.” Wala naming kanta sa mundo na dapitan. Ito ay isa na mga kanto na pumapaligid sa UST, at hindi ito kanta. Habang tulog si Charis, kinakanta nya ng paulit ulit ang dapitan…natunog ng alphabet songs…pero isa lang word ang nasa lyrics…ito ay “dapitan”

Saying, hinsi ko na-record. Mahirap i-describe ang pagkanta at tono nito. Next time, aabangan na naming ni Janina.

May isang time naman na ang sinasabi ni Charis ay “ay nako,” ang weird talaga. Tapos frequent pa ang sleep talking nya. Noong una namin natuklasan ang hidden talent nya…natakot kami ni Janina. Kinalaunan…nasanay na rin kami…at NAHAWA.

Ang pinakamatinding hirit ng sleep talking ni Charis ay nangyari nitong lingo lamang.

Lahat kami ay nakahiga na at lights off na. Biglang sumigaw si Charis ng:

“eh-luko-masigah-rah-fashu-ma!”, sabay sipa sa kama ko sa itaas.
Nagising ako at natakot.

Pano kasi, hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Parang chant na ewan. Hindi naman ito kanta…lalo ng hindi ito dasal. Nye…ang freaky.

Tapos madali tuloy ako nakatulog dahil sa takot.

Sinabi ko nga kanina na nahawa na rin kami ni Janina kay Charis.
Nitong week lang din nangyari samin yon.
Yung akin, rumor palang…hindi pa confirmed kasi si Charis lang ang nakarinig. Hindi kapani-paniwala. Wahahahah!

Yung kay Janina naman ang nakakatawa. Meron kasi silang quiz sa susunod na araw. Tapos ng review sya…nakatulog ng maaga then narinig naming ni Charis na nagrereview habang tulog.

Sabi ba naman eh, “the Philippine constitution…”
Tapos tinanung ni charis ang tulog…

“huy janina, gising ka pa ba???” may halong takot.

“hindi…gising pako…” sinabi habang dilat ang mata na namumula at naka-dipa paharap ang mga kamay.

Parang zombie na nakapako sa krus. Hahahaha. Nakakatawa talaga!

Pagkatapos ng blog na ito..patay nako kay janina.

Yung kaso ko naman ay mukhang hindi totoo.Kasi nga si charis lang ang nakakrinig.

Sabi ko daw, “ikee…” grabeh. hindi talaga siguro totoo. Madami naming pwedeng sabihin , ikee pa! juice ko. Pwde nmang “shhhhhhh--’’ sobrang cheesy!!!

Sabagay, nangyari yoon nung Wednesday…pumunta ako kila ikee at nag stay buong araw doon kaya siguro.

LESSON: ang sleep talking ay nakakahawa, mas mabilis pa ito kumalat sa a(h1n1).

-S.Reyes

Are you pregnant?

So, meron akong terror prof .

Pag hindi ka tumayo pag recitation, tatanungin ka nya ng:

“Are you pregnant?” grabeh. face to face yan dude.

Ang dami ng na biktima. Buti na lang ako hindi pa. wii.

Ayon, gusto ko lang i-share.

Take note, Theology prof pa naming yan wah.

Na-miss ko tuloy si Teacher Awie, Sir Rolly, at Miziz.

-S.Reyes

Human Radio

Last week lang to nangyari…
Pag hindi ako nakagawa ng blog abou this event malamang makakalimutan ko lang tapos maaalala ko lang tuwing maririnig ko yung mga kanta. Hahaha

So, one time nagkatipon tipon kami. Syempre, ako lagi ang huling umuuwi sa condo kasi akin yung may pinaka mahirap na schedule. Minsan nga lang kami nagkakaabutan sa hapon na sama sama talaga. Minsan kasi yung isa umaalis tapos kakain kung saan saan. Most of the time ako yun.

Doon sa room namin, kinuha ko tong net book ko para ipakita kay Janina yung lyrics ng songs para makakakanta na kami na hindi gibberish at kung anu anong ibentong lyrics.

Si Charis ay nag-aaral na naman nung Theology nya…sadyang masipag syang tao. Tapos ako naman ay tinatamad pang gawin ang home works ko. Hahaha. Shox. Loaded pala ako noong araw na yun.

Kinanta naming ni Janina yung Jai Ho! (original version) , Jai Ho! (pcd), the climb, at mga Demi Lovato songs. Nakoo! Lahat na ng kabaklaan sa mundo!

Alternate kami sa lines, at halata naming nabubulabog na si Charis samin. Syempre, hindi pa rin sya umalis. May part of her na gusto nya pakinggan ang concert namin.

Hanggang hindi naming perfect and isang song…kinakanta pa namin paulit-ulit. Dapat kasi maganda ang kalalabasan ng rehersals namin…parar parin ito saaming munting pangarap na YJ’s. hahaha

So, nagkaalaman na ambisyosa talaga kami ni Janina. Hahaha.
Wala naman si ate Aira nun kaya free na free na naman kami.

Nakakapagod man kumanta, tapos mejo paos nako dahil nga nag-cheering kami noong isang araw, pero tuloy parin ang pagkanta. Tinapat naming ang electric fan saming dalawa ni Janina. Hamo ng mainitan si charis, for the sake of Music Video effects.

Ayan, feeling Mandy Moore naman kami ngayon….kumakanta with Hair blowing effects, bongga! Di ba?

Kailangan ko ng umalis kasi nga magkikita kami ni Ikee at kakain na kami ng dinner ni Charis sa Nutrioptions(bilihan ng paborito kong inumin).

Habang hinihintay at hinahanap naming si Ikee, doon muna kami pumunta sa tambayan ni Lola Nelds. Then, nainip na kami. Pinuntahan naming si Ikee sa room 203 sa faculty of Pharmacy. Alam naman ni Charis yung place kaya hindi kami naligaw.

Pagkarating doon, wala na si Ikee kaya umalis kami agad. As in walang laman yung room. Kakatakot. Doon pa naman yun sa Main building ng UST tapos, pagabi na rin.

Freaky talaga. Habang pabalik kami sa tambayan ni Lola Nelda, narinig ko si Charis kumakanta nung The Climb. Wahaha! Na-LSS samin ni Ja. Lahat ng kinanta naming kanina, sya naman ang bumabanat ngayon! Grabeh. Lufet talaga.

Tapos, tawa ako ng tawa. Medyo matagal pa kami naghintay para Makita si Ikee. Dumating na rin sya…kumakanta parin sa Charis. Nag-pretend pa nga kami na hindi kilala si Ikee para ma-test kung papansinin man kami. Ayon, kasma nya si Dane (yung bago nyang friend). Nag-hello man ako, and it was my second encounter with Dane. Lagi ko nga sya binabati pag nakikita ko sya.

Friends of my friends are mine too. 

Si Charis man ay binati si Dane, hindi sya msyadong nagging friendly kasi gutom na siguro. Wahahaha. Takbo kaya kami ng takbo pabalik-balik sa Lola Nelda Stration papuntang Main building para lang makita si Ikee. Aww. Sweet nga weh.

Ayun, naibigay ko na ang dapar kong ibigay. Nakakain na rin kami ni Charis ng dinner after maitawid si Ikee pauwi. Na-busog talaga ako at nag-enjoy sa araw na yon.\

THEME SONG of the DAY: The Climb, by Charis Cauyao

-S.Reyes