Last week lang to nangyari…
Pag hindi ako nakagawa ng blog abou this event malamang makakalimutan ko lang tapos maaalala ko lang tuwing maririnig ko yung mga kanta. Hahaha
So, one time nagkatipon tipon kami. Syempre, ako lagi ang huling umuuwi sa condo kasi akin yung may pinaka mahirap na schedule. Minsan nga lang kami nagkakaabutan sa hapon na sama sama talaga. Minsan kasi yung isa umaalis tapos kakain kung saan saan. Most of the time ako yun.
Doon sa room namin, kinuha ko tong net book ko para ipakita kay Janina yung lyrics ng songs para makakakanta na kami na hindi gibberish at kung anu anong ibentong lyrics.
Si Charis ay nag-aaral na naman nung Theology nya…sadyang masipag syang tao. Tapos ako naman ay tinatamad pang gawin ang home works ko. Hahaha. Shox. Loaded pala ako noong araw na yun.
Kinanta naming ni Janina yung Jai Ho! (original version) , Jai Ho! (pcd), the climb, at mga Demi Lovato songs. Nakoo! Lahat na ng kabaklaan sa mundo!
Alternate kami sa lines, at halata naming nabubulabog na si Charis samin. Syempre, hindi pa rin sya umalis. May part of her na gusto nya pakinggan ang concert namin.
Hanggang hindi naming perfect and isang song…kinakanta pa namin paulit-ulit. Dapat kasi maganda ang kalalabasan ng rehersals namin…parar parin ito saaming munting pangarap na YJ’s. hahaha
So, nagkaalaman na ambisyosa talaga kami ni Janina. Hahaha.
Wala naman si ate Aira nun kaya free na free na naman kami.
Nakakapagod man kumanta, tapos mejo paos nako dahil nga nag-cheering kami noong isang araw, pero tuloy parin ang pagkanta. Tinapat naming ang electric fan saming dalawa ni Janina. Hamo ng mainitan si charis, for the sake of Music Video effects.
Ayan, feeling Mandy Moore naman kami ngayon….kumakanta with Hair blowing effects, bongga! Di ba?
Kailangan ko ng umalis kasi nga magkikita kami ni Ikee at kakain na kami ng dinner ni Charis sa Nutrioptions(bilihan ng paborito kong inumin).
Habang hinihintay at hinahanap naming si Ikee, doon muna kami pumunta sa tambayan ni Lola Nelds. Then, nainip na kami. Pinuntahan naming si Ikee sa room 203 sa faculty of Pharmacy. Alam naman ni Charis yung place kaya hindi kami naligaw.
Pagkarating doon, wala na si Ikee kaya umalis kami agad. As in walang laman yung room. Kakatakot. Doon pa naman yun sa Main building ng UST tapos, pagabi na rin.
Freaky talaga. Habang pabalik kami sa tambayan ni Lola Nelda, narinig ko si Charis kumakanta nung The Climb. Wahaha! Na-LSS samin ni Ja. Lahat ng kinanta naming kanina, sya naman ang bumabanat ngayon! Grabeh. Lufet talaga.
Tapos, tawa ako ng tawa. Medyo matagal pa kami naghintay para Makita si Ikee. Dumating na rin sya…kumakanta parin sa Charis. Nag-pretend pa nga kami na hindi kilala si Ikee para ma-test kung papansinin man kami. Ayon, kasma nya si Dane (yung bago nyang friend). Nag-hello man ako, and it was my second encounter with Dane. Lagi ko nga sya binabati pag nakikita ko sya.
Friends of my friends are mine too.
Si Charis man ay binati si Dane, hindi sya msyadong nagging friendly kasi gutom na siguro. Wahahaha. Takbo kaya kami ng takbo pabalik-balik sa Lola Nelda Stration papuntang Main building para lang makita si Ikee. Aww. Sweet nga weh.
Ayun, naibigay ko na ang dapar kong ibigay. Nakakain na rin kami ni Charis ng dinner after maitawid si Ikee pauwi. Na-busog talaga ako at nag-enjoy sa araw na yon.\
THEME SONG of the DAY: The Climb, by Charis Cauyao
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment