Tuesday, December 22, 2009
Patungong Langit...Street XD
Since wala kaming pasok last Wednesday kasi Manila day, nag set kami ng kanya kanyang lakad. Invite ko sana manuod si Ikee ng Transformers kaso natatakot akong ayain sya. Baka kasi mapagalitan sya dahil sakin. Oh see, may good side naman talaga ako noh.
I asked Ikee, kung pwede ako mag stay muna the whole day sa place nya kasi maiiwan ako nila Janina sa Pacific suites all alone. Si Janina, may lakad with ate Erika while Charis had a study group to be conducted somewhere near UST. Syempre kasama nya si Gerald. Ayown.
Pumayag naman si Ikee tapos masaya nako. Pinaka unang lumayas si Janina noong umaga. Kami naman ni Charis ay tamad pang bumagon. Kumain kami ng cup cakes for breakfast and we both felt unsatisfied with it. So I decided to ask Charis to eat breakfast together at Time Café.
Kumain nga kami doon ng Grilled Beef. Super Heavy Breakfast. Well, we both deserve to have break. Hirap kaya ng pinagdaanan namin. Studies lang wapak na kami. Tama lang yung long sleep at better food for us.
Nagplano man kami ni Charis kumain ng cake some other time. Tapos naisipan kong dalan si Ikee para mamaya ng jumbo cookies. I asked her first kung gusto nya, I shouldn’t have na lang… oo naman lagi yun sa pagkain weh. Peace.
Nag plano man kami ni Charis uminom ng Milo Shake later at night. Talagang gusto naming sulitin yung 1 day break namin. Back to studying nerds na naman kami nyan pagkatapos.
So, ako unang naligo…tapos si Charis humiga na naman. Napaka tamad nya talaga. Pinipilit ko na nga syang maligo ayaw parin..ang baho tuloy. Nalaman ko na lang nung pagka uwi ko, 1pm pa pala sya nakaligo. Loka loka talaga.
Nakabihis nako and ready to go na. Super lakas ng ulan at nagdadalawang isip nakong pumunta…Naalala ko na lang na I’d rather go to Ikee’s place damped wet than waste my day doing nothing. At inaasahan nya rin yung cookies ko. Hahaha
Nagkamali ako ng pinasukang street papuntang Lacson, kaya medyo mahaba pa ang linakad ko…daladala ko pa naman mga book ko at itong net book ko. Super todo mega over lakas ang ulan. Lumusong nako sa baha. Buti na lang naka-crocs ako. Tapos yung pants ko, soaked na talaga. Feel ko nga babaliktad na yung payong ko! Shockables talaga.
Ayon, nakarating naman ako ng safe at…basang basa. When I peeped through Ikee’s place, I saw her in her pajamas. Haha. Ang cute nga weh! Parang lutang na lutang at hindi pa naliligo ang loka loka.
I couldn’t step in ‘coz basa ako. Nakakahiya naman kung magtutubi pako doon. Ikee lended me her hav’s (havaianas) tapos nakapasok nako. I greeted lola Nelda and handed Ikee my pasalubong.
Umupo ako sa bed near the dinning table, nabasa ko sya kaya nag palit ako ng pants. Lola Nelda assisted me and took my pants to let it dry. So, at home nako…super shorts na suot ko. Maikli pa dun sa suot ni ikee. Hahaha.
Hindi makaligo si Ikee kasi may ginagawa pa yung mga workers nila…ayun, nagtiis muna ako na mabaho siya. Wahahahaha! Yew.
Nakaligo man si Ikee, tapos sabay kaming kumain ng lunch. She kept asking me questions to have conversation. Lutang ako, kay I quite showed disinterest. Siguro, gusto nya ako malibang kaya kinakausap nya ako.
Na-realized ko na may nagbago na pala sakin. Before, I was to make the small talks and kept the conversation going. But now, ako na madalas nagtatapos. Nanibago lang ako kay Ikee kasi, kinakausap na nya ako ng kusa. Dati, I thought that wouldn’t happen.
Kinakamusta nya naman ako and about my new set of friends…studies ko…and she seem concerned with my “cutting” of classes. She would tell me, “sira ka talaga!” grabeh, naninibago ako.
Tumawag nga pala si Mrs. Gonzales kay Ikee. Tapos kinausap man ako. Grabeh, nahihiya ako tapos hindi ako makapagsalita. She told me to stay for a night in Ikee’s place para masamahan si Ikee. Then I declined. Wala kasi akong dalang gamit! Saying! Joke…dahil kasi nahihiya ako. Toink. Ang gulo ko.
Tinatanung man ni Lola Nelda yung mga iba kong kasma sa condo. Tapos super interview. Sinabi nya nga paborito nya daw ako tapos ako lang kilala nyang friend ni Ikee. Syempre, flattered ako ng bongga!
Ayun, ang dami ding tanong sakin ni Lola Nelda. Kinuha nya nga number ko nung late afternoon when I was about to leave.
Nag-read ako ng books while Ikee was studying. Gumawa man ako home works to do something productive and again, don’t waste the day.
Nag-internet si Ikee, tapos nanuod ako. Haha. But I wasn’t sure if I could hack their internet kaya nanuod muna ako. So, nag-ym si Ikee. Nag-chat sya with Dane and Pat, who happens to be a “Reyes” too. Naki-epal naman ako, tapos I said hello to both of them online. Tapos , sinisiraan ako ni Ikee sakanila, ang bully niya talaga. Tapos she kept warning me not to get close to her. As in super conscious ako tuloy sa distance. Bawal kami magdikit…kasi daw mainit! Pambihirang mood swings o!
Kanina mabait, ngayon nagging masungit. Rawr. Wag nyo sya papakainin ng cookies. I got bored watching her….I mean watching her configure the Eleap home work thingy nya…
So, I tried to hack their internet so I could enjoy too. Gifted with amazing knowledge in hacking, I hacked their internet and I was able to have access in it. Nagulat si ikee dahil nakita nya online na rin ako sa ym. Tapos wireless pako. Wahahaha! Naloka yung tao sa kakatanong kung pano ko nagawa. I explained, pero hindi nya naman mag-gets. Pinahirapan lang ako. Tapos bumait ulit sya, kasi interested sya sa nagawa ko.
Ayon, kumain naman kami ng pancit for merienda. After non, nag watch na lang kami ni Lola Nelda nung drama rama sa hapon sa GMA yung kay Maxene Magalona…while Ikee was busy printing her home works.
Tapos, nag join man sya samin. Super interview na naman si Lola Nelda. And she reminded me about the LSC days…aww. So much for the drama, nag review na si Ikee nung Theology nya…tapos nagpaturo pa sya sakin ng something about that. Naging masungit na ulit sya tapos I was worrying how could I go home ‘coz it’s raining men! Ooops, raining.
Malapit na rin mag 5pm kaya I should get ready going home. Lola Nelda was still insisting me to stay for a night with Ikee. And of course, I declined. A day was enough, a night was too much.
Since masungit na ulit si Ikee, hindi ko na siya kinausap. Pero she would ask me something naman pag tahimik nako. Weird nya talaga. If I would answer, sasabihin nya, maingay ako. Hirap naman o.
Tapos, sinumpong na talaga, sabi ba naman eh:
“nakadalawang meals kana nga weh, umalis ka na.”
--dude, exact words yan. Hindi ko makalimutan. Pero hindi ako tinablan, I stayed for a little longer. Haha. Distraction ata ako sa pag rreview nya ng theology. Akala ko, I’m a big help…kasi I give her answers. Instant answers.
Ayun, dry na ang pants ko. It was still raining. I packed up. Lola Nelda helped me and walked me home while Ikee stayed at her place studying.
No exchanged of dialogues before I went home, no smiles, no—nothing. Just a simple wave goodbye from me and a turned off back from her. Rewind.
Binalik ko muna yung hav’s nya tapos kinuha ko pa yung payong ko before yung moment emo effect. Take note, umuulan pa! dagdag sa drama! Wahahaha
Upon reaching the Asturias street, Ikee phoned Lola Nelda asking for her Theology quiz pad…she thought nasama sa gamit ko. Tapos, nag-check pako ng gamit sa middle na street, umuulan pa pero ginawa ko yun simply for her. Tapos, nag call ulit sya. Nakita na nya pala. Wala na syang sinabing iba kundi,
“sam.thanks. goodbye, ingat ka!”
Oha, happy ending parin ang drama!
Syempre, hindi naman ito mababasa ni Ikee kaya malakas ang loob kong isulat ito. Umabot kaya itong post na to ng four pages sa Word Document.
Tapos noong araw din na yon nangyari yung sleep talking ko saying, “ikee…”
-S.Reyes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment