Wednesday, January 13, 2010

Langis ng Paniki

Mga pitong taong gulang ako noong nangyari ang isang nakakadurog dangal pangyayari. Hindi ito nangyari sa isang karaniwang lugar kundi sa loob pa mismo ng simbahan. Noong unang panahon, tuwing nagsisimba kami ay umuupo kami sa medyo unahan upang maipakita na nakikinig sa sermon kahit minsa'y hindi naman. Sabay-sabay pa kami noon nag-sisimba. Kasama ko si Mami at Dadi pati na rin si yaya Ann. Ako ang naupo sa pinaka gilid ng mahabang upuan sa simbahan. katulad ng ibang bata, hindi rin talaga ako nakikinig sa misa. If I know, kayo rin naman!

Malapit na ang communion kaya kailangan ng lumuhod. Hindi ako lumuluhod noon kasi lagi akong naka-dress. Tapos saksakan ako ng arte kaya ayoko madumihan ang magarbo kong damit. Halos lahat ng tao sa simbahan ay nakaluhod na at ako'y hindi. Meron akong napansin sa na lumilipad sa itaas ng bubong ng simbahan...Pinagmasdan ko itong mabuti at sinundan ng aking magandang mga mata. Dahil bata nga ako, sobra akong namangha sa kakaibang pangyayari na ito. Hindi naman kasi basta ibon ang nakita ko kundi paniki sa bubong ng simbahan. Napakasaya talaga.

Para akong autistic na nakatingala at patuloy pa ring sinusundan ang pag-galaw ng mga paniki sa itaas. Napagod na rin ako at bumalik sa aking orihinal na posisyon. Pagkasabi ko ng "Amen" (ayan, nagpparticipate nako), biglang nabasa ang aking buhok at ang minamahal ko pang bangs ang naubuhusan ng---
hindi ko malamang liquid itech. :))

fineel ko gamit ang aking kamay kung ano yung basa sa ulo. Linapit ko ito sa aking ilong sabay singhot at naamoy kong maasim-asim ito. Dahil nasa likuran si yaya Ann, tinawag ko siya at sabing,

"Ya Ann, ano ba to? tikman mo nga. Maasim kasi yung amoy."

hindi ako pinansin dahil nagdarasal siya ng mataimtim. Nagmukha pa akong tukso. Di ko nalang pinansin ang nangyari hanggang makasakay na kami sa kotse pauwi sa bahay. Tahimik ang lahat at biglang nagsabi dadi.

"Yung anak ko eh naihian ng paniki. Nakakatawa."

---Nainis ako at sobrang na-badtrip. Nakita pala ni dadi na naihian ako ng paniki, hindi niya pa sinabi at pinagtawanan pako. Sobra akong na-hurt. :c

Nakakadiri naman kasi talaga. Kaya pala ayaw tikman ni yaya, ihi pala. XD