Thursday, June 4, 2009

Jamming--I miss doing this w/ you, I miss you :)

Today, naatasan akong magpalit ng uniform ni Joaqui ng larger size sa nex school nya, Ateneo Grade School. Actually, ang aga naming umalis...7 am kasi mag-aattend si Ate ng orientation ni Joaqui. Sinabay ko na rin sa lakad ang pagbili ko ng mga bagong babasahing books at gamit na kailanga ko sa pasukan. lapit na kasi! So, tulog ako nung buong trip papunta...nagising na lang ako, Katipunan na pala. Naalala ko tuloy yung LSC days namin last summer. Nakakamiss.

Month long ang review namin everyday noon. Pagsasawaan mo lahat ng pwedeng kainan sa Katipunan...pagsasawaan mo rin yung mga kasama mo araw-araw. hahaha! Dati kasi, alternate kami every week kung sino taya sa transportation namin patungong review center. Naaalala ko na madalas kami nila Michelle nagkkwentuhan ng chizmax at yung mga updates sa mga paborito naming Music artists. Xempre, hindi mawawala ang Jamming sa sasakyan. Yun man ang dahilan siguro kung bakit kami naging close ni Ikee. Pano kasi, siya lagi ang kaharutan ko. Ipod nano pa nga gamit ko dati...tapos middle siguro ng review namin, nabilan na rin ako ng ipod touch. Umasenso ang ang kantahan! hahaha.

Simula noon, Fall Out Boy na talaga ang paborito kong band. Puro FOB songs ang pinatutugtog ko na walang kasawa sawa. Naimpluwensyahan ko na rin ng husto si Ikee. Tapos, na-inlove ako sa Frontman ng Panic! at the disco...oh di lalo nadagdagan ang saya! haha. Nang minsang nagpa gasolina kami ng kotse nila Michelle ( naalala ko tuloy si Tito Jun!aww), napatugtog ang "dontcha' " ng Pussycat Dolls...xempre nakakaindak kaya yun kaya bumigay ako! hindi ko nalamalayan na sumasayaw na pla ako. Pinagtawanan pako nila Michelle, nakakahiya talaga! hahaha.

Speaking of Pussycat Dolls, apat na beses kong napakinggan ngayong araw ang walang kamatayan na Jai Ho! Nang nakarating kami sa Ateneo upang gawin ang nararapat, naalala ko si Michelle...nakakalungkot isipin na ang bilis talaga ng panahon...medyo matagal ko syang hindi makikita kaya nakakalungkot. Isa pa naman yun sa mga close friends ko at isa sa mga taong paborito kong....ASARIN. nyahaha. deadz ako nito. Basa kais sya ng basa ng blogs ko.

Pumunta kami sa National sa tabi ng Greenwich sa Katipunan. Ang tagal naman kasi ng orientation. Ayon, bumili na ko ng notebook. Isang itim na itim na catleya na filler. Hindi ko naman kasi kailangan ng madaming notebooks kagaya ni Feedez. Hindi naman kasi ako mahilig mag take ng notes. nakakatamad kaya. Good for two years na siguro yung notebook! hahaha. Bumili man ako ng refill ng parker pen ko at malalanding markers. Black ballpen lang ang kelangan kong gamitin para sa college. Sa CdSP kasi, may lectures pang paiba-iba ng kulay ng ink...nakakatamad pa namang mag-palit. Tapos, nag hanap na rin ako ng librong mababasa.

So, paalis na kami ng Katipunan, nadaanan namin ang LSC. Nakakatuwa talaga ang feeling...nakakamiss din. Lalo na yung red ribbon! pag nakikita ko yun, naaalala ko si Michelle na sukang-suka at yung pants kong hindi mabuksan. Buti na lang tinulungan ako nila MIchelle buksan kundi mamamatay ako sa hindi pagka-ihi. lintik lang. Pag-pauwi kami noon gling LSC, lagi kaming may mga kwentuhan nila Bien. Tapos inaapi namin si Charis...ngayon bawal na, Thomasian kasi siya weh. Si Michelle na lang ulit (peace). Tapos, noon ko lang napansin na madaldal rin pala si Michelle. Duet pa nga kami ni Ikee kung kumanta noon, ngayon malabo na yun mangyari...dalaga nako weh. hahaha! Masungit na rin siya ngayon (ssshhhh!).

Ngayon, wala na kong masabi...
Espanya versus Katipunan na! hahaha
rawr.

at proud ako na may close friend ako na ngayon ay isang ganap na Katipunera! miss you, xhel. :)

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment