Wednesday, March 24, 2010

DULCE

Matagal ng panahon noong ako ay nag-Pink Sister sa CdSP. Oo, tama nga ang nabasa niyo...ako'y naging madre minsan sa aking buhay. Actually, required kami nung grade two ako na mag-Pink sister habit para sa procession sa celebration ng Birthday ni Mama Mary tuwing September 8.

Noong kinuha ko sa office ang habit,napansin ko na lahat ng mga kiddos na kagaya ko ay sabik na sabik sa kanilang susuotin. Samantala, ako naman ay pathetic lang. NR ata ako nun, basta makuha lang ang uniform, ok na. Syempre, bata pa...malamang, tatanga tanga ;)

Nung dumating na ang september 8, pumunta nako sa assembly place. Pero bago iyon, kinuhanan pa ko ni Mommy ng madaming pictures kasi natutuwa siya dahil ang cute ko. Syempre, feeling madre rin ako... meron pa akong rosary na nakasabit sa leeg. Sabi kasi ni Mommy, ok daw na may rosary ako para mas mag mukhang madre. Oh di andun na nga ako sa assembly, tapos napansin ni Lola Lita ako lang ang walang belo. Eh walang kasamang belo yung nakuha kong uniform samantalang yung iba meron. Oo, nadaya talaga ako :)) pero NR pa rin ako dahil cute ako at bata pa ako. :))

Ako lang ang pink sister na naglalakad na walang belo. Sabi ko kay Lola Lita, ayos lang kasi meron namang payong at meron naman akong rosary. Hindi parin siya pumayag, gusto nya meron din ako kaya nag-stop over pa kami sa CdSP upang kumuha ng belo. Patuloy pa rin ang prusisyon habang ako ay nakikipaglaban at nahihirapan sa pagsusuot ng belo. Pano kasi, nakaayos ng bongga ang aking hair at sobrang landi ng style...ayoko itong magulo kaya ang tagal ko bago masuot ang belo. :)) Noon ko rin na-realize na ayokong magulo ang aking buhok kaya ayoko mag-belo.

Na-reach na namin ang simbahan, at malapit na mag-start ang mass. Syempre, maarte nga ako at pampered kaya humingi pako ng inumin habang naghihintay para sa Mass. Bawal pa naman uminom pero too late na, kasi uhaw na talaga ako. Naglakad kasi kami ng nakaapak...at grade 2 lamang ako, di ko pa alam ang code of ethics noon. At pwede rin talaga ako uminom kasi nag-pray naman ako ng buong rosary at with conviction pa ang akin pag-response habang naglalakad. Na-realize ko rin na mabait naman talaga ako, pero nabura lahat ang napundar kong kabaitan noong uminom ako sa simbahan ng orange juice na nasa tweety bird na tumbler. Adik kasi ako kay Tweety noon. AS IN.

May nakatabi akong matabang bata, at napansin ko na kinakain ng pwet nya ang space na unuupuan ko. Napansin ko rin na hulas at deprived na siya. Dati kasi, hindi naman ako madaldal kaya at hindi talaga ako nagsasalita unless kailangan na talaga. Kinausap ako nung matabang bata...

"Hello! ako nga pala si Dulce, ano pangalan mo?"

"Sam."

"ah, oo! kilala kita...pwede painom?"

"ah, eh--papaalam muna ako kung pwede ka maki-inom..."

Sabay tayo sa upuan at pumunta kay Lola Lita.

"Lola Lita, pwede bang uminom sa jug ko si Dulce?"

"sino si Dulce? o sige basta kaibigan mo"

"yung mataba..." sabay talikod at bumalik sa tabi ni Dulce.

"Dulce! ok daw, pero konti lang daw...huwag mo raw uubusin."

AMP! nakakainis lang pala yung sinabi ko, napa-fake! :)))))))
natatawa ako sa sarili ko. Natuwa naman ako nung nag-thanks si Dulce at nung regular class na ulit, parang hindi ko na siya kilala. Ewan ko lang kung nasaan na siya ngayon. Mapayat na kaya siya??? :))

Ito lang ang kwento na madre na, good Samaritan pa!

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment