Monday, March 29, 2010

Gago Jeep

March 24, 2010 4th day of 1st year, second sem Finals. After ng Filipino test namin, sinamahan ako ng friends ko papuntang Pacific Suites para humingi ng notes. Biglang nag-aya si JR na mag-Starbucks at syempre pumayag naman kami! WHY? LIBRE eh, :D


So, pumunta pa talaga kami ng SM San Lazaro para mag-Starbucks kahit sa Pacific Suites may Starbucks na. Dumaan pa nga kami ng bus station para maka-reserve si Maki ng ticket pauwi sa Ilocos. Habang naghihintay sa kanya, meron akong matandang nakita na kumakaway sakin... Aba! si Lola Nelda oala iyon! :)) nag-usap pa kami since matagal naman si Maki.


Tumambay kami sa Starbucks para mag-aral dapat. Pero Major FAIL. Si Maki lang ang nag-aral. Si Faye naman nag-give up, kasi na-realize niya na hindi masayang mag-aral :))


Iniwan namin si Maki sa Starbucks mag-isa at pumunta kami ng National para tumingin ng books for "FUTURE READING" at may bibiling thingy si Faye. Medyo natagalan kami sa National kasi masyado kami nag-enjoy. Nakalimutan na namin si Maki. Noong pabalik na kami ng Starbucks, naisipan ko naman na bumili ng rucksack na Vampire Knight sa Comic Alley. Sinamahan naman ako nila Faye, nag-plan pa kami na pareparehas iyon gamitin sa susunod na araw. Natagalan kami doon kasi masyado kaming na-aliw. Talagang hindi na namin naalala si Maki, nabulok na ata. Pagbalik namin sa taas, wala na si Maki...nakaalis na pala. Iniwan kami at umuwi na. Hindi rin namin ma-answer mga calls niya kasi sa sobrang enjoy! :)))))))) kawawa naman


So, nung pauwi na kami, humiwalay na si JR. Kami nalang ni Faye ang natira. May dumaan na jeep tapos tinanong ni Faye kung dadaan sa UST. Sabi nung Mama, oo raw kaya sumakay na kami. I know, predictable talaga ang mga susunod na mangyayari.


Noong nakasakay na kami, sobrang lumalayo na ang track papuntang UST kaya nagtaka na talaga kami ni Faye. Papunta ng Tayuman LRT Station, doon pa naman ako sumasakay pag-uuwi ako galing Bulcan. Tsk Tsk Tsk.


Tinanong ulit namin yung driver. Tapos ayaw niya sumagot ng maayos. Nainis na kami kaya bumaba na kami. Grabe, naloko kami nung walanghiyang tao na yon. :)) Sumakay pa tuloy kami ng tricycle, napamahal pa!


MORAL LESSON: Huwag sasakay ng jeep kapag nakasando na puti ang tsuper.

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment