Saturday, July 10, 2010

Si Panget at ang kanyang Salamin

Nakakainis talaga yung mga taong gustung-gustong paglaruan ang ibang tao pero ang panget naman. Nakakainis yung ipapamukha na masaya siya, na alam naman niyang may masasaktang iba. Nakakainis yung panget, yung ubod ng panget. Bawat angulong tingnan mo, puro angulo ng kapangitan pa rin. Nakakainis yung taong naninira, at yung panget ang mukha. Nakakainis yung sinasaktan ang taong pino-protektahan mo. Nakakainis yung hindi naman kayo close, tapos i-ffriend ka, parang gago lang. Tapos i-ddelete ka na tinatago ang tunay na dahilan. Mabawasan ka man ng kaibigan, yang mga panget na tao ay walang kawalan. Sabi ko nga, ang buhay ay parang electric fan, pinapaikot at naiipon ang dumi, di naman kayang linisin ang sarili. Ayusin mo sarili mo, ang panget mo kasi.

*ang awtor ay walang gustong patamaan; gusto lang saksakin ang taong natukoy ng katotohanan >:)

-S.Reyes

4 comments:

  1. Hi Sam! Just droppin' by your blog. :) Hmm, i can say raw emotions were here. :P go lang, fellow infopsycher. :P

    ReplyDelete
  2. Hey! Sorry, ngayon ko lang nakita. Nakakahiya naman. Nakasabay ata kita ate sa CSJ Filipino Lit exams :)

    ReplyDelete
  3. Yes! :) Nakasabay nga kita! :) Oh noooo, FIL LIT din sinalihan mo? I dunno why I joined FIL pero i'm glad may kasama ako. :D Nahiya nga ako mag-HI sau nun eh! :P

    ReplyDelete
  4. haha! actually ako rin. Hindi talaga ako sanay sa Filipino Lit, madalas English Lit ginagawa ko :)) ako rin ate, nahiya ako. Don't worry, babatiin na kita next time!

    ReplyDelete