1pm usapan namin magkita sa bahay. Pero syempre, 1:30pm na kami nakaalis...just like old times! =))
Anyway, ako yung nag-drive papunta sa school namin dati to get an important document. Medyo napatagal kami ng tambay don.
Nagmadali kami umalis after makuha yung electricity bill namin (baka kasi abutan pa kami ng mahabang prayer, hindi pa naman kami ready at naka-pambahay lang kami). NAKAKAHIYA.
Pumunta agad kami sa Robinson's para matuloy na ang plano namin =))
Ang una naming ginawa ay ang mag-canvass ng gamit para sa unit namin sa Manila. Nakakainis yung mga suggestion na gamit ni Michelle! puro yung hindi kailangan...o kaya laging miniature version =)) kainis
Tapos, nung tumagal na...nainis na rin si Janina sakin kasi walang kwenta rin pala yung mga suggestion kong gamit =)) na-stress lang si Janina samin! =)) Then, may nakita si Michelle na Snow White na upuan na pambata. Nagulat kami ni Janina kasi bigla niyang inupuan. Habang lumulubog yung pwet niya sa upuan na malandi, may tunog utot na kasabay =)) Akala ko, legit utot ni Michelle, pero special feature pala yon nung malandi na seat for kids. Syempre, hindi kami papatalo ni Janina! nag-try rin kami =))
Next, lumabas kami ng Robinson's. Pumunta man kami sa Palengke para magpapawis at magpaitim WAHAHAHA
Bumalik na ulit kami sa Robinson's para mas sulit ang feel ng aircon dahil pawis na pawis kami. AYAN NA! nagbayad na kami ng 50 pesos, nag-surrender ng ID, at nag-KBOX naaaaa!!! cheap na cheap!!! Sa halagang 50 pesos, buong hapon na kami nakakulong sa isang maliit na cubicle at todo birit =)) May special video coverage pa kami! =)) May bata ba naman na biglang dumungaw sa cubicle namin...tapos hindi naman cute. Walang kwenta!
Sobra kaming napagod sa KBOX. Super kulob sa pawis at laway =)) Nagutom na rin kami kaya naghanap na kami ng place kung saan pwede kumain =))
Ayon, pizza kinain namin. 4 slices each!!!
Bumalik kami sa arcade arena after kumain. Nag-basketball kami. Sayang, wala si Ikee. Siya pa naman yung consistent lowest scorer WAHAHAHA ang sakit tuloy ng loob ni Michelle =))
Nung una, ako highest scorer...then natalo na ako ni Janina nung round two na. Si Michelle naman, umasenso ang skills dahil tumaas na than the usual range of scores niya. Congratulations, Michelle!
After mag-basketball, naglaro si Michelle at Janina ng motor racing arcade game. ITSURA lang nila =)) Pinaalis pa yung bata na nakililibreng upo, para lang makapaglaro sila. Tapos non, kami naman ni Michelle nag car racing. Pagod na talaga kami, kaya mediocre games na yung mga susunod. Yung mga isang pindot lang per token. Super effortless!!!
Yung last token namin, si Michelle naglaro nung Time Crisis...barilan. Natakot kami ni Janina kasi seryoso siyang naglalaro at parang legit killer ang dating! =))
Gabi na kaming nakauwi, kinakabahan na akong mag-drive kasi bulag ako pag gabi. OA ang pag-seatbelt nila Janina...kulang nalang may kasamang pamisa at novena. Thank God, safe naman kaming nakauwi at sulit yung araw namin :>
KBOX! 50 pesos only!!! |
4 slices each |
Janina in action! |
Janina versus Michelle in |
car racin' |
READY TO KILL! |
No comments:
Post a Comment