Meron akong kalaro dati, ang pangalan niya ay Klang-klang. Kapit-bahay ata namin siya pero hindi ako sure. Madalas ko lang siya nakikita sa may street namin kaya baka kapit-bahay namin siya. =)) Hindi ko na lubusang maalala ang kanyang mukha. Buhok nalang ang natatandaan ko sa kanya kasi kamukha nung sa aso namin Shih Tzu hihihi. Mabait naman siguro si klang-klang kasi naabuso ko siya nung bata pa ako. Syempre, walang bata ang hindi nagdaan sa larong bahay-bahayan. Classic talaga yang laro na yan! Kaya eto ang kwento namin.
Madalas siya pumupunta sa bahay upang makipaglaro sakin kahit lagi ko siyang tinataboy at inaalipusta (hindi ako talaga ganiyan kasama). Uso noon yung mga bahay na gawa sa karton. Since ayokong share kami ni Klang-klang ng bahay, pinagawa ko siya ng sarili niya. Sabi ko kasi, sisikip yung bahay ko pag makiki-share pa siya. So, nauto naman si Klang-klang at gumawa nga siya ng sarili niyang bahay na karton. =))
Yung aking bahay may pintura pa, color white at blue. Parang theme ng Bonakid (batang may labaaaaan). Kailangan ng umuwi ni Klang-klang dahil gutom na siya.
So, ayun umalis na siya. Dahil sa kabaitan ng loob ko, naawa ako dun sa bahay na karton ni Klang-klang kaya naisipan ko rin lagyan ng pintura at designs. Wala akong pinturang mahanap at hindi talaga ako papayagan ni Mameh. White board marker lang ang meron ako kaya yun nalang ang ginamit ko. Medyo nag-enjoy ako sa kaka-design. Naging baklang-bakla na yung bahay na karton ni Klang-klang.
Yung bahay ko, may bintana...tapos yung kaya wala. Eh masisira yung design kong ginawa kapag sa walls nung bahay ko bubutasan. Inisip ko talagang mabuti kung saan ko bubutasan yung bahay ni klang-klang para makahinga siya sa loob. Napakabuti talaga ng aking intensyon. Feel ko kasi mapuputulan ka ng hininga pag pumasok ka dun sa bahay na karton niya. Amoy ipis. =)) at least sa akin, amoy pintura.
Mameh: Nasaan si samankikay?
Katulong: andun po sa may kubo, binubutas yung bubong ni Klang-klang.
=))
nagkaroon ng madaming maliliit na butas ang bahay na karton ni klang-klang. Alam kong lubos siyang masasaktan dahil sa aking kagagawan. Masama talaga ang loob ko sa nangyari pero masaya talaga. =))))))) Pinadala ko nalang ang labi ng bahay na karton ni klang-klang sa kanilang bahay. Simula noon, hindi na bumalik si Klang-klang sa amin...dahil pasukan na. =))
After so many years, muli kaming nagkita. Sumosi na siya at hindi na sando at panty ang suot. Naisip ko, hindi na magandang tawagin siya ng klang-klang. Dahil sumosi na siya umayos ng bonggang bongga, Kleyng-Kleyng nalang. :D
Sa totoo lang, hindi ko man lang alam ang tunay niyang pangalan. Mas matanda pa siya sakin tapos wala man lang akong respeto. Kaya siguro ganun, kasi mas mabaho pakinggan yung palayaw niya nung bata kesa dun sakin >:)
*yung picture, sa kubo sa bahay . =)) Hindi po yan NOAH =))
-S.Reyes
hahahahaha! SOBRANG BENTA :D
ReplyDelete