Monday, November 7, 2011

Jejedays 101: LETTERS, please pen back foezz


Minsan sa ating nakaraan, tayong lahat ay naging JEJE. Hindi ko exactly alam kung paano ko i-eexplain ang pagiging JEJE. Pero dahil sa pagiging determinado ko na bigyan ng definition and pagiging JEJE, ito ang na-formulate ko:

JEJE- a dyhybrid combination of over-artistically interrelated traits: jologs, peace sign, smiley (^_^) , JAPAN, ITALY, BOOKS BEFORE BOYS BECAUSE BOYS BRING BABIES, and gm na may signature sign like this:

                                      ~~$Amm_917 d(^_^)b ~~

Kagaya nga ng sinabi ko, minsan sa buhay ng isang tao mararanasan mo talaga ang pagiging JEJE. I mean, sa ngayon siguro ikinakahiya mo ang pagiging jologs mo nung high school ka or grade school. Itatakwil mo ang jeje mong pagkatao habang tumatanda ka. Pero isa tong definite phase sa ating buhay.

Naisip kong gumawa ng series of stories about sa jejevolution ng mga kakilala kong mga tao.  Ito ang unang istorya...

************************

          Nung grade school ako, usong-uso ang sulatan ng letters at ibibigay mo ito sa friends mo. Akala mo naman napaka layo ng pagbibigyan ng sulat, na samakatuwid...pwedeng katabi mo lang sa upuan. Ang drama ng bigayan ng letters ay akala mo overseas. Minsan nagsusulatan kami ng “take care” o kaya “see you soon” na sa totoo lang, kinabukasan magkikita na naman kayo.

Syempre, pagandahan pa yan ng stationary na gagamitin. Magastos at pabonggahan talaga! Minsan, dapat iba’t ibang design pa ng stationary per person na susulatan mo. Yung iba, parang intermediate pad lang, yung iba scented, yung iba naman napaka bakla ng design, yung sa iba naman may envelope pa na mas mahaba ang nakasulat sa envelope kesa sa letter mismo sa loob.

Noong grade six kami ng batchmates ko, ang pagsusulat ng letters sa isa’t isa ay parang facebook wall ko ngayon...napupuno ng SPAM. (kasalanan ni JANINA MERCADO >:P)

Ang mga susunod na ipapakita ko ay snapshots ng actual jejeletters from my jejeloving jejefriends, jeto nah!

*******************

Ito ay isang page na pinilas ni Jennifer Layug sa botany notebook niya nung grade school pa kami. Sa pagkakatanda ko, ito yung time na magkasama kami sa “Cleaners” assignment sa class. Habang nagsusulat kami ng lecture, hindi niya ata nagustuhan either yung itsura ng sulat niya or yung drawing niya nung seed =)) kaya pinunit niya yung page na yan ng notebook niya. Actually, yung basura niya na yan ay mas maganda pa rin sa mukhang basura kong notebook =)) Natural sa grade schooler na i-document lahat para hindi makalimutan, pero makakalimutan pa rin talaga...nag-hirap ka lang. May special dedication pa si Phen sakin...plus dated pa yung pagpunit niyang krimen.

“Sam, tago mo ‘to ah. Unang punit ko ‘to eh!!!”

At syempre, natural din sa isang grade schooler ang magpauto kagaya ng kinasapitan ko...tinago ko nga! Kakahanap ko lang kagabi kasama nung ibang nililibag na letters na binigay sakin ng classmates ko dati =))

************************



Iyan naman ang Christmas card na binigay sakin ni Janina Mercado nung 2nd year kami. Hindi ko maalala kung kanino ko binigay yung card na ginawa ko, pero malamang pangit din yon kagaya nitong kay Janina =))

Uso rin noon ang pagkakaroon ng unique style ng card na gagawin mo. Naalala ko, yung ginawa ko hindi unique kasi ang pagiging unique ay naging hindi na unique (ang gulo :|) =))

Kapag binuksan mo ang letter niya, meron pang mga papel na takip na kailangan mong i-flip bago makita ang message. PInahirapan pa ako! Tapos sa sides naman, makikita mo ang boxing gloves ni Pacquiao...ay!!! Christmas stockings pala yon =)) sa right side naman ng card, makikita mo ang Christmas tree na parang binaliktad na turnilyo =))

Pero thankful ako na sakin yan binigay ni Janina kasi may extraterrestrial akong mabibida sa inyo =))

***********************


Itong susunod na card...hindi naman talaga JEJE pero gusto ko lang i-share. Bigay sakin to ni Michelle Santos!!!!!!! *kiligs* WAHAHAHA papatayin niya ako nito! lagot na! Na-touch ako dahil nag-effort pa siya na gawan akong ng sand art na star hihihi hindi niya kasi ginagawa on naturally.

Binigay niya sakin yan nung 16th birthday ko...with matching book pa yan na “Witch of Portobello” by Paulo Coelho <3

***********************

Okay, itong next letter rfrom Kathleen Salivio. Natawa lang ako dito kasi mali spelling  ng name ko wahahahahaha

“SAMATHA” =))

end of story.

***********************

 Wala akong naintindihan sa letter na yan!!! mindfuck letter from Michelle Santos =)) Binigyan niya ako ng coded letter...without the codes :| (hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano message niya sakin na yan)

Naalala ko, tawag niya sakin noon ”King Aragorn” kasi favorite ko LOTR. Then ang tawag ko sa kanya ”Master Fowl” dahil naman sa Artemis Fowl na fave niya. Kami lang dalawa lagi sabay mag-lunch nung grade 6. Parang mga outcast and antisocial =))

JEJE move din yung pag-gawa ng letter na ikaw lang nag-imbento ng sariling codes =)) itong kay Michelle, feel ko nakuha niya lang yan sa ibang tao. Kaya hindi siya considered sa legit JEJE.

***********************



Ito naman from Carmela Pile. According to my statistics, siya ang may pinaka madaming letters na binigay sakin sa buong buhay ko. Gusto ko ibigay rin ang award na MOST GAY STATIONARY sa kanya! congratulations! hahahaha

***********************



 ‘nuff said. Legit JEJE tong si Katrina Navarro =))

right, K3NA? =))

***********************



WAHAHAHAHA! Bigay to sakin ni Alyssa Santos nugn 6th grade! natatawa ako. First time ko siya naging classmate non. Hindi ko pa siya kilala tapos bigla niya ako binigyan ng letter =)) Araw-araw niya akong kinukulit na mag-pen back ako...ewan ko lang if ginawa ko nga. Yun lang dialogue namin buong grade six :))

Alyssa: “Pen back, Sam. oke thankz”
Me: ah sige >:)

***********************


Itong si Janel Salivio...miss ko na (:<) favorite ko siyang asarin! hindi ako mabubuhay pag hindi ko siya inaasar :(( super fun niya i-bully kasi mabait :))
Meron din siyang legit JEJE na nakaraan :))

Iba’t iba ang alam niyang pakulo sa mga letters. Feel ko, siya ang master imbentor ng jejeletterz with proness powers. Meron pa siyang gimik na “Smile muna” bago  buksan ang letter.

Mahilig din siya sa TCCIC, ITALY, DUBAI, ROME, PARIS, at yung sa sulat niya na dapat JAPAN...JAPA lang nalagay =))

***********************



Ikee Gonzales! we have been close ever since...forever. But now, ewan ko nalang. HMP.

Anyway, laging weird and striking color yung mga ginagamit niyang pens. Meron siyang letter sakin na parang reflector vest ng traffic officer and kulay. Even though gusto ko yung color orange...masakit naman talaga sa mata basahin :| nakakainis =))

Tapos super effort din yang si Ikee. Biruin mo, naisipan niya pa gumamit ng legal bond paper at mongol 2 pencil para sa letter!? :|

Naalala ko, binigyan niya ako ng letter na ang laman ay about sa regalo niyang chopstick sakin wahahaha defensive! =)) binigyan niya ako ng chopstick. isa lang. hindi complete yung pair pangkain kaya hindi mo magagamit. Honestly, nawala ko yung gift niya na yon =)) Ang huli kong tanda, ginamit ko yon as magical wand (feeling Harry Potter) =))

YEAH BOY :P

***********************




Ito naman kay Catherine Bautista galing. Natawa ako kasi nilagyan niya pa ng shade na gold yung sa letter niya...konti ko ng di nabasa nakasulat =)) akala ko, hindi para sakin nung una =))

***********************
At diyan nagtatapos ang post na ito. Abangan ang susunod na kabanata ng jejedays 101 :>

I have a feeling, yung letters na binigay ko sa kanila...napaka GAY and laging may drawing...o kaya masyadong maikli...masyadong mahaba...basta.






No comments:

Post a Comment