Tuesday, November 15, 2011

Xian Lim MADNESS!


#wattatruefan
#legitfangirl


instant PAMILEE reunion because of XIAN LIM! :">
Anyway, super aga namin pumunta sa Robinsons Pulilan kasi hindi namin alam kung what time start ng mall tour ni Xian Lim. Dapat by 1:30pm papunta na kami sa Mall...pero naging 2:00pm kasi FILIPINO kami (pero si Michelle Santos, parang Korean) =))








Feel ko, nagutom na si Janina kahihintay samin sa mall. Ang tagal kasi ni Ikee!!! naunahan pa siya ni Michelle (for the first time in history) >:)
Pagdating namin sa mall, umihi muna kami...pero hindi natuloy kasi mabaho yung CR. Tumambay kami sa labas na malapit sa restrooms. Mga isang oras kami nakatayo lang na naghihintay dumating si Xian. 


Ayy! naglaro muna kami ng Basketball. Syempre, hindi yung totoo. Yung sa arcade lang. Naging tradition na kasi namin ang maglaro ng basketball sa arcade tapos pagalingan ng skills, pataasan ng score, palakihan ng braso =)) 


Nanalo ang team JANINA-MICHELLE :| pero last time, kami ni Ikee ang winners. Hay :|
sa individual challenge naman:


1st place: JANINA
2nd place: me
3RD place: MICHELLE (nag-practice pa talaga yan sa TIMEZONE sa triNoma)
4th place: IKEE 






yung first  try ko, nagloko yung arcade :| na-stuck lahat ng bola sa ring =)) mga 5 balls yon =))


nangalay yung braso ko ng sobra! yung feel na parang hindi ko na kayang mag-drive pauwi at hawakan yung manibela =))

Sabi ni Janina, doon daw kami maghintay. Sumunod naman kami sa idea niya kasi malakas ang claim niya:


Michelle: bakit ba andito tayo nakapwesto?
Janina: diyan kasi nagbibihis lahat ng artista na bumibisita dito sa Robinsons.
Michelle: talaga?
Janina: oo, diyan nagbihis si Jopay. yung sexbomb. tapos pinakaguluhan =))


Tama nga si janina! super swerte namin kasi nung konti palang ang tao...nakita namin si Xian na papunta sa dressing room! Lumabas siya from Handyman. Yung mga saleslady at cashier don, natulala. Parang nakalimutan na may trabaho sila =)) waaaaaaa. Na-stun kami. As in sobrang natameme.  Matagal ng nakapasok si Xian sa dressing room nung natauhan na ulit kami. Walang makapag-salita. godlike! :"> ang gwapooooooooooooooooooooooo! friendly pa :">


AUTOGRAPH BOOK? wahaha
Mga isang oras kami nagkwentuhan about sa mga artista. Dapat talaga nagsuot kami ng pang-disguise kasi nakakahiya na talaga ginagawa namin. Baka may makakilala pa samin! (tapos meron nga :|)  =)) Puro JEJE kasi yung nanunuod :| tapos gusto rin namin manuod...so, parang na-jejefied na kami.


Yung iba, super tili! yung iba, kahit bodyguard lang ni Xian pa yung lumalabas, nawawalan na ng hiniga sa kakahiyaw. Yung nakita namin na nakapink na babae, sa kakatalon bumaba ng boobs-level yung blouse niya! parang naging instant off-shoulders at tapis na =)) 
Si Michelle may dalang notebook. Sabi niya, para raw makapagbasa siya. Feel ko, nagdala siya non para papa-autograph siya =))
Kapag nabasa niya to, masasapak ako! =))


Tumambay kami sa malapit sa Master siomai. Tapos yung nagbabantay don, isang matabang babae. Swerte siya sa place niya kasi may harang tapos nadaanan pa siya ni Xian! wala pa siyang kaagaw kasi closed yung place niya :| kainggit! pwedeng pwede niya abutan ng siopao o kaya siomai si Xian! 

Nung kumapal na ang JEJE population sa tabi namin, na-sense na namin na malapit na lumabas ng dressing room si Xian! nako, parang may nag-babadyang stampede! nakakatakot. 


Sam: siguro malapit na lumabas si Xian.
Michelle: oo nga, tagal...
Sam: sana dumaan malapit dito satin.
Michelle: oo, dadaan niyan.
Sam: paano mo nasabi yan?
Michelle: eh winawalisan. baka lagyan ng red carpet =))


FINALLY! nag-start na rin ang program. Mga 15 minutes lang yung fans day =)) nagutom kami, kaya kumain muna kami. 1 large pizza and 1 small pizza para fair share saming four. WEAK si Michelle, 3 slices lang! =))


Ang swerte nung ibang JEJE at mga bakla dahil may face silang pumunta malapit sa stage at mag-scream like a sissy fangirl =)) Hindi kasi kaya ng hiya namin yon wahaha kung sana nasa ibang mall na walang may kilala samin. Eh sa Robinsons Pulilan kasi! super small ng town namin, tapos yung ibang tao na familiar...magugulat ka, kapit-bahay mo na pala =))


Mas matagal pa yung journey papunta ni Xian sa Pulilan, Bulacan kesa sa tinagal ng mall tour niya =)) wagas!


After namin mabusog at manuod ng mall show, naisipan namin pumunta sa free fan pictorial with Xian...kaso FAIL. Hindi kami makalapit kasi hindi nauubusan ng JEJE =)) 
Naisipan namin mag-basketball ulit bago pumunta sa simbahan. Nakita namin si ate Lileth! certified true fan din siya! natatawa ako. Nakahanap kami ng kakampi =))


Nagsimba kaming apat hihihi :"> 
Tapos, binigyan ako ni Michelle ng picture niya para raw ilagay ko sa wallet ko. Super kiligs! :">
yung picture niya napaksaya. Muntik ng mangiti! =))
Binigyan niya rin sina Ikee at Janina, kaso isa lang each sila. Akin dalawa :">


NAKAKAPAGOD! 
bitter pa rin ako kasi hindi ako nanalo sa arcade. Maliit kasi braso ko
sabi ni Michelle, lalaki daw braso namin pag lagi kaming maglalaro at kakain ng marami.


Michelle: lalaki braso natin sa kakalaro nitong basketball.
Sam: yung akin kaya. Tinitingnan ko, pero hindi naman lumalaki.
Michelle: bukas pa yan lalaki. pag-gising mo.


So ayan, matutulog na ako. Tataba na braso ko pag-gising ko :">






#wattatruefan
#legitfangirl

No comments:

Post a Comment