Friday, March 30, 2012

Monster Kitty Cat!




Dahil ako lagi ang late matulog sa unit namin, ako lagi ang nakakasaksi sa kagimbal-gimbal na krimen ng Monster Kitty Cat! Gabi-gabi umaatake ang Monster Kitty cat sa katabi naming unit. Laging parang na-rape ang basurahan ng katabi naming unit. Pagbukas namin sa aming pintuan sa umaga, nagkalat ang mga tirang pagkain at basura; nakatumba ang basurahan, at nakabukod na ang helmet nito sa katawan. 


TAKOT PA NAMAN AKO SA PUSA! Nakakainis lang yung seryoso kang nagbabasa ng mga aralin kaso, biglang may hihiyaw na pusa na parang WORLD WAR 2 ang dating. 


May isang gabi, lumabas ako para magtapon ng scratch paper. Mga 3:00 a.m. na pero hindi pa rin ako tapos mag-aral para sa final exams namin. Dahan-dahan akong sumilip pagkabukas ng pinto...walang bakas ng Monster Kitty Cat sa paligid. Nung lumabas na ako para itapon ang basura...biglang nasa loob ng basurahan yung pusa!!! tapos nagkatitigan pa kami!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!
Hindi talaga ako makahinga!!! bigla ako pumasok ulit sa unit at nag-touchdown sa aking kama dahil sa takot. Mas na-stress pa ako sa aking Monster Kitty Cat experience kaysa sa aking pinag-aaralan (o_O)

No comments:

Post a Comment