Saturday, May 19, 2012

Jejedays 101: Round 2!


Nagbabalik ang mga mahiwagang kwento tungkol sa mga nakalap na datos noong panahon nang ka-jejehan. Kagaya nung sinabi ko sa nakaraan na JEJEDAYS 101, lahat ng nilalang sa ating mundo ay nagdadaan sa isang yugto ng buhay na mahihirang na isang ganap na JEJE. 


Mayroon akong bagong mga nahalukay sa baul na mga datos na parang mga basura lamang. Hindi ko nga alam kung bakit ko tinago itong mga naturingan ko ngayong "kalat." Sabay natin alamin ang mga kwento at mga taong lubos kong kinatutuwa na naramay sa blogpost na ito. 


Mag-umpisa tayo sa isang simpleng doodle na ito:





Naalala ko na isa sa mga paborito kong gawin sa eskwelahan ay ang mag-drawing habang nag-ddiscuss ang aking mga guro, bukod sa intensyonal na hindi pakikinig. Sa mga simpleng pilas ng papel sa notebook ng kaklase ko nagsimula ang aking matatawag na 'talento' sa pag-guhit. Nahasa ng mabuti ang aking kakayahan sa simpleng drawing sa likod ng notebook ko, likod ng notebook ng kaklase ko, o kaya naman sa arm chair ng upuan ko =)) Sa patuloy na paghasa ng aking galing sa pag-guhit, ay siya namang pagbaba ng grade ko sa notebook =))  


Napansin ko rin na masyadong mahaba ang intro ko para sa paksang ito =)) Actually, matino talaga yang drawing ng kaklase ko na si Kathleen Salivio. Pero ginawa kong gangster =)) kamukha talaga nung kaklase namin na si EJ, kaso nga...ginawa kong gangster. Speaking of Salivio...gusto kong batiin si Janel Salivio (sister ni Kathleen) na sa kasalukuyan na nasa Australia na. 


"Hello Janel and to all TFC subscribers!" =))






Noong bata pa ako, mahilig talaga ako sa Tweety bird. Oo, yung character nga sa Looney tunes. Nag-stop ang kalokohan ko kay Tweety nung nalaman kong lalaki pala siya =)) seryoso, natatawa nga ako sa dahilan ko! =))


Anyway, bigay sakin to ni Jennifer Layug alias "JHEN." Ngayon ko lang naisip na tuwing na kikita ko ang "JHEN" ang basa ko ay "JEH-HEN". SHARE. Naisip ko rin kung bakit sila best friend ni Roxanne Apostol, mas kilala bilang "RHOX" =))
Na-appreciate ko rin ngayon ang paglagay ng extra "H" sa pangalan ay nakakapampa-sexy pag sinasabi ang name mo. Rhoooooooooooooxx .rawr. =))


Sumunod naman itong galing kay Roxanne na letter. Hindi ko makita kung ano special dito at kung bakit ko pa ito tinago. Siguro dahil green ink ginamit, at favorite color ko ang green...kaya thank you, Roxanne.



Matagal kong inisip kung ano yung GB =))))))))))))))))))))))
sa sobrang tagal, ngayon ko lang naisip na "Good bye" pala yon =))
Kumpara sa letter na binigay sakin ni Rox, mas detailed ito at unique. Pero natatawa talaga ako pag nilalagyan ng date kung kailan sinulat kasi wala lang bro =))  

Eto namang susunod, KAKAIBA. Kasi isa 'tong form ng classroom survey. Wala ng mas-jejeje pa sa "hulaan kung kaninong sulat".  Tatlo kaming nag-participate sa game na ito: ako, si Janina, at si Ikee. Ang una kong napansin ay yung "Amanda Gurl" =)) alam kong aking sulat yon! =)) Bukod sa malusog ang mga letra...lumulutang yung letter "G" =)) sa ilang taon kong pag-practice sa Calligraphy ng school namin, hindi ko pa rin masulat ng maayos hanggang ngayon ang "F", "G" , at "Q". Medyo halata tuloy na hindi ako ang gumagawa ng Calligraphy assignments namin nung grade school >:) Napansin ko rin na halos magkamukha yung sulat ni Janina at Ikee :|


Ito ang paborito ko sa lahat ng nakita ko!!! Bukod sa hint na YELLOW and BLACK...naaaliw ako sa nakasulat. Bigay sakin ito ng best buddy ko na si Janina Mercado. Sa sobrang striking ng letter na ito...may napansin din akong striking line!

"Don't let anyone down you!" =)) so epic I'm gonna die. cute di ba? ang funny lang, pero I get the thought :"> 

Yung best buddy kong si Janina, pangarap niya pala sakin maging achiever. Na-sense ko ang encouragement niya sakin dito sa letter niya...baka maluha pa ko =)) Sabi niya rin na magaling ako at matalino! TRUE FRIEND talaga!!! Always HONEST!!!  =)) mas concerned pa si Janina na masama ako sa top 10 ng batch namin =)) Oh high school...how did I play with you? =))

How can you get tired of reaching your peak of greatness, when you have a friend like Janina? A friend who would remind you of your greatness, even if you're actually a mess. 

So that ends JEJEDAYS 101: Round 2! 
Maghahanap pa ako ng pwedeng pagtawanan >:)



No comments:

Post a Comment