Tuesday, December 22, 2009
Aba! USTe na ‘ko!
Freshmen Walk namin na matagal nang hinihintay. Finally, nangyari na rin at naka survive naman ako.
Badtrip lang kaso yung Zoo lec prof namin, masaya na sana kaso pinahirapan pa kami. Hay nako.
Buong araw kong ka-text si Ikee noong nakaraan na July, 24, 2009. Buond gabi ko rin sya nakasama. Pano nang yari yon? Basahin niyo ito:
So, wala kami lahat report sa Zoo lec. Tapos boring na, nagalit pa prof naming dahil sa aming “negligence”—not our fault talaga. I swear. Biktima lang ako kasi I was absent last meeting. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Naman o!
Pinagawa kami ng report and to be passed later @ 5pm. So we hurriedly went to P.Noval para gumawa ng report at Jem’s dorm. Ang init-init kaya tapos kasama ko pa si Yna, what’s worst? (joke lang) haha.
Ayon, napadpad kami sa kadulu-duluhan ng USTe, sa Tan Yankee. Actually, gumawa kami ng handouts at report sa bonggang-bongga na ground floor ng building. Yeap, dun nga mismo sa floor kami gumawa.
Muntikan na kami hindi matapos dhil kaunti na lang ang natitirang oras at Freshmen walk na! waaa. Nakakaloka talaga. So, nagretouch na kami sa CR bago umalis para sa general assembly sa likod ng Main Building.
binigyan kami ng mga asul na lobo at mga malalanding bubbles. Ang lobo ay pampa-bongga ng college at ang mga bubbles naman ay gagamitin sa pagpasok sa Arc of the century.
Ang init-init na talaga! Sobra na rin ang tension na namumuo sa loob ng aking nagigintab na noo. Oh juice ko! Napaka init!
Nagkita pa kami ni Janina sa gilid ng Main Building, kasi doon nakapila ang commerce. Binati man ako ni Marco (blockmate nya) at mukhang expected talaga nila na makita ako.
So, nakita palapit na ng palapit kami sa confirmation ng pagiging Tomasino namin. Inihanda ko na ang aking bubbles sapagkat nalalapit na kami sa Arc of the Centuries.
Kasabay ko si Yna Luz Reyes sa pagpasok sa Arc. Syempre, Syempre !!! feel na feel ko ang pagpasok…plus floating bubbles effect pa !!! san ka pa? haha
Ayun, patuloy kami sa paglakad until ma-reach namin ang tapat ng Main Building. Andun ang mga Yellow Jackets na talaga naming idol na idol ko. Syempre, nagpakitang gilas sila. Nainggit naman ako.
Patuloy parin ang paglakad naming papuntang Grand Stand nang makaupo na. along the way, SPOTTED: Sir Millard Uy with Girlfriend. Grabeh, hindi pa nakakaupo, heart broken na si Yna. Ouch naman di ba?
So, nakita na namin yung place namin na uupuan. Nakaupo na rin sa wakas. Halos lahat ng estudyante ay nakalabas ang payong, para hindi masunog ang balat. At para balat na lang ng payong ang masunog.
nagpamigay ang mga SC ng treats at tubig samin. Nagmukha pa tuloy feeding program pero sinamantala ko na. whahaha!
pagkabigay nung pagkain, inupakan ko na yung treats. Hala, ako lang ata nakaubos agad at unang unang nagkalat. haha. Uhaw man ako, kaya napilitan ako uminom ng tubig. HIndi ko naubos ang tubig kasi masukal sa loob ko ang pag inom nito. Nakinom si Faye, kasi uhaw na uhaw na sya. Tapos umalis sila sandali para bumili ng pagkain sa my car park. Medyo naiwan lang ako mag isa, kasama ang mahal at generic kong umbrella. :)
well, nakabalik na sila. Kumakain, tapos ako puro text lang ata ang ginawa ko. Unti-unti na kasi ako nawawala sa mood kaya wala na halos akong kinakausap. Ang init kasi eh, tapos pagod na pagod pa ako.
Maya-maya, meron ng Big Beach Ball na may nakalagay na "SCIENCE" na tino-toss. Grabe, nabuhayan ako ng loob dahil don! gusto ko man saluhin at itapon ang bola. Itapon papalikod para matamaan ang Accountancy, kasi magulo sila. toink. joke lang. ahahahah
Grabeh, tumayo pa talaga ako para makisali sa pag-toss ng bola. Napakasaya talaga at bongga talaga sa College of Science compared dun sa iba. wahahaha So what kung may discrimination? opinion ko lang naman ito weh.
Medyo matagal man naghagisan ng bola, maya maya na naman ang inihahagis ay bakla. hahaha. joke naman. Wala na talaga akong magawa. Nag-start na rin ang misa at mejo natahimik na kaming lahat.
Meron pang magandang opening tapos enjoy talaga! pinatugtog pa yung "touch my hand ni David A." and i was gradually losing myself. Feel na feel ko na naman ang kanta with matching arms raised pa! woo!!!
Ayan na naman yung mga YJ's, nakipag-cheer pa samin. hanep men! bigay na bigay na naman ako!!!! as in! parang kanina lang, ayaw kong magsalita, tapos ngayon todo bigay pa ako.
Nagkaroon na nga introductory remarks for the freshmen students...followed by Spongecola!?!?!?!?!? grabeh, sumisigaw pa ako ng "papa Yael!"
Tapos, i received a message from a Medtech student, old friend, and just an acquiantance(Ikee). hahahaha! Grabeh, hina-hunting ako. juice ko!
So, sabi ko, andun ako sa middle of the crowd near the stage. Naka-ilang text ata ako sakanya dahil napaka kulit nya. Until nahanap nya na rin sa wakas.
Pinakilala ko sya sa barkada ko kahit maingay ang sangkatauhan. haha! tapos, ayun nabunyag na ang kanyang natatanging pangalan..."ikee Gonzales" tada!
Napagkamalan na best friend ko pa siya, haha. natuwa naman si Ikee! woo! Lagot ako pag nabasa nya to.
Dun sya sa likod at walang katabi. Ang ginawa ko, nilipat ko yung chair ko na pinapatungan sa may tabi nya...para masaya! sinumpong lang ako ng kabaitan. hindi ko talaga gagawin yun.
Dala-dala niya ang kanyang RED Jansport Bag...ang generic!!! hahaha. Tapos hulas na hulas kaming parehas. Crap, nakipag-papciture pa si Yna saming dalawa. Kitang kita yung Jai Ho pimple ni Ikee. Wasak ang camera! hahaha.
Feel naman ni Ikee na super friends na nya friends ko, oh well, medyo. haha. Sabay kami nagsisigawan hanggang matamaan nya ng Pharma Tiger Balloon si JR. Hindi naman siya nag-react kahit nakakairita ang nagawa ni Ikee.
Tuloy parin ang sigawan. Duet pa nga kami ni Donita at Faye. Todo-todo powers!!! hahaha. Lalo na ng lumabas si Papa Miggy, pwede na kaming mamatay.
Noong tapos na ang mga masayang part at awesome bands...Naisipan namin kumain ng dinner. Naalala namin na meron pala kaming tiyan na puro hangin nalang ang laman. hahaha
Nagsi-uwian na rin ang iba kong berks at ang natira nalang ay sina Faye, Joseph, Ikee , at ako(maganda ako/random).
Naisipan naming pumunta sa McDo upang kumain. Habang papunta...Nag-picture 2x si Faye sa paligid at sa main building bilang remebrance. Malas niya, sa bawat picture nyang kinukuha , laging nahaharangan ni ikee. Nahihiya na talaga ako. Feel ko tuloy sadyang gusto na ni Ikee magpa-picture. loka loka kasi...tapos tawa pa ako ng tawa. Lalong nadagdagan ang helium sa aking minamahal na tiyan. haha
Fast Forward. Nasa may carpark na kami...Nakita ni Joseph friends nya, tapos pinakilala kami...nadamay pa si ikee. Ang taray. haha. Kung ako sakanya, Nag-psych nalang ako kung hindi ako sasamahan ng mga MT kong kaklase. Sayang nga weh, second choice pa naman nya ang Psych.
Nakabili na kami...at si Ikee ay nagddramang ayaw kumain. Nung lahat kami ay nakabili at paalis na , gusto na ni ikee bumili. Naudlot tuloy ang aking pag-kagat sa cheese burger ko. crap. So, napilitan pa maghintay ang friends ko for ikee kahit pinapauna ko na sila...nahihiya na kasi ako kung hihintayin pa nila mabili ni ikee lahat ng pagkain sa mcdo. haha!
Para talagang bata si Ikee nun. At ako ang dakilang taga pag-alaga. Pumunta na si Faye sa ate nya, at si Joseph naman ay pumunta sa friends nya. Kami naman ni Ikee ay humanap ng mauupuan upang makakain ng maayos. Tapos, nag-usap kami. Kaming dalawa nalang ngayon. Parehas na kaming pagod at sawang-sawa sa isa't isa.
Konting oras nalang ay ihinatid ko na sya sa pinsan nya. Rewind. Noong papunta kami sa harap ng main (meeting place nila ng kanyang cousins), may biglang dumaan na frisbee sa aking mata...1 centimeter lang ang layo nito sa delicate lens ko. Oh juice ko. humaharurot! haha
hindi ko pinansin...pinagtawanan pa ako ni Ikee kahit muntik na akong mamatay. Ok, OA na. haha. So, patuloy ang journey papuntang main building nang biglang-------"Sam, Sorry...Di ko sinasadya, Sorry!" ani ni Joseph.
Aba! siya pala ang nagpakawala sa frisbee na muntik nako tamaan. haha. Hinampas ko sya ng ------papel. Hindi naman masakit...pa-joke effect lang.
Matagal-tagal man kaming nag-hihintay sa main. Nang dumating ang cousins ni Ikee, pinakilala nya ako. Lumabas na naman ang pagkamahiyain ko. Please, MANIWALA kayo. hahaha
Ayun, iniwanan ko na siya kasi pauwi na sya. At least safe na siya, at safeko siyang iniwan (im such a nice friend); or else...LAGOT ako kay Mrs. Gonzales.
wii
pagkauwi ko sa Pacific ng sobrang gabi na, ako lang pala mag-isa dun. Wala si Charis at Janina. So bumalik ako, Nakasalubong ko si Janina na kasama blockmates nya...tinawag pa nga ako ni Marco ng:
"Saym!"
Parehas na kami ni Janina nasa condo, si Charis ay wala parin. Hindi na ata uuwi yun. Kaya hinayaan na namin. Nagpalit na kami ni Janina ng GAY pajamas at nagpahinga na...pero hindi parin tulog.
"Aba! USTe nako!"
*4 months bago ko natapos ang post na to. Nakakatamad gawin. Buti nalang at hindi ko makalimutan. Isa ata ito sa mga pinaka mahaba kong nasulat. Oha oha.
-S.Reyes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha sobrang punneh! I will never forget this! :D
ReplyDeleteFaye, gusto mo water? =))))))))))))))))
ReplyDelete