I never knew that I'd be having a different Paskuhan from the original plan celebrating it. Sobrang ibang-iba. Maki, Jr, Faye, anf I were planning our 'porma' and everything in our first ever UST Paskuhan. So, most-awaited talaga itong event before our Christmas Break. In the morning, we had our Christmas Party with the whole class (p5). Nung una, super konti palang ang tao kahit nagpa-late na nga ako. Noong dumami na, we had our salu-salo. Syempre, inaabangan ko talaga yan. Actually, nag-mukhang feeding program. Busog kami sa pizza at Pancit. Ginahaman ko na ata lahat! ang takaw ko talaga. Isa pa ako sa una na kumuha ng pagkarami-raming pizza. SI Mikka naman yung sauce ang pinatulan! bumuga tuloy ng apoy. Meron din kaming games, halatang hindi planado and at random lang talaga. Pero masaya! Una, 'bring me' tapos binabato at binabalibag lang yung mga requested items. Nanalo ako ng isang beses...sapatos daw na walang lace...kaya binato ko sa harapan yung akin. Sobrang nahihiya ako sa aking pinaggagawa. Nanalo ako ng amazing prize na mentos candy. Pinamigay ko ang kalahati kay issachu. :))
After nun, naglaro naman kami ng 'the boat is sinking'. Syempre, pinili ko na ang mga kakampi ko at meron ng pormal na kontrata. Partners kami ni issa poreber!!! :)) pero talo naman kami. At least, umabot kami sa mga critical na rounds. Sobrang benta talaga, kapit-bisig-hawak-kamay pa kami! talagang walang tatalo. Si Maki ay walang solid na kinakampihan. Pagmatatalo na ang isang grupo, iiwanan nya at makikihalo sa iba. Ang unang-una niyang nilaglag ay si Mikka (kawawa naman) walang siyang kaalam-alam na iiwanan sya ni Maki sa oras ng kagipitan. Patuloy pa rin ang laro at dumadami na ang mga pinagtataksilan ni Maki. Napaka-walanghiya talaga, pero nakakatawa. Naubos ang boses ko, malat tuloy ako pagdating ng gabi. Wala ring sense ang paghihirap at paglalaglag ni Maki kasi natalo naman siya nila Donitz. Natalo kami ni Issa kasi iniwanan man kami ni Maki!!! Mainam sana ang team building namin kaso nagkulang na talaga ang pwersa. Sayang! galing pa naman namin ni Issachu.
After noon, gutom na ulit ako. :)) meron kaming nilaro na si Koko yung nag-fascilitate. Nung una, hindi ko magets yung game...pero ok naman. Nagbigayan na rin kami ng gifts para matapos na. Buti nalang at si Jerina ang nakabunot sakin! gusto ko talaga yung bigay nya at buti nalang at alam nya talaga ang gusto ko! woot! palakpakan! Nahihiya man ako magbigay ng regalo sa mga piling tao...kasi shy type ako. maninwala ka. :))
Umuwi na ako sa Pacific, natulog ako...pero FAIL. Gumala kami ni Janina!!! Nag-aya syang maglaro sa net kaya sumama ako. Para kaming baliw sa computer shop kasi kami lang ang maingay at tumatawa mag-isa. Ang plano namin nila Maki ay pumunta ng maaga sa UST for Paskuhan and dinner. Pero hindi yun nasunod kasi nag-parlor pa si Faye (ang kyoooooot!!!). Doon na nagsimula ang pagbabago.
NAg-text na si Ikee sakin, magkikita kami sa UST. Doon muna ako sa mga blockmates ko...tapos sinundo ko sya sa Main building. Sasama raw muna sya sakin PANSAMANTALA but naging FOREVER. Umupo kami dun sa bato...unusual talaga at nagkkwento sya at kinakausap nya ako. Then inuulit nya lagi, 'nakakahiya naman sa blockmates mo', tapos puro 'shattap' ang sagot ko.Sobrang nagkkwento at kinakausap nya talaga ako...but i always looked around when she did that...puro tuloy bira at palo nakuha ko! berry naiz! Pero hindi pa ako badtrip nyan...mamaya pa. Binili nya ako nung glow in the dark bangles...pero yung 5pesos dun sa nagastos nya ay sakin galing. Noon ko rin na-realize na wala akong dalang wallet! lintsak!!! Buti nalang at ayos lang daw na samahan nya ako kunin. Maling wallet ang nadala ni Janina, pero ayos lang kasi ang bait nya sakin. Nakipagsiksikan kami pauwi ng Dapitan.
Wala rin pala akong dalang susi kaya hiniram ko pa yung kay Janina (life saver talaga!). Hindi ko nakita si Janina nung paalis na kami kaya pinabigay ko nalang sa kaklase nya na si 'Billy Cells'. Mabilis kaming nakabalik sa UST. At nag-aya si Potian sa Shakey's para i-treat kami kasi b-day nya nga pala. Sinabi ko kila Faye na hindi nako makakasama dahil kay Ikee. HIndi naman kasi pwedeng iwan si ikee at magpakasaya ako. So, pinili ko nalang na samahan si Ikee. Actually, sinasama pa nga nila si Ikee pero nahihiya na talaga ako kasi ang bait nila. Sabi ko kay Ikee, lahat ng gusto nyang kainin at inumin ako na ang bibili at magbabayad. Hindi naman kasi ako sanay na may inaalagaan o kaya inaasikaso, kaya yun na talaga ang best kong magagawa. Akay-akay ko sya kahit sa may footbridge na ng Espanya. Bawal kasi syang mahiwalay sakin kasi nasa labas kami...at delikado.
Tinatanung ko na rin kung ano ang gusto nyang kainin at dessert kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sakanya. Medyo badtrip na ako kasi ang init init, hindi na ako makasama sa blockmates ko, at hindi na rin ako makapag-enjoy. But I realized din na 'it's worth the sacrifice'. Tuluyan na talaga akong hindi nakasama and I was locked to her na. We ended up eating together in Goldilocks, i wasn't talking na, and masungit nako nun. Sakin kasi nakatapat ang aircon!!! Juice ko, nag-evaporate na ang katubigan sa katawan ko para akong nahipan ng ipo-ipo. Sobrang lamig!!! grrr....Suddenly, pinuntahan ako nila Maki...hindi na sila sumama kila Potian kumain at binalikan kami nila ikee. Nahiya na talaga ako ng sobra...kasi ang bait talaga nila!Sobrang sweet pa, i'm so lucky to have them. Nawala na rin init ng ulo ko.
sabay-sabay kami bumalik sa UST at sama-sama rin kaming nanuod ng concert, ahem, kasama ko pa rin si Ikee. Someone asked me why I couldn't leave Ikee...sagot ko: 'you don't leave a Gonzales alone, especially if 'ikee' s the name...fragile sya. :)) Medyo na-hurt nga ako kasi, Ikee kept texting her friends and I felt like she's planning to leave me rin after all the risks and sacrifices na nagawa ko na.Hay nako, pero sabi nya hindi naman daw, so I believed. :)
Nag-enjoy naman kami sa program and sobrang dami ang inokray namin during the show. At syempre, umaasa talaga kami dun sa raffle prizes!!! :)) kaso puro naman ENG o COMMERCE ang nananalo. At 10 o'clock, nagpaalam muna ako kila Maki kasi may meeting kami ng HS friends ko sa harap ng Main sa pamumuno ni Roxybabes. Nagkita-kita nga kami at nalaman namin na si Abi pala ay nawalan ng cp. Pagod na pagod na talaga ako nun, at hawak ko pa rin si Ikee. Pinilit kami ni Rox na samahan syang kumain. At napadpad kami sa Matthew's. Si ikee, hindi pa nakuntento sa pasakit sakin at nagpabili pa sya ng Raspberry shake sakin. Nauto naman ako, at parehas naman kasi kaming uhaw. Nag-kwentuhan naman kami, at kung sinu-sino nakita namin. Umupo na nga ako sa semento sa sobrang pagod habang naghahanap sila ng makakainan. Hindi na ako nakabalik kila Faye, nagtext nalang ako kasi prisoner nako ni Roxy.
Masaya noong nanuod kami ng fireworks. Amazing talaga, tulo-laway kaming lahat! Sayang at hindi nakapunta si Michelle. I forgot to mention na inabot ko rudely yung regalo ko kay Ikee nung nakaupo palang kami at sandali palang kami magkasama. Pano kasi, nahihiya nga ako kaya ganun ako magbigay ng regalo...hinid talaga nakatingin. Kay Janina lang talaga ako sweet. YZUng kay Roxy naman, sinaksak ko sa baga nya habang nagkasalubong kami sa 3rd floor nung umaga.
Noong natapos ang Paskuhan, umuwi muna kami sa Pacific upang kumuha ng pajama na baklang-bakla para sa sleepover kila Ikee.On the way sa Pacific, merong mga patung-patong na garden hose na makapal sa ground. Hinto ito napansin ni Ikee kaya bumulagta sya. Nakadipa kahalikan ang lupa, dun pa sa madaming tao nadapa ang loko! Buti nalang hawak ko kamay nya, kaya kalahati ng katawan nya ay nasalo ko naman. Mukha tuloy nadapa rin ako. Pero buti naman at ayos lang siya. Pinagpag ko pa ang pantalon nya at mabilisan ko tinulungan patayo bago mamukhaan ng mga tao. Ang masama nyan, natawag namin syang ikee habang nadapa sya...nalaman tuloy ang pangalan! hahaha, nung una, hindi lang namin pinansin ang pagsemplang ni ikee. Pero di namin natiis ni Janina na tumawa. Eh tuwing paglingon ko kasi sa likuran, si Janina naka-smile...hindi ko na tuloy mapigilan pagtawanan si Ikee. Pero himala, hindi ako binira ni ikee sa braso kahit pinagtawanan ko sya...nakakatawa naman kasi itsura! parang humalik sa lupa. :)) Nadatnan namin si Charis at Kuya Mac sa aming kwarto ng bonggang bongga! hay nako, sandali lang kami at umalis na rin kami. On the way sa bahay ni Ikee, nakasalubong ko pa si Wong (blockmate ko). Nakarating na rin kami at tinulungan ko si Ikee mag-setup ng air bed. Minsan, naisip ko rin na mas fulfilling kung mag technician nalang ako. :))
Nag-pajama na kaming lahat at humiga na ako sa tiyan ni Rox. :)) nagpicture-picture muna kami nila Janina. Tapos ang gay talaga! :)) then, lowbatt na kaming lahat kaya nahiga na kami ng maayos. Katabi ko si Ikee, tapos ginawa ko syang bolster sa pagtulog. shush! di nya ata alam, ayaw nya kasi i-share yung kanya eh. tapos lahat sila tulog na, ako nalang ang hindi. Maaga kong pinatay ang aircon kasi si Janina ay nilalamig ng todo-todo. Pagkagising ko, wala na si Janina...umuwi na. Kaming natira naman ay nag-internet muna at nanuod sa mga pinapakita samin ni Roxybabes. Kumain kami sabay sabay at syempre, nahiya na naman akong damihan ang kanin kasi hindi ko bahay yun. :)) kaya konti lang nakain ko...pero mas madami pa rin kesa sa iba. Umuwi na kami, tapos bumalik pagkababa...naiwan ko kasi ung jacket ko sa kama ni Ikee. Then totoo ng umuwi ako. Nag-ayos ako agad ng gamit kasi uuwi na ako ng bulacan. Dapat kila Ikee ako sasabay at sobrang pinipilit na ako...pero hindi talaga pwede kahit gusto ko man. Ayaw maniwala ni Lola Nelda na hindi ako pwedeng sumabay,ang kulet. Need ko kasi bumili ng gift para kay Daddy.
Nakauwi na ako ng Bulacan after 2 months na hindi umuuwi. KO ako sa kwarto pagdating at doon na rin nagsimula maging irregular ang tulog ko. Noong gabi naman, Christmas party for the staffs sa ospital namin. I had to play the piano for a special number with my family.
Again, i have no regrets to all the things that happened that day when i saw the amazing fireworks in UST. Cheers for PASKUHAN 2009!
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment