So, first day to ng PE ko na Softball sa UST.
After ng class ko sa Zoo101, umuwi na agad ako to prepare for my Softball class.
I hurriedly went back to UST, hoping not to be late in my class. Along the way, nakasalubong ko si Janina. Kasama nya yung bago nyang PE friendship. Actually, naka-Commerce uniform lang sya. Then sabi nya we don't need to wear our PE uniforms 'coz cheering lang naman ang ituturo.
Well, i didn't change mine too. Sinulit ko na ang uniform ko, and I really love wearing it! haha
I proceeded to the side of the Gym to check the availability of my uniform. Grabeh! hindi parin available...meron pa daw kasing number encoding stuff na kailangan. crap. time wasted.
Nagkita kami ni Phen (Jennifer) doon. Tapos, pauwi na sya. Nagtanong akoabout sa nangyari sa PE nya, kasi the same na Softball kami...nag-differ lang sa time schedule.
She told me, kelangan pala nung registration form...eh nakalimutan ko sa condo!!! so, sabay na lang kami umuwi..malapit naman kasi yung bahay nila sa place namin. Along the way to get my reg form, I continued asking details about my PE course.
So, nakuha ko na ang reg form ko. I hurriedly went back, 5 minutes na lang...late nako!
shocks, buti na lang, blessed with inhumane speed, nakarating ako sa Gym ng hindi late. bongga!
Mejo naligaw ako. Dahil nga isa akong curious freshman, nagtanong ako. Buti na lang madami tigers...ay, tao pla! na nag-aassist.
So, pawis na nga ako...wait! pawis na pawis na ako. ikaw kaya ang tumakbo sa kalye ng dapitan papuntang gym! hmp.
Lahat ng thermal energy, na-absorb na ng body ko. ang init talaga!
So, dun daw ako sa left wing ng gym. tapos yung coach namin, pinapunta kami sa pool side to conduct ur cheering.
Umalis yung PE coach namin and substituted by the YJ's (Yellow Jackets) for our cheering drills.
Wala naman akong alam na cheer sa UST, kundi yung Go! USTe! so hinintay ko lang yung part na ituro samin yun formally.
Madami pa lang cheers and UST. Nagkahalu-halo na sa utak ko. Meron man kami new cheer para sa opening ng UAAP season. Watch out!
Ang pinaka boring siguro yung UST hymn...no offense. pano kasi...prayer pla yun...tapos weird pa yung actions.
Naging-idol ko na tuloy ang YJ's. pano kasi, kahit nagtuturo lang sila...bigay na bigay parin! lintek sa lakas ng boses. Para bang luluwa na ang vocal chords nila! wowowow!
Ayun, after ng cheering bumalik na si Coach Lozada (Softball coach), bongga sa pagka itim! pero mabait sya at HOT. hahaha!
Nagkaron kami ng orientation about sa PE course namin,,,then we were asked to group ourselves.
nag call out ako ng, "sino dito ang College of Science?" since halu-halo talaga kami.
no one responded so I assumed na ako lang mag-isa ang college of science. Puro accountancy, pharma, etc...basta ako lang iba ang uniform!!! grabeh.
Dun ako sumali sa malakas na team...yung tipong may muscles pati mga babae. hahaha!
joke lang. basta. dun sa mga astig.
so, sa blue team ako. Eh gusto ko yellow , kaso yung leader kasi namin pangit yung nabunot! boo!
ayan, natapos na rin yung PE namin. Next week, magpapakaitim nako sa field!
Habang pauwi naman ako, kinakanta ko parin ang mga cheers na natutunan ko. LSS dude
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment