Gabi-gabi na lang ako nag-aaral ng buong puso. Ngayon lang ito nangyari sa aking buhay. Isa ito sa mga pagbabago sa aking buhay. Masasabi ko naman na habang tumatagal ay ako ay nagiging mabuting tao, pero hindi mabuting Kristiyano.
Dahil nga’t lagi akong puyat, araw-araw na lang na masama ang gising ko.
Sapagkat ako’y nagtitipid ng charge ng cellphone kasi tinatamad akong mag-charge at kailangan ko lagging dala cp ko, naka-set ito lagi sa silent mode.
Nang ito ay permanent na na nasa silent mode, hindi na ko makakapag-alarm.
Meron naman akong mga kasamang room mates na maaga at masipag gumising agad.
Laging una si Charis na gumigising dahil maaga ang kanyang pasok at maaga man syang natutulog. Mahiga lang o kaya masandal sa isang sulok, tulog nay an maya-maya. Minsan, sya ang ginagawa kong taga-gising.
Si Janina naman ay may malakas na alarm…babaeng kumakanta ng :
“pick it up!?!?!?!?! …”
Tapos, nakakairita talaga ito. Haha.
May isang umaga na nagpapa-gising ako ng umaga para makakain ako ng normal na breakfast…nakisuyo ako kay Janina na mag-alarm ng ganung oras. Tapos, naliligo na sya tulog parin ako.
Naka-ilang alarm na yung phone nya na kanta ng kanta ng “pick it up!?!?!? …”
7 snoozes na, hindi parin ako nagigising.
Nagising lang ako noong tinawag na nya ako personally para bumangon.
Tapos, lagi pa akong may “S” pag umaga. At ang madalas kong sinasabi ay:
“sleep pa ko…” , sabay talukbong at sleep ulit.
Kahit ang Ultra-Mega-alarm ni Charis na “Canon in D” ay wala paring talab sakin.
Lagi na lang ako may sumpong pag umaga at nhalos lahat ng kumakausap sakin, inaaway ko.
Unti-unti na talaga ako nagiging abnormal. Until now, morning sumpungin parin ako. Wahahaha
Nang minsan si charis ay nanghihiram ng salamin, eh tulog pako, ginising nya ako at tinanung kung saan…tinuro ko ba naman sa maling lalagyan kasi antok pa ko. Kawawang Charis.
Sa ngayon, maganda ganda na ang gising ko, medyo adjusted na rin ako at nahahasa nako sa time management.
Dati kasi sa CdSP, kahit super late na akong nagising, hindi parin ako nalalate. Hinahatid kasi ako ng car. Tapos ngayon, naglalakad ako kaya hindi ako gaano kasanay mag estimate ng oras.
Diskarte lagi ni Mang Carlos ang nagliligtas sakin kapag malapit nako ma late dati, eh ngayon…ako na lang bahala sa sarili ko. Nakakmiss tuloy si Mang Carlos.
Kaya kayong mga mangbabasa, Manage your time and sleep early. But wait! Yung sinasabi nilang it’s better to review nang madaling araw…it’s a fallacy for me.
I’ve tried it and it’s worse than staying up late. Lalong walang pumasok sa utak ko.
Wag nyo rin aawayin and mga tao sa paligid mo, lalo na kung ginagawan ka nila ng pabor. Nakakahiya…huwag kayong magpapadala sa antok.
Antok lang yan…ano naman kung makatulog ka? Oh di masaya, di ba?
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment