Wednesday, December 30, 2009

Alamat ng Bulate Isinulat ni: Sam Reyes

Once upon a time, there was CHANGE...the only thing PERMANENT in this world.
This is a story, but not a story actually, about evolution. Not really, this is just another concoction of mine, trying to figure out if it would attract attention. It has been a long time since I started college. I miss high school a lot but sometimes I know I must not. There are reasons why I shouldn't miss high school, and there are so much to want to get back in time for. In this post, I have stated the observations and comparisons between the FORMER and the EXISTING.

Ipagpaumanhin niyo sana kung ako'y mag-tatagalog. Hindi naman ako laking ibang bansa at hindi man ako ipinanganak sa lugar na malayo sa kabihasnan ng Pilipinas. So, Mag-tatagalog ako *bow*.

Noong HS, kami ang merong pinakamaganda na uniform sa buong Pulilan. Madaming nag-sasabi na mukhang pangmayaman daw ang aming mga uniform. Ito'y my puti na pangtaas na may rosas sa isang collar, at malalanding lukot sa harapan. Ang palda naman namin ay itim na checkered at hindi dumihin. Magkakatalo nalang sa amoy. :)) Maganda nga, pero ang reklamo ko lang ay wala itong kurba...CURVE sa gilid, ayon sa mga bakla. Pag-suot mo ito, hindi ka HOT at mukhang batang-bata ka. Ngayon naman, meron ng HOT CURVES, kita na ang korte mo loko! Kaso, saksakan naman ito ng puti. As in, yung lang ang kulay. Buti na lang ay A-CUT sa Science...utang na loob mo pang makagalaw ka.

Dati ay hinahatid ako ni DaddyLoves pag-pasok sa school. Si Mang Carlos naman ang dakila kong driver at kasama niya si Ate Azonez (katulong) sa aking pag-sundo sa hapon. Minsan ay kasabay ko si Janina sa pag-uwi sapagkat malapit lang ang bahay niya sa amin. Pag may nakakalimutan ako, itatawag ko lang sa bahay ang aking kailangan at dadalin na ito agad. Bawal kami mag-dala ng cellphone dati kaya ang ginagamit ko ay ang telepono sa Office. Pinapayagan akong gumamit doon kasi sikat ako at nakukuha ko ang kanilang loob dahil sa charms ko. :)) Ngayon naman, wala na ang buhay prinsesa kong ala-hatid-sundo. Ako'y kasama na sa karaniwan na nag-lalakad patungong school. Pag may nakakalimutan ako, kailangan ko pang tumakbo pauwi para kuhanin ang gamit. Pag-gusto ko gumala dati, mag-papahatid lang ako kay Mang Carlos kung saan ko gusto basta't mag-papaalam lang ako sa aking magulang kung pwede. Ngayon, ang gamit ko ay Lokal na trasportasyon upang gumala. Walang kaso sakin iyon, pero hindi lang talaga ako sanay. Kaya tatanga-tanga ako minsan.

Sa probinsya, malinis-linis pa ang hangin at konti ang tao. Kaya medyo na culture-shock ako pag-tira dito sa Manila. Hindi naman malayo sa kabihasnan ang Bulacan. Actually, 45 minutes away lang ito sa Manila, pag-traffic naman ay 1 oras mahigit. Ang Bulacan naman ay malapit lang sa Manila, hindi ito yung akala ninyong tirahan ng maglalatik o kaya naman makikita doon ang "El Rancho de Kabayo", nagkakamali kayo. Medyo sanay naman ako sa Manila sapagkat dito ako lumaki nung bata ako. Meron kaming bahay dito. Sa Manila man kami nag-sshopping ng aking Mommy dahil mahilig siyang gumala. Hindi nga lang ako sanay sa mausok at populated na lugar. Medyo exiled ang pamilya namin sa Bulacan kasi exclusive si Mommy. Dito sa Manila, kalat ang mga sunog-baga at sunog-nguso. kahit saan ka lumingon, merong naninigarilyo o kaya nag-susugal. Sa Pulilan, konti lamang ang naningarilyo, pero may maraming mukhang sigarilyo na mismo.

Kung mag-dasal kami dati ay daig pa ang simbahan! Maya't maya ang aming pagdadasal at hindi ko naman kinahihya ito. Dito ako natutong maging malapit sa Diyos at mahalin ang aking mga magulang. Ngayon naman, parang kinakain nako ng mundo. Minsa'y nakakalimutan ko na mag-dasal dahil sa pagod. Nawala na yung dati kong pagka-madasalin. Syempre, minsan man sa aking buhay na-feel ko talagang madasalin ako...hindi naman akong ganung kasama noh! :)) Sobrang haba ng mga dasal namin dati...ngayon isang "Glory-Be" lang, pwede na. 30 minutes ata kami mag-dasal dati before mag-start ang klase.

Mas madami akong kaklase ngayon. Sa dati kong school kasi 1 section per year lang. Napaka konti namin talaga...32 lang ata kami tapos ngayon 53. :)) Kahit konti dati, masaya naman at talagang close ang batch namin. Sila kasi classmates ko simula nursery until 4th year kaya parang mag-kakapatid na talaga kami. Maayos naman ang mga kaklase ko ngayon. Makukulit at mahaharot...basta masaya!!! woot!!! Dati, kilala ko lahat ng tao sa school namin...ngayon naman, sobrang dami kaya mahirap alamin at suriin ang pinag-mulan pag may gwapo akong nakita. Takte! :))

Patapon ang buhay high school ko. Kabilang ako sa mga dakilang irresposable sa klase (Proud pa ko nyan ah!). Hindi ako nag-papasa ng requirements on time at ang homework ko sa ginagawa ko ng 10 mins befor the bell. Reyna ako ng cramming, wala talaga akong time management. Pinagawa-gawa pa kami ng time table dati, hindi ko naman sinusunod. Ang nilagay ko dun may time for studies pero sa totoo lang, kinakain ang oras ko ng tv at internet. Ewan ko lang kung naniwala yung teacher ko doon sa fake kong time table. :)) pakitang-gilas!!! Ngayon, nag-improve nako! sobrang responsible, ay di pala masyado, pero at least super effort ako ah. Meron nakong determination at cheverness!!! :)) Mas masipag pako sa mga masipag kong kaklase dati, oha oha!!!

Kung dati, poor study habits ako....Ngayon naman sobra-sobra pa sa BEST! Nag-babasa ako ng advance. Eh dati, ang binabasa ko yung mga book na hindi related sa studies. Juice ko, pero nakakasagot parin ako sa school kasi nakikinig naman ako minsan.

Ang mga tao sa Pulilan ay halos mga matanda o kaya naman mas bata-bata sa akin. Dito sa Manila, kalat ang mga "kanto boyz" at "yo wazzup" sa paligid. Iba't iba rin ang kulay ng balat dito. Meron kayumangi, maputi, maitim, sobrang itim, saksakan ng itim, at nalintikan ng uling......ang batok. :))

Dati mag-hapon ang klase namin, pero wala nagagawa. Ngayon, super activity-filled bawat araw. Talagang napapagod ako. Dati, napapagod lang ako sa kakaupo o kaya sa kakabantay sa orasan, hinihintay ang uwian. Sobrang maaga kailangan gumising at nakaka-stress talaga. May mga kaagaw ka pa sa banyo...di tulad sa bahay namin...pwede ako mag- "BANYO CONCERTO". Ngayon, kailangan ko magpigil pag na-gigidiyup na ko o kaya patayan na ang civil war sa tiyan ko. :))))

Syempre naman, talagang mas mahirap ang mga subjects ngayon. Dati, nakakapasa ako ng may sobrang taas na marka kahit hindi nag-aaral. Dito, gagapangin mo talaga ang talahiban bago maka-puntos. :))

Mga bagetz ang teachers namin kaya kinakaya nalang namin at inaabuso. Konti lang ang natatandaan kong nirespeto kong teacher talaga at kinatakutan. :)) Ngayon, halos lahat ay doctor kaya hindi ako makaka-angas. Pero masaya naman ang iba kahit matanda na. Nakakatakot talaga yung iba, sobrang natatahimik ako. ang nature ko pa naman ay maloko at maingay pero syempre, nahihya pa ako.

Natural naman na late na ako matulog at inaabutan na ng umaga. Kaso, dati wala akong pinagkakapuyatan kung hindi sa panunuod ng dvd o kaya pag-iinternet. Ngayon,puyat at pagod. Extra Joss ang kailangan!!! at para naman sa muscle na nakapalipit, alaxan IP-AR :))))

Nabanggit ko nga kanina na ako'y madasalin na bata. Dati naglalakad kami papuntang Adoration chapel upang magdasal. Ilang kanto ang lalakarin mo papunta doon, pero tinitiis ko. Gusto ko kasi ipagdasal mga mahal ko sa buhay. Ayun lang, serious yan ah. Ngayon, pagkalapit-lapit ng chapel pang-dasalan, hindi ko pa mapuntahan. Kung hindi dahil sa Roxanne, hindi nako pupunta ng chapel upang magpasalamat at magdasal. Katulad nga ng sabi ko, unti-unti nakong kinakain ng mundo. :( Pero, hindi ako mawawalan ng pag-asa kasi may naniniwala na hindi ako susukahan ng reyalidad. Sobrang Matalinhaga...sa suka pa nahalintulad.

Ang mga homework dati ay pwedeng 10 minutes before time lang gawin, hindi ka pa mahahalata ng teacher. Ngayon, isang homework lang kakainin ang buong araw mo. dati, hindi ako conscious sa deadlines kasi ayos lang naman sakin kahit late ako magpasa..wala naman kasing pinagkaiba...nauuna lang yung iba tapos akin yung "grand finale" :)) Nag-ppalate man ako dati kasi boring talaga ang pinag-aaralan. Paulit-ulit lang. Pag-late ka, sobrang basa pa ng buhok mo kaya dun lang mahahalata. SC pa naman ako at bantay sa lates tapos, kahiya-hiyang violator man ako. Ngayon naman, maaga akong pumapasok para maganda simula ng araw ko.

Ang circle of friends ko dati ay four lang kami tapos puro girls. Ngayon, halu-halo at mas madami sa barkada. Medyo tipong Scholastics nga kami kasi kaming four na magkakaibigan ay lahat nasa top ten. Pero parang ang masipag lang si Janina at Ikee. Kami ni Michelle, walang pag-asa! :))

Ang high school merong daily routine. May time for break at pareparehas ang nangyayari sa araw. Di tulad pag college, everyday is different from the other. Sobrang daming twists and surprises.

Sabi ni Ate Lilia, pag-college daw dapat shoulder bags and high heels for the young ladies. Sa pag-iisip ko lang, papahirapan lang natin ang ating mga sarili pag ganun. Mas ok ang back-pack kasi napakadaming books!!! Papatayin lang ng heels and paa mo sa paglalakad! tusatado ka pa pag sobrang inti ng singaw na lupa. :)) ang ironic diyan eh, kakabili lang sakin ni ate ng school shoes na Naturalizer, tapos flats...ay nako! Marami kasi siyang pera kaya naisipan nya akong bilhan ng shoes. Siya man may bigay nung G.H. Bass flats ko na overused since nasira ko yung cheap shoes na ginagamit ko dati.

Ang weekends ko dati ay parang usual day lang kasi the same din naman ginagawa ko, ang kaibahan nga lang...mas madaming oras. Ngayon, kahit weekends need kong mag-aral at gumawa ng stuffs for school. Oh di ba, nakita niyo na ba ang mga pagkakaiba?

Syempre, may mga gusto akong balikan sa nakaraan pero hindi ko naman kayang iwanan ang nakalaan sa aking kapalaran. :) mag-punas ka muna, tulo laway ka o.

*alam ko, walang kinalaman ang title sa nilalaman nito pawang kalokohan lamang. yari ka.


-S.Reyes

No comments:

Post a Comment