Tuesday, December 22, 2009
Sorbetes ng USTe
Maaga akong umuwi ngayon kasi wala naman kaming zoo 101 class. Nasa Thailand pa yung prof namin. Nagkaron lang kami ng orientation conducted by the College of Science Student Council. Nagpamigay man sila ng Tomasino give aways para mabenta ang kanilang presentation.
Obvious tuloy na lahat ng may bag ni dilaw ay Freshmen. Sometimes, meron ding discrimination pag Freshmen ka. Lintsak talaga.
Naabutan ko si Janina na nakahiga at nag papahinga sa condo. Maya maya lang, dumating na rin si Arnis…ay! Si Charis pala na naka-arnis. Galing ng PE nya. Dala man nya ang paborito nyang laruan na si Gerald. Wahahahaha
Nad-stay at nakipag-tsisimisan samin si Gerald. Wala naman ako pasok kinabukasan kaya hindi nako stressed. May plano kaming bumili ng jacket ni Charis kaso ako lang ang nag tuloy. Hindi kasi maiwan ni Charis si Gerald. Eh ako naman ay may appointment kay Ikee nung Friday.
So, una akong umalis…pumunta ako library dahil andun yung iba kong blockmates. Rewind.
After ng orientation, kasabay ko nga pala umuwi sila Patricia (blockmate ko) kasi doon sya nakatira sa Pacific Grand , katabi lang noon gamin.
After sa library, next stop ko sa museum para bumili na jacket. Nakabili ako, at natuwa pa sakin yung baklang nagbebenta. Kikay kasi ako, wahahaha!
Malapit na ang labasan ni Ikee kaya naisipan ko syang itext. Sabi ko, puntahan nya ako sa library. Eh ang tagal nya, ang ginawa ko naman ay bumili muna sa Dapitan ng Nutrioptions nna Milo shake.
Ang tagal parin nya tapos mag-isa na lang ako naka upo sa harap ng commerce building. Iniwan ko pa naman ang mga blockmates ko para sakanya. Ayun, naiinis na ko. Pinuntahan ko na sya sa Main Building. Para pa naman akong masusuka kasi ang dami ko ng nakain at nainom. Juice ko talaga!
Sabi nya, nasa photocopy section daw sya kasama si Pat Reyes (blockmate nya). Pumunta ako doon sa malapit na upuan doon. Sa may Rector’s Hall ako umupo at umiinom parin ng Milo shake.
Ang tagal parin nya…tapos noong pinuntahan ko na sya sa may photocopoy machine, ala naman. Nag-pipicture lang yung mga blockmates nya…namukhaan ko kasi si Dane. Tapos nasama pako dun sa picture dahil dumaan ako.
Nag text sya na nasa front na sya ng Main Building. Pambihirang tao. Umalis agad. Nagtataka nga ako kung pano nangyari yung weh. Impossible na hindi kami magkita doon sa may machine kasi maliit lang yung space.
Feel ko tuloy pinaglalaruan na nya ako. Eh super pagod nako sa kakalakad at kakakainin. Nag text ako sakanya na lalabas na ko at nasusuka na kasi ako. Siya ang unang nakakita sakin. Talaga naman na isa akong kapansin pansin na tao dahil meron akong kakaibang aura. Hahaha. Parang pheromones…hahaha.
Ang layo talaga ng tingin ko sa kakahanap sa kanya at ng trademark nyang turtle bag. Napagod man ako sa kakaikot, nasa harap ko lang pala. Tinawag nya ako, tapos naghesitate akong lumapit, baka kasi masukahan ko na. Inalalayan nya ako papunta doon sa bentahan ng Sorbetes sa UST. Pinakilala nya ako sa friends nya tapos, binati ko naman.
Napagkamalan pakong Pharmacy kasi halos kaparehas nung uniform. Sabi ko College of Science ako. Tapos nagpa-cute pako kahit masama pakiramdam ko. Binili ako ni Ike eng ice cream at nag sorry ba naman sakin. Hindi ko naman alam kung bakit. Weird talaga sya minsan.
Inakbayan ba naman ako ni Pat Reyes tapos kinakamusta ang feeling ko. Kinalat na ata ni Ikee ang balitang nasusuka ako weh. Hahaha. Nakakainis. Sira na naman image ko.
Medyo nailang ako noong nag-akbay si Pat sakin, friendly pala talaga sya. Tapos, sabi ko sakanya..ayos naman ako. Ang tawag ko nga dun, Reyes weh.
Si Ikee naman kasi, pipili pa ng new friends…kelangan “Reyes” man. Hahaha. Kahit sukang suka na ko, kinain ko parin yung ice cream na binili ni Ikee. Tapos dumami na yung blockmates nya doon…medyo na feel ko out numbered nako ng mga MT (Med tech) kaya umalis ako ng walang paalam kay Ikee.
Mukha naman nag eenjoy sya kaya hindi ko na rin inistorbo. Kinain ko na lang paalis yung Ice cream na galing sakanya. Tapos nag-tutulo na talaga ako every where. Wala pa naman akong panyo. At alam ni Ikee na wala akong panyo. Malayo na rin ang nalakad ko from the Main Building where I left Ikee. Nang biglang may nag called out ng name ko.
Lumingon ako tapos si Ikee tumatakbo, dami pa naman nyang dala. Tapos, nagulat ako dahil nag effort pa syang habulin ako. Bongga! Hindi kaya sya tumatakbo. Tapos ang dami nya pang dala. Sabi nya sakin nagtutulo daw ako, tapos sabay na lang daw kaming umuwi.
Hihingi n asana ako ng tissue sa kanya kaso bago ako makahingi, ay nilabas na sya at binigay sakin. Sabi nya,
“hoy! Nagtutulo ka, magpunas ka nga,” masungit effect nya pang sinabi yan.
Tapos natuwa naman ako, pero rude kasi ang pagkasabi nya sakin kaya sinabi kong,
“ang konti naman nito, pahingi pa.” mejo pagalit ko yang sinabi…
Binigyan naman ako tapos nag smile pa ang loka loka.
Hindi ko na sya kinausap after noon. She would ask questions na naman. Like,
“bakit mo iniwan blockmates mo?”
“pwede mo ba ako ipakilala sakanila?”
Tapos irritated nako. Hahaha. Pinipilit nya na ipakilala ko sya sa new friends ko at kay Gerald. Gusto nya ma-meet.
Hinihingi nya man yung class schedule ko so we could keep in touch kaso nahihiya naman ako ibigay, ang landi. Hahaha
Pag binigay ko kasi, she’d compare it to hers. Tapos sasabihin nya pangit yung akin. Hahaha
Nakita na namin si Lola Nelda and it was time to part our ways. Since dedma nanya ako dahil pauwi na, pinasabi ko na lang kay Lola Nelda na,
“pakisabi po, salamat kay Ikee at goodbye po!”
Then I turned my back. And looked at her, and saw her looking at me.
Your friends could have new sets of friends…
But they’ll run after you, after a little while…
-S.Reyes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment