Tuesday, December 22, 2009
United in Jollibee
Pinangako ko sa aking mga matalik na kaibigan na gagawan ko ng blog ang nangyari samin noong muli kaming nagkita-kita. Satin-satin lang ito ah, pano naman kasi, baka mahuli yung isa kong kaibigan na ayaw ipaalam na nakasama siya sa adventure namin noong araw na ito.
So, nag-set kaming apat ng meeting at bonding time para naman makapag-unwind. Si Ikee ay may early dismissal, si Janina naman ay hindi pumunta sa Commerce Journal meeting para lang makasama. Si Michelle naman ay pumunta pa ng UST para lang makipag-bonding at makasama kami. Oh di ba, talagang espesyal ang araw na ito. Mayroong mga nag-sakripisyo, at meron man nanatiling MAGANDA, kagaya ko.
Hinatid pa nga ako nila Janina at Michelle sa CAL-2 noong 1:00 pm kasi may class pa ako. Sweet naman pala!!! Tapos, hindi ko na alam kung saan sila nagpunta after akong ihatid. Bigla nalang ako nagulat na paglingon ko sa CAL-2 zoo lab namin, magkakasama na silang tatlo.
Oh, how I wished na andon man akong nakikipag-usap sa kanila, pero may pader na nag-babahagi at pumipigil. Haha ang drama! XET. Nakakainggit naman kasi nag-kkwentuhan sila sa labas...feel ko tuloy ang dami ko nang na-miss. Nakakainis. Samantalang ako'y nakikinig sa discussion ng histology (medyo) at ang kausap ay ang microscope. huhuhu. Ang bitter talaga ng feeling. Buti na lang, andon sila Faye at ang iba kong ka-berks.
So, maya't maya akong tumitingin kung andon pa rin sila. Hindi naman umalis at hinintay nila matapos ang klase ko. Pinapanuod pa nila ako, aba syempre, nagpakitang gilas naman ako. Para lang maipakita sakanila na onti-unti na akong nagbabago. wii.
Ayon, balik tayo sa paglingon ko: ang una kong napansin ay ang UBOD NG LAKI NA PIMPLE NI IKEE (u-n-l-n-p-n-i) hahahaha! tapos, bigla kong naisip yung kantang Jai ho! dahil doon. wahahaha. nakaloloko. Nako, meron na nga palang multiply si Ikee, tiyak na mababasa nya ito! shemay. super deads nako.
Nang labasan na namin, in-ambush ba naman ako ng bff's ko. Tapos, pinakilala ko sila sa friends ko ngayon. Nakakatuwa naman. Tapos, napaka kulit talaga nila. Onti nakong nawawalan ng diginidag. Maingay kasi, nahihiya tuloy ako para sakanila. haha. Hindi ibig sabihin nito ay kinakahiya ko sila ah, LOVE ko silang tatlo.
Halatang pare-parehas kaming gutom. So, ayun...nag-hanap kami ng makakainan. waaa. One thing in common namin: FOOD TRIP!!! pero hindi ko sure kung trip yun ni Michelle. Oh kaya naman, HOTTIE hunting!!! pero parang kami lang ni Janina ang nagkakasundo dun. ah basta, ang gulo talaga. Ang importante: FRIENDS FRIENDS KAMI. WAHAHAHAHAHA!
Napadpad kami sa Jollibee, Asturias. Quiet lang kayo ah, bawal kasi si Ikee lumabas ng UST. Pero hindi naman malayo, katapat lang. Wala na talaga kaming makainan. So ayun, sa second floor kami pumwesto. Kami ni Ikee ang unang bumili. Napaka-demanding niya at nagpa-libre pa sakin. Tapos, tiba-tiba pa ang in-order...parang hindi na kakain sa mga susunod na araw. Tapos, next batch naman sila Janina, hanggang maka-order na kaming lahat.
Pare-parehas pa kami ng mga kakainin. Naiba lang si Ikee, kasi may side dish pa syang ultra mega large fries!!!! with cheese dip pa. Ang takaw talaga. shemay!
Syempre, ready ako!!! may dala akong cam kaya nag-picture kami! wii. tapos nag-request pa ako na mag-take ng picture nilang tatlo...
Hindi lang nila alam na gagawin kong teletubbies ang kanilang vain na picture >:)
Unang natapos kami ni Janina sa Jolly hotdog. Ayown! napaghahahalata tuloy ang mga matakaw, este, mabilis ang metabolism. hehehehe
Nag-kwentuhan kami ng walang humpay...talagang sinulit na namin ang araw na nagawan namin ng paraan upang magkasama-sama.
Tinuruan ko man sila ng tamang pag-bigkas ng "Jollibee Asturias" ayon sa kaklase kong si Yna Reyes. Ganito: /jalibiz- azturiaz/ binibigkas ito ng ubod na bilis sabay talsik ng laway. hahaha! Nauto ko naman yung tatlo at nakiuso na rin.
Time na upang ihatid si Michelle papuntang Espanya kasi kailangan na niyang umuwi...Pagkatapos non, si Ikee naman ay kailangan ihatid kay Lola Nelda...Kami ni Janina ay sabay umuwi upang bumalik sa katotohanan. Aral na naman, tapos na ang kasiyahan.
"Who said we couldn't be together--again--forever?"
No limitations. No distance. No hindrance. No responsibility.
This is the New definition of FRIENDSHIP.
Spell it as, J-I-M-S
I love you gay people!!! miss you three, sooo much.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment