Akala nyo naman na itong post na to ay isang religious experience or any event pertaining to something about praying; Well, YES (partly). If I were you, i'm gonna finish this post. If scan mo lang...parang nag-aksaya ka ng one happy moment sa buhay mo. OA na noh? basahin mo nalang ng buo...here it goes:
1st year ata kami or 2nd year... hindi na accurate ang memory ko. Basta ang alam ko, MASAYA! hahaha SO much for the stupid part...let's go to a lot more stupid happenings.
We have to practice for 'something'...nakalimutan ko na kung para san yung practice. Ang alam ko na lang, that practice was held after class--at night. Inside our classroom, with my classmates and the other sections were all out of school. Our room was the only one that was lit. Ayan, alam nyo na ang settings.
Next: CHARACTERS. :) hindi ko lahat i-mention...kasi madami at nakaktamad. Yung mga katangi-tangi lamang (kagaya ko) and nararapat mabanggit sa post na to. Unang-una, si Sam (ang ganda ko), isa sa mga bida ng istorya; Janina, isa sa mga nag-lakad gamit ang tuhod (joke), este nag-dasal abot langit. Paul-and impersonator ni Jassiel. Jennifer-isa sa mga kapit-bisig girls. Jassiel-bilang sarili nya at kinatawan ng Gabriella (random); Mga natirang kaklase--alipores lamang.
So, nag-ppractice na kami ng biglang tumahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Jennifer. Meron daw siyang naririnig...samantalang kami lang naman ang pwedeng panggalingan ng ingay ng mga oras na yon. Tumingin ang lahat sa isa't isa baog nila na-realize na dapat ng mag-panic. Nagsimula na magsigawan sa takot at mataranta. Hindi pa tapos ang practice at halos wala pa kaming nagagawa.
Napansin ko na nangingilid na ang mga luha sa mga mata ni Jennifer...may tumutulong------PAWIS-----sa kilikili ni -----. At ang pakiramdam namin ay may mga matang nagmamasid--nakatingin. Magulo na ang lahat at lubos na ang ingay na nagagawa. Nang biglang-----
(nag step forward si jassiel at gumawa ng eksena to break the noise)
"Tinatakot nyo lang ang sarili nyoh!!!!?!?!?!?!"
tumahimik ang lahat. Napatingin kay Jassiel ang lahat ng nasa silid. Naging dilaw ang mga mata namin at inupakan si jassiel (corny na, joke dapat to weh).
Nagkapit-bisig kami ni Janina...yung iba naman ay kumuha ng kani-kanilang partner para sa kapatiran. Mahaba ang aming lalakbayin sapagkat nasa 3rd floor kami. Malayo pa ang gate kaya nangailangan kami ng proteksyon mula sa May Kapal.
Hinugot namin ni Janina sa aming mga bulsa ang aming Rosary--ang natitira naming sandata laban sa pwersa ng kasamaan.
Nagsimula na kaming mag-dasal ng Hail Mary, sumabay naman sila Jennifer. Hanggang lahat kami ay makababa ng matiwasay.
Kinabukasan naman ay may pasok. Wala naman kaming nagawang practice sanhi ng trahedya.
Naging katatawanan nalang ang kaduwagan namin. Si paul kasi ginagaya ang lines na sinabi ni jassiel. tapos nakakatawa talaga!
ang quote ni Jassiel ay tumatak sa puso namin hanggang 4th year kami. As in kabisadong-kabisado. Ang saya talaga balikan ang mga istoryang punung-puno ng kalokohan.
Meron pa tuloy kaming natutunan kay Jassiel. hahaha
o kayo jan, baka "TINATAKOT NYO LANG ANG SARILI NYO!"
;)
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment