Isang araw sa nakalipas na linggo, bumisita sa amin ang natatanging persona na naging bago naming kabarkada at kaibigan. Siya’y nag-ngangalang Gerald Calimbas.
Oh ayan Gerald, ginawan na kita ng blog. Nabida ka na rin.
So, pumunta siya sa loob ng condo namin. Binisita niya si Charis upang sila’y mag-aral at mag conduct na ng study group.
Nandoon ako nung mga minutong pinangyarihan ng krimen. Si Janina at ako bilang mga saksi. Ang killer na si Gerald Calimbas. At ang bayawak,,, este, biktima—Charis Cauyao.
Nagkaroon kami ng maliit na pag-uusap bago sila nag-simula mag –aral ni Charis.
Nabanggit ni Gerald and kanyang kaklase na mukha raw bayawak. As in, straight nya yun sinabi regardless of what people may feel. Oo, tama.
Nagsimula rito ang nagbabagang apoy na tuluyan na ring nagliyab. Oh juice ko! Pagkasabi ni Gerald na meron daw syang kaklase na mukhang bayawak…tumahimik ang paligid at napatingin lahat kay Charis.
Natahimik ang lahat sandali at bigla akong nangiti. Bakit? Sapagkat nalaman ko na ang tinutukoy ni Gerald at parehas pala kami ng iniisip. Wahaha
Joke lang! ano ako, masama? Di ah. Hindi nakuntento si Gerald sa pag-kutya ng pagiging bayawak ni Charis.
Dinugtungan nya pa ang description nang mga lalong nakakalokang salita.
Ani ni Gerald, pag naka-side view daw, mukhang pagong naman!
Pag naka talikod, wala daw mukha. Malamang!
Nabaliw na kami sa kakatawa ni Janina! Grabeh talaga. Parang sandali pa lang naming nakakasama at nakilala si Gerald naging parang matagal na dahil sa galing nya magpatawa at masayang makasama.
Na-realized ko na hindi naman gaanung mukhang bayawak si Charis kinalaunan. Baka magalit sya sa post na ito kaya huwag nyo sasabihin ah.
Alam nyo naman kami ni Janina kung paano tumawa… yung parang laugh. Ahahaha
An tagal ko bago matapos tong post na ito. Pano naman an daming istorbo at busy na ako sa aking masugid na pag-aaral. NOSEBLEED! Waa.
Unti-unti na rin akong nagiging makata sa patuloy na pagsusulat ng Filipino. Medyo nahahasa na rin ako sa pag-sulat sa iba’t ibang kategorya, pati Photo-journalism dito sa UST pinatulan ko na, matupad lang ang pangarap kong makapagsulat sa magazine. Toink.
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment