Sunday, May 2, 2010

The Chronicles of Yaya 1 : Chewing Gum

Ipakilala muna natin ang bida na si Rosel sa kauna-unahang kabanata ng The Chronicles of Yaya. Si Rosel mayroong maikling buhok at malaki ang butas ng ilong. Ang skin color niya ay mala-libag ang color. Siya ay isang maingay na nilalalang at mahilig kumanta na mali ang lyrics. Lagi siyang nakaitim na pantaas na hindi mo na mahahalata kung iyon ba ay balat niya o damit. Siya ay kilala rin sa pangalang 'Ati Puday'. Sa kasamaang palad, na-evict siya sa bahay namin kasi hindi siya nakasunod sa rules ni Big Mother. Ito ang kanyang kwento...

Nanunuod kami nina Yaya Ann at Ate Rosel ng tv. Commercial break na at biglang lumabas ang "Cool Fever" na commercial. Napansin namin ni Yaya Ann na na-amaze si Ate Rosel sa napanuod. Ang dialogue kasi ay:

Anak: "Mommy, I feel hot."

Mom: "You are hot.." (sabay kunot ng noo)

Biglang nagpakitang gilas si Ate Rosel at ipinagmalaki samin na kaya niya raw itong gayahin.

Rosel: "Humami, Chowinggam..." (parehas sa orihinal na tono)

Yaya Ann: "Bulol! Chowinggam ka jan! HAT yun!"

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment