Wednesday, May 26, 2010

The Chronicles of Yaya 3: Padausdos

Si Jona ay ang dating yaya ni Joaquin. Siya ay maliit at matambok ang mga pisngi. Trademark niya ang plain white t-shirt at jeans. Siya ay singkit pero nawala ang pagka-singkit niya nung nakilala niya ang aming Kapit-bahay na si Michael. Naging sila ni Michael, at matagal din naging ON at OFF ang kanilang natatanging relasyon. Nag-asawa bigla si Michael at biglang naging singkit na ulit si Jona na tunay na walang kinalaman sa kwento ko ngayon. Hindi talaga kagandahan ang ugali ni Jona, nakakainis at bossy siya pero ang pangit niya naman. Dati ay ginawan ko pa siya ng threat letter sa sobrang inis ko. Hindi niya ito naintindihan kaya sayang ang pagod ko dahil pure English ito. Sa aming bahay, meron kaming hills na landscape. Gawain naming magpadausdos dito noong mga bata pa kami. Minsan ay binantayan kami ni Jona. Umakyat muna kami nila Jolo at Trisha sa hills at nagready bago magpadausdos ng sabay-sabay. KJ talaga si Jona at ayaw niya sumali samin. Noong mag-sslide na kami, biglang humarurot pababa ang katawan ni Jona!!! Nauna pa siyang magpadausdos samin. Pero kami sabay ang pwet at mga paa; Siya naman, una ang buong katawan...nawalan pa ng mukha! :)) Nagalit samin si Jona dahil nadumihan ang white tshirt niya. Hindi siya nabalian ng buto (sayang!), at ayos naman siya. Wala kaming kinalaman sa pagkaka-tumba2x niya pero galit na galit pa samin. Pambihirang tanga! :))

Moral Lesson: Ang mataray ay laging tanga

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment