Wednesday, May 26, 2010

The Chronicles of Yaya 4: Eyeball

Si Josephine alias "Baby", alias "Bebang", alias "Bebe" (ang huli niyang alias), ay isang maskuladong babae. Mayroon siyang maitim na buhok, siko, tuhod, at buong katawan.Malaki at malapad ang kanyang... baba. Mabait naman siya kaso mahirap makaintindi. Dahil mabait naman siya, kami ay nag rent ng private resort para ma-celebrate ang kanyang debut. Natuwa naman siya sa aming munting regalo. Tumagal naman siya sa aming pamilya. Pero pag dalaga talaga, hindi mo mapipigilan humanap ng papa. Siya ay may naging textmate, mga ilang oras din silang nag-ligawan at ilang buwan din naging sila. Hindi naging maganda ang performance ni Ate Bebe dahil distracted siya sa kanyang textmate/dyowa. Isang taon ang nakalipas, nakapag-desisyon na si Bebe na makipagkita sa kanyang Prince-walang-charming...Pinayagan naman namin. Sila ay nag meet-up sa pier, at naging successful ang eyeball nila. Hindi na bumalik si Bebang, at nakipag-tanan na sa boypren niya. Wala na kaming naging balita sakanya kundi lalo siyang umitim ani ni Jona (ang bida sa nakaraan na kabanata). Oh Pag-ibig nga naman, ilang oras mong pinaghirapan, talagang uuwi yan sa tanan.

Moral Lesson: Iwasan maging maitim pag ikaw ay na-inlove, pag-uusapan ka lang ng mga sawi sa pag-ibig.

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment