Sunday, May 2, 2010

The Chronicles of Yaya 2: Kandila

Ipakilala muna natin ang bida sa ikalawang kwento sa The Chronicles of Yaya. Si Rosalyn ay isang maliit na tao na may malaking...tiyan. May mga nagsasabi na si Rosalyn daw ay nagkaroon ng affair sa aming boy na si Bonnie. Nakita raw an dalawa sa dating Clinic ni Mami na naglalandian. Pero hindi nagtagal, napalis din ni Big Mother si Rosalyn sa takot na baka mabuntis ni Bonnie si Rosalyn. Sa totoo lang, medyo fail talaga ang performance ni Rosalyn kaya medyo madami pang kabanata na siya ang mabibida. Lahat ata ng sustansya na nakukuha niya sa pagkain ay sa tiyan lang nag-sstay...hindi na umaabot sa kanyang utak kaya ang hirap paintindihan at sobrang fail ang performance. Tapos, marami na ring noon nakakapansin na maliit ang kanyang noo (added information lang). Ito ang kanyang kwento...

Isang araw natutulog si Rosalyn sa basement ng aming bahay. Dumating si Ate Lilia galing clinic kasama so Trisha. Noong mga oras na yon, hindi pa ako naliligo (gusto kolang ipaalamn sa inyo) at mga 4pm na ng hapon yon. Sa pasimuno ni Ate, kumuha kami ng mga candila at isang lighter. Nag-tulis kami ng kandila na nakapaligid sa kinahihigaan ni Rosalyn. Hindi niya pa rin napapansin ang usok at ang mga ingay na nagawa namin. NR pa rin siya, juice meh! tapos, lumuhod kami at sinamba na parang mga kulto ang natutulog niyang katawan. Sa wakas, nagising na rin si Sleeping Beauty and the Beast. Ganito ang kanyang sinabi.

Rosalyn: "Hala Ati! di ko po Bertdi"

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment