Sunday, May 24, 2009

Kidnapped--a crap story


Oo, talaga namang mahirap gumawa ng blog post pag-summer vacation. Una, wala kang inspirasyon...hindi mo siya/sila nakikita; Pangalawa, natutukso ka maglaro ng Pet Society o kaya naman, Restaurant City; Pangatlo, hindi ka makapag-isip ng matino. May naalala lang akong tao, kaya ko sinulat to. Kagabi, tinawag akoni Heidi na "crap", yun man kasi ang tawa at bati ko sakanya noong nag-aaral pa ako sa CdSP. Si Heidi, alias "crap" man anf bida sa Natatanging post na to.

Last Feastday na namin sa CdSP nang nangyari itong kagimbal-gimbal na krimen. Maayos anf panahon at hindi mo aakalain na may mangyayaring abnormal sa buhay ko noong araw na yon. Ang mga nasangkot sa pangyayari:

Heidi-kidnapper
Mang Carlos- naghatid ng Lengua
Tata Kards- Saksi
Jigs at Kiko- kasabwat
Sam- BIKTIMA
Jhanna- nadamay ang pangalan

Bumaba ako para kuhanin ang Lengua sa aming family driver na si Mang carlos. Dadalin ko na sana sa room namin ang pagkain nang biglang hinatak ako ni Heidi papalabas ng iskwelahan. Kumumpas ako kay Mang carlos, na ibig sabihin ay umuwi na sya , bago ako tuluyang makapasok sa tricycle. Nakita kong tumango si Mang CArlos na parang naintindihan nya ang mga pinag-kukumpas ko (lubos an mahina ang kanyang pandinig kaya minarapat ko ng gamitin ay sign language).

Wala akong kaalam-alam kung bakit ako pinasakay. Puro "basta" ang lumalabas na sagot nila Heidi at ang kanyang mga body guards (Jigs at Kiko). Aba! papunta pala kami sa bahay nila Heidi! Naintindihan ko na rin ang rason nung tatlo, may kailangan palang pictures ang BSP kay Heidi. Nag-mano ako sa Nanay ni Heidi at kinaladkad ako ni Heidi paakyat sa kanyang kwarto. Masyado ang abusi ni Heidi, huhuhu.

Pagkapasok namin, binati agad ako gn mga pinsan ni heidi...nagulat ako at kilala nila ako. Isang napalakas na "Ate Sam" ang pinukol nila sakin, hahaha! Oh ayan, nakaupo na rinkami sa harap ng pc ni Heidi. Nag-loko nung una, kaya nag-restart ulit si Heidi. Nakita ko ang mga bonggang-bongga pix ni Heidi! nakakatuwa talaga! Lahat ay nakitako sa kakahanap nya dun sa Boy Scout's pics. Binigyan pa ako ng Rc Cola ng mabait na Nanay ni Heidi. Nakakhiya nga, kasi naubos ko agad. Nakakaloka talaga, sila Peyt, Aejae, jannet, Kae, Jhakanax, Kathleen, nakita ko man ang mga pics nila. Pati kamo si Snow White! at ang barkadahan ng bayan! Wahahaha. Lagot si Heidi!

Wala ang pix ng BSP kay Heidi kaya kailangan pang pumunta nila Jigs kila Jhanna. Haha! Nasulit naman ang pag-kidnap sakin nag-enjoy naman ako at lalung -lalo na sa Rc Cola...uhaw na uhaw kasi ako! (>_<) Bumalik na ulit kami sa Cdsp, bigung-bigo ang mga kasama ko , grabeh. Tapos, hinatak na naman ako ni Heidi papunta sa room nila para ihatid sya. Abusadong babae! And ginawa ko, tinakbuhan ko nang malapit na sa room nila! :p

Wala akong masabi sa nangyari kundi, "crap."

* request nga pala ni Heidi itong post na to. Sobrang tagal na ! ngayon ko lang na-feel gawin.

*Ninakaw ko nga pala sa fs mo heidi, yung picture! hahaha. pano naman kasi ayokong humingi ng pix sayo, hindi na magiging surprise! wahaha.

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment