Friday, February 26, 2010

Badjao sa Dapitan

Nang minsan na naglalakad ako sa kalye ng UST Dapitan, may nanghinging Badjao sakin ng limos. Sabi ng Mommy ko, dapat daw natin tulungan ang ating kapwang nangangailangan kaya nag-bigay ako ng kaunting barya. Syempre, yung kaya lang ng budget ko. Pagkatapos noon, gumaan ang aking pakiramdam kasi nakatulong ako sa ibang tao. :)

Dumating na ang gabi at pinuntahan ko si Amanda Erika Buhain Gonzales, at nakalimutan ko na kung bakit ko siya pinuntahan. Papauwi na ako galing UST ng biglang may humarurot na motor sa aking gilid na mga 2 inches away lang sa akin beautiful skin. Muntik na akong masagasaan! buti nalang at mabilis ang reflexes kong umilag kundi dedvol na siguro ako. :))

Bumaba yung mga nakasakay sa motor sa gasolinahan na hindi naman gaanung malayo sa kinatatayuan ko. Pagdaan ko ng gasolinahan, nakita ko yung Badjao na binigyan ko ng pera nung umaga na siyanng nakasakay pala sa motor na muntik ng pumatay sakin ng bonggang-bongga!!!

Kongklusyon: Huwag magbibigay ng pera sa Badjao na naka-motor na muntik ng pumatay sayo na binigyan mo pa ng biyaya nung umaga.

At ang sabi ko,

"Parang binayaran ko lang ang buhay ko nung sinubukan kong bigyan ng buhay ang ibang tao."

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment