Sunday, February 21, 2010

Miss ko na. sabik pa!



Paminsan-minsan nagkakaroon rin kami ng pagkakataong mag-bonding ng mga kaibigan ko. Actually, ang mga pwede lang naming gaiwn ay either manuod ng sine, mag-house hopping, photoshoot by Michelle Santos, o kaya naman mag-bike (pero hindi kasama si Ikee) >:)


Well, speaking of biking with Janina and Michelle… namimiss ko na talaga ito. Every summer dati nung High School ay nag-bbike kami. O kaya naman nag-sshow-off pag may Saturday classes or GSP Assembly. Talagang nakakalungkot dahil hindi na namin ito magawa ngayon.

Pag nag-bbike kami, hindi mawawala ang lugaw after ng biking sa buong Pulilan, Bulacan. Doon kami kumakain sa tapat ng simbahan na Parking lot …merong nakatayong lugawan doon na ang pangalan ay T nag-uumpisa. Nakalimutan ko agad kahit kanina ko lang ito nakita noong nag-simba kami. Pano kasi, hindi naman kagiliw-giliw ang pangalan at hindi rin related sa pagkain. Basta, ang random lang.


3 pesos lang ang halaga ng lugaw. Madami na mura pa! pero walang lasa. Magdadagdag ka ng konting barya panghingi ng asin o kaya patis. Libre ang tubig nila na galing lang sa tabi-tabi kaya hindi ito masustansya…delikado pa. Pero ang gusto ko lang naman sabihin ay mainam na itong pantawid gutom after mong libutin ang buong bayan.


Sa baong 10 pesos lamang, meron ka ng magandang trip. 3 pesos para sa lugaw, 2 pesos para sa asin, at charms lang ang kailangan para makakuha ng libreng patis. Pabor ito sa may mga sakit sa bato kasi hindi maalat. Lasang tubig lamang na may ginisang kanin napag-subihan ng kaunting manok. :))


Tapos, naisip ko rin na walang kwenta talaga itong post ko na to. Ayoko lang kasi mag-start mag-aral at sobrang lungkot ko dahil hindi na naming nagagawa ito. Malapit na rin kasi ang bakasyon pero marami pa ring mapapagdaanan.


Hindi naman sa halaga naikukumpara ang pagsasama-sama. Ni minsa’y hindi ito mabibili ng pera! Wushu.:))


-S.Reyes



No comments:

Post a Comment