Thursday, April 28, 2011

Obra Maestra ni Janel Salivio





Nakita ko itong art work ni Janel Salivio (CdSP classmate ko) sa old yellow clear book ko nung grade six. Binigay niya sa akin itong sobrang gandang art work niya sa Last day namin ng grade 6. Si Janel ay sadyang madrama na tao, at naglagay pa siya ng dedication sa likod ng artwork niya. Sabi niya, huwag ko daw iwawala yung special remembrance niya for me. Oh di ayon, nakalipas ang matagal na panahon, nakalimutan kong iwala =))


Yung art activity na bingay niya ay yung i-ccopy mo yung isang cut-out person sa magazine. As in dapat, kamukha. Napakagaling talaga ni Janel! kuhang-kuha niya yung...white background sa drawing =)) joke lang

Naalala ko, yan yung art activity na natapunan ko ng juice yung akin tapos kalahati lang natapos ko sa drawing na yon :/ pero utang na loob na nag-submit pa ako =))

Sadyang di ako kagalingan sa larangan na pag-ddrawing =)) kaya 7/10 lang ata grade ko don. Tapos hubad pa at may punit yung natitirang plastic cover yung artbook ko kasi ganon talaga. =)) hindi ako NEAT. NOON. =))

Buti pa si Janel, naka-10/10 sa art activity =)) tapos na-show off niya pa sakin ang sobrang cool drawing skills niya =))

tapos medyo kamukha pa ni Janel yung drawing niya =)) biro lang Janel. Wala lang, gusto ko lang i-share. Nakakamiss kasi si Janel gaga gay. =))

Nahanap ko man yung artwork ni Michelle Santos na binigay niya sakin nung grade six. Kaso baka pag-inupload ko yon...masapak niya ako =)) kakatakot. Tapos 10/10 din grade niya...samantalang matumal akong makakuha ng 10/10 sa artwork ko =)) Siguro nagsawa yung teachers ko sa EPIC beach, sunset, horizons, trees, flowers na FAIL drawings ko =)) yun kasi uso non.

Tapos ang random na ng kwento ko. hahaha! inaantok na kasi ako ngayon. 12:30am na pala =)) Gusto ko rin i-share yung artwork kong may mga dinikit akong monggo para sa Christmas tree outline tapos after 3 days, inamag na. =)) may maliliit na bugs na kumakain duns a monggo ko tapos pinasa ko pa yun sa teacher ko =)))))) benta talaga. Tapos ang baho =))))))

Anyway, pabaon lang...those people who didn’t start out great, become the greatest when they grow. OK TAPOS NA. (;D) 

No comments:

Post a Comment