Friday, April 29, 2011

Battle of the Fortress

  Ito ay isang istorya tungkol sa natatanging labanan na nagaganap sa isang yugto ng buhay ng tao. Ito ang...BATTLE OF THE FORTRESS!

"Ang konsepto ng fortress ay nabuo sa isang matinding clash sa magkabilangpartido. Sa labanang ito ay ang partidong nagpamalas ng matindi at matapat na pagmamahal sa kanyang fortress. Bhala na kayong magpasya, mga mahal kong taga-basa." _Janina Mercado

 Ano nga ba ang “Battle of the Fortress?”

          Ito ay isang uri ng pagtutunggali ng dalawang tulog na tao gamit ang kanilang mga natatanging panakip-kama bilang kanilang kalasag sa giyera.

Sino ang pwedeng sumali sa labanan na ito?

          Ang answer diyan ay LAHAT NG TULOG. Basta, siguraduhin na hindi makikita ang face mo sa labanan. Para secured ang  iyong dignidad.

Ano ang mga pinapakita sa Battle of the Fortress?

          Ang nakikita lang halos ay kumot at paa. Dapat ang focus sa laban ay kung gaano katibay at kabongga ang fortress mo.

Ipakilala na natin ang magkalaban sa edition na ito ng Battle of the Fortress:

PLAYER 1:

Name: Charis alias “BOY TWALYA” Cauyao (medyo tunay niyang pangalan)
Fortress type: hanger plus body towel
Special Features: body towel dolphin design
Player formation: baluktot-ipit-boom-boom-tiyan formation
Strength: MEGA WEAK


VERSUS

PLAYER 2:

Name: XTALSION (hindi niya tunay na pangalan...eto lang ang nakuha ng source ko na info)
Fortress type: Folding table plus kabayo ng plantsa
Special Features: Pikachu hotdog unan
Player Formation: tuhod-camel-pregnancy position
Strength: STRONG



AUDIENCE involved:
Sam Reyes and Janina Mercado
-sila ang nakasaksi sa maka-kabag-utot na pangyayari na labanan.

Para malaman natin kung sino ang nanalo, panuorin niyo itong isang special interview kay Janina Mercado. Salamat sa ating field interviewer na si...AKO. 


According sa Video...malalaman na natin kung sino ang nanalo sa Battle of the Fortress. Sa una palang, obvious naman na no match ang body towel fortress sa folding table. Pero pinapasalamatan pa rin natin si Charis dahil nag-participate siya kahit di niya ito alam.

Salamat kay Janina “Jajabass” Mercado dahil pinahintulutan niya akong i-release ang top secret interview niya.


Sobrang tagal na nangyari itong battle of the fortress pero hindi pa rin alam ni XTALSION at Charis ang buong EPIC na pangyayari. =))

No comments:

Post a Comment