Monday, April 20, 2009

HELIUM INHALERZ

Aakalain niyo siguro na ito ay isang walang kwentang post. Title pa lang ay mukhang hindi na interesting, Hindi ba? Actually, dapat hindi ako nag-aaksaya ng panahon sa mga post na wala kayong mapupulot na aral. Kaya ko lang naman ito naisulat ay para maibahagi ko sa inyo ang isa sa mga nakatutuwang pangyayari na naganap sa aking last two months sa CdSp. Itong post na ito ay nagsisilbing daan upang maipakilala ko ang aking mga kaklase at magsilbing daan ito patungo sa kanilang kasikatan (Paul, alam kong gusto mong sumikat/ Chance mo na 'to!).

and haba-haba ng introduction ko. Sa natural, ito ay isang maikling pangyayari lamang. Kukuha ng lobo, aalisin ang tali, hihigupin ang Helium, mag-sasalita. Tapos na! hahaha.

Nag-umpisa ang kalokohang ito sa taping ng "Valor." Naglalakad ako sa corridor ng biglang hinarang ako ni Ivan.

"Pakinggan mo to", sabay higop sa lobo.

"O si--",

"Hello, Sam! have a nice day!"

Grabeh, nagulat ako dahil lumiit ang boses ni Ivan. Hindi ko na nga natapos ang aking sasabihin sa pagkamangha.

Kumalat na rin ang pakana ni Ivan. Aba's syempre! Hindi ako pahuhuli. Marami na ring sumunod sa yapak ni Ivan. Sumapit na rin ang uwian, kaso may taping pa kami ng Valor hanggang gabi. Nag-agawan pa kami sa mga natirang lobo ng Artist Circle Club. Gusto ko sana yung pink na lobo kaso nakuha na ito ni Ikee. Hiningi ko ito sakanya; nang-una, ayaw nya itong ibigay. Kinalaunan, binigay niya na rin. Alam ko namang hindi nya ako matitiis,haha. Pumunta kaming lahat sa grade 1 room upang mag-patagisan ng galing sa larangan ng pag-higop ng Helium.

Nagawa ko ito ng dalawang beses, tapos naubos na ang lobo ko. Makiki-share sana akokaso naisip ko na ang ganoong gawain ay yaong nag-papakita na walang urbanidad. Si Paul ang may pinaka-malakas na boses at madali niyang nakuha ang technique. Kung anu-ano ang request namin kay Paul. nakakatuwa siyang panuorin. Si Michelle, lalung-lalo ng nag-enjoy sakanya!

Syempre, hindi masaya pag-hindi mga famous Jassiel quotes and sinasabi. Ilan lang ito sa mga napasikat na quotes mula kay Jassiel. Gusto ko mang kunin ang pagkakataon na ibahagi ito sa inyo.

"Tinatakot nyo lang ang sarili nyo!"
(2nd year, sinabi with conviction/ pamatay multo)

"Ang bhad bhad mow!"
(4th year, may version nito si Paul)

Naka-move on na rin kami after maubos ang aming lobo na may Helium. Back to taping!

*Hindi dito nagtatapos ang istorya. Naisipan kong putulin muna at maghintay kayo sa susunod na kabanata.

*F.Y.I.: Itong blog na ito ay handwritten ng una. Pinag-bawalan ako mag-internet for 5 days.

~Maghintay kayo sa susunod na kabanata...Sino naman kaya ang bida? coming soon.

-S.Reyes

2 comments: