Pag highschool ka, hindi uso ang may ink sa bahay. Kaya, kailangan mo pang dayuhin ang mga computer shop para magpa-print at makisabay sa uso. Noong 4th year kami, may computer shop sa bayan ng Pulilan na "E-Click" ang tawag. Halos lahat ng student sa aking paaralan, dito nagpapa-print. Bukod sa mura dito, mababait din ang mga tao. Lagi naming nakakalimutan ang pangalan ng computer shop na ito kaya tinatawag namin itong "Buong pamilya pati si doggy at si yaya computer shop"...Bakit? ito ang dahilan:
Sa computer shop na ito, makikita mo si Kuya Smile (hindi nya totoong pangalan) na laging nakangiti; Kasama nya ang kanyang asawa na Angel ata ang pangalan (ay hindi pala Angel, aso ko pala iyon); kasama rin ang bunga ng kanilang pagmamahalan, ang anak nilang si Sam (putcha! kapangalan ko pa!)na laging tuliro; Andito rin yung isa pa nilang anak na lagi naming napagkakamalang boy nila; Syempre, andito rin yung pinakamamahal nilang aso na "kitty" ang pangalan; at ang major character na si Ate Ehmz (mukhang yaya), na laging naka-display ang pouty kissable lips nya. Dito sa computer shop na ito mismong nakatira ang mga nabanggit na tao. Isa lang itong maliit na apartment, malilito ka tuloy if oven ba nila iyon o computer. :))
Kilala na kami ng mga kaklase ko rito dahil sobrang dalas talaga kami magpa-print at laminate. Lalo na ako, ilang beses ako nagpapa-laminate kasi lagiging mukhang na-rape ang pass out ko. Mabenta talaga dito sa "Buong pamilya pati si doggy at si yaya computer shop". Tuwing pumupunta kami doon, lagi namin nakikita si Ate Ehmz at ang kanyang boypren na LQ lagi. Ang saya talaga subaybayan ng kanilang love story. Ni-minsan hindi namin nakita si Ate Ehmz na ngumiti sa kanyang mga customers. Parating may period porket nagkakalabuan sila nung dyowa nya. :))
Nakakamiss dahil hindi na kami nakakapunta don. Mayaman na kami sa ink kung kelan wala naman akong kailangan i-print. Umaasenso talaga ako sa buhay, dati'y naliligo lang ako sa dagat ng basura. LOL
Anyway, ang pinaka nakakamiss sa lahat ay yung hindi mo na masulyapan ang nguso ni ate Ehmz na naiipit ng kanyang mga dark brown na pisngi at ang pouty kissable lips with matching kalubot sa noo at salubong na kilay.
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment