Friday, April 2, 2010

Holy Week Trilogy

Nanuod kami nila Ate Rosette ng prusisyon sa bayan. Habang nanunuod, ilang tao rin ang nag-abot sa kanya ng flyers. Ang mga ito ay pare-parehas lang naman ang nakalagay, at ito'y tungkol sa bagong kainan at reception area sa Pulilan. Sabi ng ate ko:


"sam, mukha ba akong matakaw para bigyan ng ilang ulit nito?"


ang sabi ko, "hindi" plus big grin :D

* * *

Isa pang istorya para sa Good Friday ay tungkol pa rin sa prusisyon. Paano naman kasi, dito umikot ang buong araw ko.


Sa medyo dulo ng prusisyon, nakita ko si Michelle Anne Castro Santos. Ako'y napatayo at biglang sinigaw:


"Michelle! Michelle! Michelle Anne!"


tinawag ko ulit at binulong ko sa aking sarili:


"ABA! ayaw akong pansinin ah..."


Nakuha ko na rin ang kanyang atensyon at lumapit siya papunta sa akin.


"Hello, Maita!" ang sabi niya.


Gagi! hindi ako ang nilapitan kundi si Maita! ako pa naman ang tumawag. So, nagtampo na talaga ako kasi inuna niya pa si Maita pansinin kesa sakin. Parang ako lang ang sumalo ng mga natitirang grasya. :|


* * *


Ang huling kwento ay mayroon kayong mapupulot na aral. Ito ay tungkol kay Ate Azone, kasambahay namin sa bahay. Ngayong Good Friday, inalay niya ang kanyang sarili sa paglalakad papuntang Pampanga upang manuod ng mga tao na pinapako sa krus. Oo, tama. Naglakad nga siya at siya'y may katandaan na rin. Nakaporma pa talaga siya at naglakad papuntang San Fernando.


Hapon na siyang nakauwi at pagdating niya sa aming bahay, sigaw siya ng sigaw.

"Nakakainis talaga yang si Bulag! Pinapakialaman ang gamit ko!!! Nakakainis"


Ay oo nga pala, meron kaming mabait na labandera na Ate Jen ang pangalan...pero ang tawag ni Ate Azone ay Bulag kasi meron syang kapansanan na bulag ang isang mata. Pero despite the imperfection, mabait naman siya sakin at masipag sa trabaho.


"Ate Azone, ano ba yang sinisigaw mo?" tanong ko.


"Si Bulag kasi, tinago ang salamin ko! pinapakialaman ang gamit ko!"


"Pano ka naman nakakasiguro na siya may kasalanan???"


"Ikaw naman kasi, may pangalan naman yung tao 'Bulag' pa tawag mo."


"Eh, tinago niya yung salamin ko." sabay alis at pagdadabog.


Tama kayo, Mali ako; Hindi ko dapat sinagot si Ate Azone ng ganun. Alam kong nabarahan ko siya, kasi ayaw kong pagbintangan niya ang ibang tao. Siya naman talaga ang nakawala ng salamin niya at siya rin ang nakakita sa huli.


MORAL LESSON:


Walang kwenta ang iyong pagsasakripisyo kung walang halaga lang sa iyo saktan ang ibang tao sa iyong pang-iinsulto.


-S.Reyes

No comments:

Post a Comment