Saturday, April 10, 2010

Pangarap

Mayroong tatlong bata na minsa'y nangarap...

Bata 1: Gusto ko maging cashier paglaki ko.

Bata 2: Ako naman, gusto kong maging matapang na police.

Bata 3: Ako, gusto kong maging manikurista.

Ina: Bakit yan ang pangarap nyo kung pwede namang mas mataas pa jan?

Mga Bata: Kasi, dito po kami masaya...

* * *

Paglaki nung tatlong bata, sila'y pareparehas naging doktor. Namatay na ang kanilang ina...

Bakit kayo nag-doktor? Iyan ba talaga ang gusto nyo? Masaya ba kayo?

Ang sagot: Hindi namin ito pangarap, at hindi namin ito gusto nung una...
Natutunan namin gustuhin, at sumaya naman kami...
Ito ang pangarap ng aming ina,
mas importante pala samin ang kanyang saya kaysa sa aming ligaya....

:)

* * *
Ang pangarap nga naman...kung san-san ka madadala...pero masaya rin pala na matagpuan ang kaligayahan sa pangarap ng iba.

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment