Thursday, April 1, 2010

Kasalang Diaper

One time, nakuha ako maging flower girl sa isang natatanging kasal. Syempre, alam ko na yon deep inside na makukuha akong flower girl kasi ang cute ko talaga. So, purple ang aking dress with matching violet flowers din in a basket. Aba! uso pa noon ang white socks na may bonggang-bonggang lace! oha !Bata palang, may attitude na ako kaya ayoko magpa-escort sa aking yaya na lumakad papunta sa altar. Mabigat ang dinadala ko sa aking tiyan at ang hinihintay ko nalang na matapos ang kasal nang malabas ko na ITO. Habang palakad na ako, dahil start na ang kasal...sa kalagitnaan ng aking shining moment, nahulog ang diaper ko.


Nakakahiya talaga ang nangyari! buti nalang carry ng confidence ko. Hindi nakayanan ng diaper ang sama ng loob na dinadala ng tiyan ko. LOL. Kaya ko lang na-blog ito dahil sa tuwing meron kaming bisita, lagi itong kinukwento ni Daddy. Nahihiya na talaga ako, kasi dalaga nako. :))


-S.Reyes

No comments:

Post a Comment