Saturday, April 3, 2010

Papa Joke found his FOREVER

Meron kaming teacher dati noong grade 6 pa ako na si Sir Mike. Teacher namin siya sa Panitikan at magaling talaga siya. Hindi ko ma-explain pero pag nag-jjoke siya, seryoso niya ito sinasabi. Ang cute nga ni Sir eh, kakaiba siya. Kaya ayun, Papa Joke ang tawag namin sa kanya.

Hindi siya nagtagal sa CdSP, pero sa school namin siya nakahanap ng soulmate niya. Bilib nga ako sa tibay ng pagmamahalan nila kasi until now, sila pa rin. Well, nakita ko kasi sila nung gf nya na magkasama this Holy Week 2010. Nag-trigger iyon ng maraming memorya ko about Papa Joke. Nakakatuwa lang dahil lagi niya ako kinakamusta, bawat yugto ata ng buhay ko...updated siya. Lagi kaming nagkikita sa simbahan at pinatunayan niya na kahit wala na siya sa CdSP, madasalin pa rin siyang tao. Bilib talaga ako kay Papa Joke kasi sobrang tagal na talaga nila nung soulmate niya na dating teacher din ng Panitikan sa CdSP.

Para sa akin, bagay talaga sila kasi parehas silang mabait. Masaya ako para kay Papa Joke dahil nakahanap na siya ng kanyang 'FOREVER'. Kayo, nakahanap na ba
kayo?

Malay ba ni Papa Joke na dahil sa Panitikan, nagbunga ang kanilang pagmamahalan ;) Magturo na rin kayo ng Panitikan!

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment