Thursday, March 19, 2009

Ate Ibiang--Exclusive! (heart-to-heart interview)


*Nangyari itong noong ika-17 ng Marso, Sa aming iskwelahan, 8:30 ng gabi.

~HINDI ito krimen o kaya isang seryosong pangyayari, ito ay hango sa isang pagkakataon na ikinasiya naming magkakaibigan...~

Si Ate Ibiang, mahusay na cook sa aming paaralan, ang bida sa natatanging blog na to...
Siya ay mabait, simple, magaling magluto, at ang pinaka importante sa lahat...
Dakilang Ina ni Claire C. Pablo! (MIchelle, para sa iyo ito).

naka-upo kami ni Ikee (aking kaibigan na may kasalanan kung bakit hindi ako nakauwi ng maaga) at Michelle sa corridor ng Grade three room. Halos wala ng tao sa paaralan, ang natira na lamang ay sina Erick, Ate Ibiang, kaming tatlo( kriminal at dalawang martyr), at ang iba pang kasam-bahay ni Ms. _____.

Wala na talaga kaming magawang tatlo, kundi umupo at maghintay sa Tito ni Ikee.
Pagod na kami at bored pa...buti na lang ay pinakain kami ng free dinner at free iced tea.

Si Ikee ay mukhang antok na, kaya't kung anu-ano na lang ang kanyang sinasabi para malibang... Napadaan si ate Ibiang.

dito na mag-uumpisa ang exclusive na interview:

--Ate Ibiang
--Ikee
--Sam (ako)
--Michelle

~INTERVIEW~
"mamimiss nyo po ba kami pag ala na kami sa school?
"abay, syempre naman."
"Ilan taon na po ba kayo nag-ttrabaho sa CdSP?"
"di ko malaman, dalaga pako nun!?!?" (sabay kamot sa ulo)
"Anung araw po ba ang spaghetti day next year?"
"para po makapunta kami..."
"o di Tuesday parin..."
"tama po yan, every tuesday man kami cutting classes at absent."
"nax naman! eh anu naman po masasabi nyo sa mga taong tumatangkilik ng inyong spaghetti?"
"salamat, ewan ko lang kung totoo yun..."
(napangiti lang)
"ano po ba ang specialty nyo?"
"hinko alam, wala ata weh..."
"Mahal nyo po ba kami?"
"abay, oo naman. kayo pa,"


~pumasok na sa kitchen si ate ibiang...~

LAHAT NG TANONG NAMIN AY SINAGOT NG BUONG LOOB NI ATE IBIANG...
WALANG HALONG KAPLASTIKAN AT PAWANG BUKASL NA PUSO LAMANG...

nag-enjoy kami sa maikling sandali na iyon...at lumalim na ang gabi, hindi parin kami umuuwi.

Nais kong pasalamatan si Ate Ibiang, sa pag-bibigay ng inspirasyon sakin upang sumulat ng tagalog na blog. maraming salamat sa sandaling ipinamalas mo sa amin.
kay ikee at michelle para sa walang sawang maghintay sa school kagaya ko...

*sana ay nagustuhan nyo ang aking unang-una na tagalog na blog.


-S.Reyes

1 comment:

  1. Tae tong blog na to! Pinasaya naman ang araw ko kahit gabi na! HAHAHA.

    I love you, Ate Ibss!

    ReplyDelete