Wednesday, March 25, 2009

MAMI LOLA--THE MEDIA--Panorama


Well, actually...two weeks before our graduation ito nangyari. Sapagkat busy ako, ngayon ko lang ito nabigyan ng oras para isulat. Matagal ko na talagang gusto gawan ng blog itong nakakatuwang pangyayari sa buhay ko. Hindi lang naman ako ang naangkop sa natatanging "kaguluhan" na to.

Ang pangyayari ay naganap sa Canteen, break time na min sa umaga. Dahil sinusulit na namin ang mga nalalabing araw namin sa school, naisipan namin na sabay-sabay kumain ng snack. Ang mga girlaloo ng fourth year ay pinag-dikit ang dalawang dakilang table sa canteen. Pahintulatan niyo akong ipakilala ang mga nasangkot sa kagimbal-gimbal na pangyayari:


Charmaine: Alias "chikadora", ang nangunguna sa intriga.

Jennifer: ang napicture-ran. huli ka.

Sam (ako): maingay habang kumakain.

Mela: ang nagbigay ng warning bago nangyari ang krimen.

Ikee: walang pakisama at hindi sumali sa pagtitipon nung mga oras na iyon.
Feedez: ang nakapansin ng hidden camera.

FOURTH GIRLS: pinaghalu-halong tsismosa, epal, biktima , at EXTRA.


Ang purpose ng blog na ito ay hindi para takutin ang mga bumabasa, ito ay para ipaalam sainyong lahat na sa loob ng bawat canteen sa iba't -ibang sulok ng mundo, may mga recoder at camera ang mga tao; pwdeng-pwede kuhanan ang pose mo--at sampahan ng kaso!

Nagkkwentuhan lang naman kami tungkol sa mga latest gosip in town. Pinangunahan ni Charmaine and tsismisan. Kumakain kami ng matiwasay at nagkaguluhan na nung lumabas ang mga hot and sizzling na issues in school! xempre, sino ba ang hindi matutuwa at magiging wild pag-ganunu? haha Naingayan samin si Mami Lola kaya't nilabas na nya ang kanyang cellphone na may camera at voice recorder pa. Napansin ni Feedez na kami ay kinukuhanan ng picture--nginig kami sa takot ng sabihin ni mela na baka kami isumbong. tumahimik kami pansamantala at nag-plano kung paano namin lilinisin ang mga nabahiran naming pangalan--at kung panu din kami makaka-evacuate ng mabilis. Natakpan ng isang bata sa camera kaya't palpak ang first attempt ni Mami Lola. Aba! ang pinapalag ata kami, ala si Mami Lolang nakuhang malinaw na picture sa mga sumunod niyang tira. "Huli ka!"--OMG. Si jennifer ay nakuhanan ng swak-na-swak. grabeh. Nakangiti pa! tagumpay ang Lola patin na rin ang camera!

*wag kayong mag-iingay sa loob ng mga sagrodong lugar sa iskwelahan--isama nyo na ang canteen. " Hindi baling masuntok ng kaaway wag lang makuhanan ng picture pag maingay..."

Sa totoo lang, kahit ganoon ang aming kinahinatnan, mamimiss namin ng sobra ang pinakamamahal naming si "Mami Lola".


-S.Reyes

No comments:

Post a Comment