Tuesday, March 31, 2009

BAKIT FILIPINO?


Nagtataka siguro kayo kung bakit marami na akong posts na Filipino ang language. Actually, kaya ko naisipan mag-Filipino naman dahil yan ang iniwang payo sakin ng Filipino teacher namin sa School. Itago natin siya sa pangalang, T. Mervy. hahaha. Hindi ako gaano kagaling magsulat ng mga Filipino compositions. Sa tingin ko nga ay mas madami akong alam na English words kaysa Filipino. Nalilito nga rin ako sa mga Grammar rules sa ating Panitikan.

Tama lang siguro na mag-practice ako magsulat ng Filipino upang ako ay mahasa sa pagsusulat mapa-Ingles o kaya naman, Filipino. Hindi naman siguro masamang sumunod sa payo ng aking dating guro, hindi ba? Oo naman.

Marami na nga rin akong ka-chat sa ym na nag-eenjoy silang basahin ang mga posts ko lalo na kung Filipino sa ginamit kong wika. Isa sa mga tumatangkilik ng mga ito ay si Jelicans. hahaha. Gusto ko na rin kunin itong pagkakataon upang pasalamatan ang mga walang sawang nagturo ng Filipino sa aking iskwelahan. Alam ko na madalas akong nag-rereklamo pag-wika at panitikan na ang aming pag-aaralan. Sa totoo lang, na-touch sila sa pinaka huling journal reflection na sinulat ko sakanila. Di ko akalain na mag-lalagay ng comment si T.Elvie sa journal ko ng pamatay at mahaba. nakakagulat talaga.

*Salamat sa maga bumabasa ng aking posts, lalo na roon sa taong nag-bibigay inspirasyon sakin.
wahahaha! ang cheesy nito.

-S.Reyes

No comments:

Post a Comment