Friday, March 20, 2009

Spaghetti Day!


Last year, every Tuesday... me and my classamates were eating Ate Ibiang's Specialty--the undying spaghetti (lasang ketchup, ang sarap ulit-ulitin!). Hindi talaga ako makapaniwala na we already had our last Spaghetti day (March 18,2009). Super ma-mimiss ko talaga ang spaghetti. wala kasing ganun pag-college. iba talaga ang lasa at walang tatapat sa sarap. nakuha ni Ate Ibiang ang technique upang balik-balikan sya ng mga students, kaya naman napamahal samin sya.

Every snack time, sama-sama kami nila Ikee, michelle, and the rest of the Senior Girls para kumain...kwentuhan at chizmaxx pang kasama! grabeh, Bawat hibla ng Spaghetti nilalamlam namin, simot bawat plato, san ka pa!
Naaalala ko pa nga, lagi kaming nag-oorder ng worth 30 pesos na Spaghetti, napapangiti si Mami Lola dahil ubos tinda nya...(super mega ultra rare lang ang kanyang pag-ngiti! oha,).
Nagtipon-tipon kaming Senior Girls para sabay-sabay kumain for the last time...Sayang kumpleto na sana kaso ala naman si Ikee...busy kasi sya masyado. Ka-sad naman, hindi ko pa siya nakasama dun sa last. oh well, pinag-dugtong namin yung dalawang dakilang table sa canteeen at kumain ng Spaghetti. Nag-usap kaming girls about College and Universities. napag-usapan man namin yung mga mamimiss namin pag-graduate na kami like, Spaghetti day, tambay at chizmax moments.


Ala na talaga akong masabi. Gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na: "Maaaring makalimutan namin ang lasa ng Spaghetti, hindi mawawala na minsan sa aming buhay, nagkaroon kami ng pagkakataon na kumain sabay-sabay at pag-diwang ang Spaghetti day!"

IN SHORT: "Mahal namin ang Spaghetti, sapagkat tinuruan kami nitong mahalin ang isa't isa." aww.
-S.Reyes

No comments:

Post a Comment