Title pa lang akala nyo emote tong post na to. Hindi noh! Ito ay isang masyang experience nitong linggo. Second week na naming as College students.
Nag audition si Janina sa Commerce Journal, at natanggap naman siya. Congratulations! Sana ako ma matanggap sa College of Science Journal Mirage, if ever sasali ako. Sana mmay time pa sa ganyan.
Well, inaya ko si Charis at Janina na puntahan si Ikee kasi miss ko na sya. Joke yan.
Sumama naman ang dalawang—cherry cherry boom boom—gaga.
Bago kami pumunta kay Ikee, After classes naming ni Charis, nag KFC muna kami. Pinakita ko pa nga kay Charis yung mga blockmates ko at nag museum pa kami. Bumili man kami ng UST ID sling. Para palabasin na fake ID at hindi na kami pagkamalan na freshmen. May discrimination nga kasi.
So, ayan pinuntahan namin si Ikee sakanyang room. Hindi pa sila lumalabas kaya naisipan muna naming mag conduct ng sarili naming Campus tour. Pumunta kami sa commerce Building, at kami lang ni Charis ang bukod tanging naka-puti. Hahaha
Tapos sa Main building naman kami papunta sa room ni Ikee. Tiningnan muna namin ang room ni charis kung saan nya naiwan ang kanyang payong. Tapos, doon naman kami sa third floor. Kung saan yung rooms ko, we checked out the org rooms and bulletins while waiting for Ikee.
Dismissed na si Ikee and she signaled for us to wait for a while. We were glad to see her in her purple jacket. Ako na nagbuhat ng bag nya kasi ang dami nyang dala. Sinumpong na naman ako ng aking kabaitan.
Nagpaalam na si Janina samin kasi ay dinner party sya. Si Charis naman may study group na naman ata with Gerald. Sabi ko pa naman wag kaming iiwan na dalawa lang kasi kawawa ako kay Ikee. Ang mean nila. Tapos feel ko tuloy set up ang nangyari.
Gusto pa naman ni Ikee makita si Gerald. Saying talaga. So, nag-CR muna kami ni Ikee tapos buhat ko parin ang bag nya. Pumunta kami sa library at nag –usap lang. Kinamusta na naman nya ang pag cut ko ng classes (free cut to wah) at ang mga friends ko. She insisted na ipakilala ko sya na naman. Nakakainis.
Then sabi ko, hindi na makakarating si Gerald kaya umuwi na sya. Gumagabi na rin at baka maulan pa siya. Kaya ayun, hinatid ko na naman sa Lola Nelda station. Eto ang malupit na ending:
“Lola Nelda, pakisabi po kay Ikee, goodbye at ingat sya!”
And I caught her looking at me as we parted our ways. Puro ganyan ang ending pag nagkikita kami ni Ikee. Napaka walang kwenta. Magsasawa talaga kayo! Wahahaha
I plan not to meet up with her this week. Nakakapagod din kasi noh. Sana mag work ang plan ko para iba naman ang ending. Haha. Lagi kaya ako talo sa huli.
-S.Reyes
No comments:
Post a Comment