Monday, December 28, 2009

bonne 2x


Tribute to Charmaine Cantonjos: (kung nasan man siya ngayon)


Matagal na rin namin hindi nakakapiling si Charmaine. Hindi sya madalas nakakasama sa mga gimik ng High school barkada. Siya ngayon ay nag-aaral sa UE, BS Biology ang kurso. Doon nya rin natagpuan ang kanyang 'FOREVER' (boylet).


Wala na kaming masyadong balita sa kanya...ang huling kita namin sakanya ay noong September 8,2009. Kung saan nya pinakita samin ang magarbong pinta ng kanyang buhok at ang bonggang pulbos sa kanyang mukha. Watta transformation!!! watchak! Blooming ang gaga! haha


Syempre, kasama siya lagi noon sa mga tsismisan at kalokohan noong high school. Talagang nakakamiss sya. Mas updated kami sa love life niya kaysa sa academics niya. Araw-araw niyang pinaparating ang hinanakit, pagseselos, kaligayahan, kung gaano siya kainlove sa boylet niya through constant group messaging.


Kung ano-anung love quotes...minsan may pagka-pornicatesxxxxx. :)) natawa naman ako. Basta updated kami sa love life niya.


Actually, ang post na ito ay hindi para ipakilala at pasikatin ko siya. Ito ay tungkol samin ni Janina, at siya'y isang hamak na biktima.


Meron kasi siyang bag na malabnaw na dilaw noong high school. Meron itong mga print na cherry at malalanding sulat. Isa sa mga naka-print dito ay 'bonne fruit'.


Lagi naming tinatago ni Janina ang bag ni Maine tuwing class discussion o kaya break time. Para siya ay maasar. Tapos, napaka saya talaga! Lagi naming sinasabi eh:


"Hanapin mo muna bonne 2x mo!"


puro iyon lang, buti hindi napipikon si Maine.


Nagpalit tuloy ng bag!!! Tapos tuwing bonne 2x ulit gamit niyang bag tinatago namin. Napakasaya talaga! :))


Itsura pa nya. Until 4th year namin yun ginawa. Medyo naawa nga ako dun sa bonne 2x nya...Dating Kulay na masayang dilaw, naging matampuhing uling na. Parang pinamlampaso ng floor. itsuraz.


Nakigaya naman yung iba sa tawag na bonne 2x, eh pauso namin yun ni Janina! :)) ang feeling . Lalo na sila Dyashel. Lantaran! :))


-S.Reyes

2 comments: