Tuesday, December 22, 2009

McDo cutie

Isa na siguro ito sa pinakawalang kwenta kong naisulat na blog. Wala itong saysay at nakatuon lang ito sa mga pangyayaring naganap sa nakaraan na linggo.

Sa totoo lang, instead na mag-sulat ako sa talaarawan namin na alibata, nag-bblog na lang ako upang hindi nyo ako mxado ma-miss.

Wala rin akong pakialam kung dadalawang tao lang ang bumabasa ng blogs ko…at least may bumabasa! Utang na loob! Hahaha sisikat din ako!

Pagkatapos ng walang kwentang introduction na napa-imbyerna ko lang ako mga utak nyo, pumunta na tayo sa totoong istorya para sa blog na ito.

Pumunta kami sa Lacson upang kumain sa McDo. Habang papunta roon, nakapullot si Gerald ng ID ng isang—malamang—estudyante.

PInulot nya ito at ipinakita sa amin. Balak nya sana itong i-report sa student council upang matulungan ang nawalan ng ID. Yes naman!

Kinalaunan, hanbang patuloy na naglalakad…Itinapon biglan ni Gerald ang ID! Nagulat kaming lahat sabay tanong sa kanya.

Ang sabi nya, nagbago na raw ang isip nya kasi isa daw yung mabuting Gawain. Wahahaha amp na amp. Hahaha

Nakarating na rin kami sa McDo at kumain. Ako madami, si Charis—marami rami—ganoon man si Janina. Si Gerald—diet! Ay hindi, fasting pala! Juice ko talaga.

Natapos kami kumain at panandaliang nag kwentuhan muna kaming apat. Si Gerald ay bumili ng kanyang gamut kasi sya’y may sakit. Haha

Nang pauwi na kami, meron nakita si Gerald na cute na lalaki. Ayon sakanya, cute daw yon. Haha. So nakaksabay naming sa pagtawid. Then, binangga nya ako patagilid upang makabanggaan ko yung cute.

Ayun, nasagi ko. Tapos nag-sorry na lang ako. Fine! Oh di nagpa-cute na rin ako! Hahaha. Ayun, ang landi ni Gerald. Daig pa ko. Nakakhiya tuloy yung nangyari sakin pauwi galing McDo.

-S.Reyes


No comments:

Post a Comment